X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

5 reasons kung bakit kailangan bigyan ang bata ng panahon para maglaro

5 min read
5 reasons kung bakit kailangan bigyan ang bata ng panahon para maglaro5 reasons kung bakit kailangan bigyan ang bata ng panahon para maglaro

Alamin kung bakit mahalaga sa bata ang paglalaro at ilang mga educational games na makakatulong sa development ng iyong anak.

Mahilig maglaro ang mga bata. Ito ang gawaing may pinaka matagal na nilalaanan nila ng oras bukod sa pagtulog. Bukod sa pampalipas nila ng oras at pampaaliw nila ang paglalaro, alam mo bang mahalaga talaga itong parte ng pagkabata? Alamin natin ang iba’t ibang rason kung bakit kailangang bigyan ang bata ng panahon sa paglalaro.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Study kung bakit mahalaga ang paglalaro sa bata
  • 5 na rason bakit mahalaga sa bata ang paglalaro
  • Mga larong educational para sa mga bata

Study kung bakit mahalaga ang paglalaro sa bata

Napag-alaman sa mga pag-aaral na may malaking halaga ang play time sa pag-aaral. Sa tansya, ang play time length sa mga primary schools sa buong mundo ay nasa pagitan ng 15 minuto hanggang 2 oras.

Iba’t iba rin ang estilo at disenyo na kanilang mga playgrounds. Mayroong mga hard courts, landscape parks, o kaya ay built-in playground sa loob ng klase.

bakit mahalaga sa bata ang paglalaro

Larawan mula sa Pexels

Sa datos, 40% ng guro sa mga primary schools ang nag-report na mas maiksi pa sa 30 minuto outdoor playtime o recess sa normal na araw. Habang 33% naman ay may higit 60 minuto na outdoor play.

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang playtime na ito ay hindi lang basta pampasigla sa mga bata o pampawala ng bagot sa klase. May mga dahilan na base sa mga pag-aaral kung bakit mahalaga sa bata ang paglalaro. Ito ay ang mga sumusunod:

5 na rason bakit mahalaga sa bata ang paglalaro

1. Social Development

Sa paglalaro nahahayaan ang mga bata na makipag-socialize. Lalo sa mga paaralan na kung saan marami silang mga naghahati sa playground.

Hindi nila maiiwasang makipag-usap sa mga kaklase. Sa ganitong paraan, nade-develop niya ang kanyang social skills nang hindi niya namamalayan.

Social skills ang ginagamit nang tao sa araw-araw na buhay. Malaki ang magiging benefit nito kay baby sa future kung made-develop ang pakikipagcommunicate sa murang edad pa lamang.

2. Emotional Development

Dahil nga sa nade-develop ang pakikipag-socialize sa paglalaro, kasabay nito ang kanyang emotional development. Dito nila simulang mauunawaan kung sino sila, ano ang kanilang mga nararamdaman, at kung ano ang mga expectations nila kung makikipag-interact sa ibang tao.

Sa kanilang paglalaro ay matututunan nilang bumuo at mag-sustain ng mga positive relationships. Maging ang maranasan, mag-manage at mag-express ng kanilang mga emosyon. Maaari rin nilang ma-explore at makapag-engage sa environment dahil sa paglalaro.

Kung mapauunlad ang kanilang emotional development, mapauunlad din nito ang iba pang areas na maaari pang ma-develop.

bakit mahalaga sa bata ang paglalaro

Larawan mula sa Pexels

BASAHIN:

10 na mga larong Pilipino na puwede mong ituro sa iyong chikiting

STUDY: Paglalaro ng bata, nakakatulong sa development ng kanilang emosyon

STUDY: May masamang epekto sa kalusugan ng iyong anak ang paglalaro ng mga manika o dolls

3. Attentional Development

Ang attention ay ang abilidad ng bata na mag-shift o magmaintain ng focus sa isang pangyayari, bagay, tasks, o problema. Isa sa mga benepisyo nang paglalaro ay ang attentional development ng bata.

Ang attentional development kasi ang may primary role sa pagkatuto at pag-a-acquire ng information ng bata. Dito kasi mahahasa ang attention niya na mag-focus sa iisang bagay upang matutunan at malaman niya nang buo ang nangyayari.

Sa ganitong paraan, naa-acquire niya ang mga information na dapat niyang alamin sa partikular na kaganapan.

bakit mahalaga sa bata ang paglalaro

Larawan mula sa Pexels

4. Working memory development

Ang working memory ay ang abilidad ng isang tao na gawing active sa kanyang isipan ang impormasyon sa maiksing oras (2-3 segundo) para magamit sa dagdag pang proseso sa isipan.

Mahalaga ito dahil ito ang proseso ng pagdagdag ng impormasyon sa mga kasalukuyang pang kaalaman. Naka-rely ang tao sa working memory para mapanatiling aktibo ang mga impormasyon upang maka-pokus, organize, magbigay solusyon sa mga problema.

Isa ang working memory sa nade-develop ng  paglalaro. Napa-practice kasi nito ang mga importanteng parte ng executice functioning tulad ng planning, initiating, organisation, at task monitoring.

5. Behavioral Development

Sa edad na dalawa hanggang tatllong buwan ay magsisimula nang magpakita ng mga behavioral traits ang bata. Kasama dito ang pagngiti, pagpapakalma sa sarili, pagkaway, at iba pang expression sa mga tao.

Partner Stories
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)

Kung mabibigyan ng oras sa paglalaro ay matutunan nilang idevelop ito. Dahil sa pakikipagsalamuha niya sa ibang bata, matututunan niya kung paanong makisama. Malalaman niya kung ano ang dapat ang tamang response sa ibang tao upang makipaglaro rin sila sa kanya.

Kaya nga tunay na mahalaga ang oras para sa paglalaro ng bata. Mayroon kasing iba’t ibang area ang dine-develop nito. Bukod sa maaaliw at matatanggal ang boredom nila, beneficial pa in the long run ang kanilang paglalaro.

Mga larong educational para sa mga bata

Kung naku-curious ka kung anong mga laro ang educational yet entertaining sa mga bata, inilista namin ang ilan sa mga ito:

  1. Pagdedress-up at role playing
  2. Pagsusulat, pagdodrawing at pagpepainting
  3. Pagbubuo ng blocks, puzzles, at shape sorters
  4. Pagsayaw at pagkanta
  5. Mga basic board games

 

PsychologyToday

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • 5 reasons kung bakit kailangan bigyan ang bata ng panahon para maglaro
Share:
  • Kailan magsisimulang makaintindi ng mga words si baby? Heto ang sagot ng expert

    Kailan magsisimulang makaintindi ng mga words si baby? Heto ang sagot ng expert

  • Joem Bascon sa pagpapakasal kay Meryll Soriano: "In time... kapag okay na ang lahat."

    Joem Bascon sa pagpapakasal kay Meryll Soriano: "In time... kapag okay na ang lahat."

  • Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

    Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

app info
get app banner
  • Kailan magsisimulang makaintindi ng mga words si baby? Heto ang sagot ng expert

    Kailan magsisimulang makaintindi ng mga words si baby? Heto ang sagot ng expert

  • Joem Bascon sa pagpapakasal kay Meryll Soriano: "In time... kapag okay na ang lahat."

    Joem Bascon sa pagpapakasal kay Meryll Soriano: "In time... kapag okay na ang lahat."

  • Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

    Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.