Kahalagahan ng paglalaro sa bata? Ito ay may malaking maitutulong sa development ng kanilang emosyon. Alamin dito kung paano at bakit.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Pag-aaral tungkol sa kahalagahan ng paglalaro sa bata
- Benepisyo ng paglalaro ng bata
- Kahalagahan ng empathy sa mga bata
Kahalagahan ng paglalaro sa bata
Hilig ba ng iyong anak na magpanggap na isang superhero mula sa paborito niyang movie? Pwede rin ang pagsasalita habang naglalaro ng manika. Alam niyo bang mahalaga ang ginagampanan nitong papel sa development ng iyong anak?
Ang paglalaro ng mga bata ng “imaginative play” ay isang paraan para mapalawak o mapatibay ang kanilang isip at pagkamalikhain. Sa pamamagitan nito ay napapraktis at nahahasa ang kanilang utak na mag-imagine. Sa tulong din nito ay natututo sila ng critical thinking skills at ma-manage ang kanilang emosyon. Pati na kung paano sumunod sa mga simpleng direksyon o instructions. Nakakaapekto rin ito sa kanilang expressive at receptive language at nakakatulong rin sa pag-improve ng kanilang social skills.
Kahalagahan ng paglalaro sa bata | Image from Unsplash
Ayon sa isang pag-aaral na nakalimbag sa British Journal of Psychology, ang paglalaro na ito o mas kilala bilang “pretend play” ay may positibong epekto sa emosyon ng iyong anak.
Pumapasok dito ang pagtuklas nila ng iba’t ibang emosyon na madaling ina-apply sa kanilang mga sarili. Napagalaman ng mga researcher ang magandang naituturo ng paglalaro sa pagpapabuti ng kanilang emotional skills. Bukod pa rito, nabubuo rin ang magandang relasyon ng iyong anak sa kaniyang guro at mga kaibigan sa loob ng paaralan.
Ayon pa kay Sylvie Richard, isang PhD student ng developmental psychology sa UNIGE,
“Research has shown that these skills also facilitate their ability to focus on learning, and their academic results are better a few years later.”
Kahalagahan ng paglalaro sa bata at magandang dulot nito sa kanila
Bilang parte ng pag-aaral, ang mga researcher ay nagsagawa ng isang kurikulum na mayroong pretend play. Mayroong 11 na session sa kabuuan. Kasama rito ang limang guro na kabilang sa isang session bawat linggo. Tumatagal rin ito ng halos isang oras. Bago ito, sumailalim sa pagsasanay ang mga guro tungkol sa socio-emotional competence at kung ano ang maibibigay nilang suporta sa mga bata habang naglalaro.
79 na bata ang kasama sa pag-aaral na ito. Sila’y susuriin base sa iba’t ibang senaryo pati na ang role, wika at mga paggamit ng props na mayroong symbolic meaning. Kasama ng mga batang naglalaro ang kanilang guro at dito pag-aaralan nila ang maaaring maging behavior ng bata.
Kahalagahan ng paglalaro sa bata | Image from Unsplash
Ayon naman kay Richard,
“It was important that the control group also did the pretend play, although not necessarily focused on scenarios related to socio-emotional competences.”
Benepisyo ng paglalaro ng bata
Nalaman sa resulta na ang mga batang kalahok ay may development sa kanilang emosyon, partikular na ang emosyon ng pagkagalit. Bukod pa rito, napapabuti ng pretend play ang emotional vocabulary nila.
Paliwanag ni Professor Édouard Gentaz, UNIGE’s Faculty of Psychology and Educational Sciences, “The results suggest, on the one hand, that it’s essential to design a teaching system that takes socio-emotional competencies and pretend play into account as areas of knowledge that should be taught. On the other hand, the study shows that using this kind of play as a teaching tool helps children experiment, re-apply themselves, and test and take ownership of these competencies.”
Kahalagahan ng empathy sa mga bata
1. Upang maintindihan nila ng mas maigi ang damdamin ng iba
Sa pamamagitan ng empathy, mas maiintindihan ng iyong anak ang behavior ng ibang tao. Tatanggapin na ang bawat isa ay may opinyon at pakiramdam. Idagdag pa rito ang pagkaintindi na ang kanilang action ay maaaring makaapekto sa iba.
Kahalagahan ng paglalaro sa bata | Image from Unsplash
2. Upang magkaroon ng magandang relasyon sa mga kaibigan
Kapag nakilala ng mabuti ng isang bata ang mga taong nakapaligid sa kaniya katulad ng pamilya o kaibigan, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung sino ang pagkakatiwalaan at lalapitan.
3. Upang ma-develop ang skill kung paano iresolba ang isang problema
Ang pagkakaroon ng malalim na pang-unawa sa pakiramdam ng iba ay nakakatulong sa mga bata upang ma-develop hindi lang ang kanilang social skill kundi kung paano magresolba ng isang problema. Ito’y maaaring magamit sa school activities kapag may team work.
4. Upang maging responsable at maalagang mamamayan paglaki
Ang pagkakaroon ng malalim na pang-unawa sa empathy sa murang edad ay isang susi para maging maalaga at responsableng tao habang lumalaki. Malaki ang tiyansa na maging successful sila kung bata pa lamang ay natututunan na nila kung paano basahin at makibagay sa ibang tao.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!