TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Parating galit ang bata? 4 na paraan para malaman kung anxiety ito

5 min read
Parating galit ang bata? 4 na paraan para malaman kung anxiety ito

Mas marami na bang panahon na naiinis kaysa sa nasisiyahan ang anak? Alamin ang ilang paraan para malaman kung anxiety na ba ito.

Nakadadagdag ba sa stress niyo ang anak na parating galit? Napapansin mo bang mas marami nang panahon na siya ay naiinis kaysa sa nasisiyahan? Alamin sa ilang paraan para malaman kung anxiety na ba ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang anxiety?
  • 4 na paraan para malaman kung anxiety sa bata ang nararanasan ng anak mo kapag galit siya
  • 5 mga tips kung paano iha-handle ang anxiety sa bata

Ano ang anxiety?

Ang anxiety ay ang normal na reaksyon ng ating katawan at utak kung makatatagpo ng problem o stress. Mayroong mahalagang papel ito sa buhay natin.

Kung nakaka-detect ang utak ng panganib, tinutulungan tayo nito maghanda at mag-focus sa panganib na iyon. Ibig sabihin isa parte ito ng three fundamental ways kung paano nagre-respond ang utak sa mga stress: fight, flight, and freeze.

Ano naman ang anxiety disorder? Ito naman ay kung hyper-attuned na ang threat-detection monitors. Kumbaga ay parati nang naka-alert ang isip at katawan para sa panganib na paparating.

Halimbawa ang mga bagay na hindi naman talaga dapat katakutan ay kinatatakutan na rin, kaya naman nauuwi ang isip at katawan sa fight, flight, at freeze mode. Dito hindi na nagiging normal ang anxiety response at parte na ng mental health problems.

4 na paraan para malaman kung anxiety sa bata ang nararanasan ng anak mo kapag galit siya

anxiety sa bata

Larawan mula sa Pexels

Posible nang makaranas kaagad ang bata ng anxiety disorder sa murang edad nila. Mas mahirap nga lang malaman dahil hirap sa pag-e-express o pagpapaliwanag ng kanilang nararamdaman ang mga bata.

Kung napapansin mong parati nang nagta-tantrums o kaya ay galit, maaaring i-consider ang pagkakaroon nila ng anxiety disorder. Ito ang ilang senyales:

1. Obserbahan ang level of anxiety ng anak

Pwedeng simulan sa pag-oobserba kung paano ba ang level ng anxiety ng iyong anak. Maaaring pakinggan kung paano siya nakikipag-usap.

Tignan din kung paano siya nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Pana-panahong obserbahan kung paano ba ang behavior ng bata. Ito ba ay naiiba sa iba’t ibang taong nakakasalmuha niya o kaya ay pareho lang sa lahat ng tao.

2. Tignan kung nakararanas ba siya ng extreme meltdowns

Nagmumula ang extreme meltdowns sa labis na anxiety dala ng life and death na pangyayari. Maaaring makita na ang anak ay parang ibang tao na. Kung minsan sila ay magmumura, manununtok, mananadyak at iba pang bayolenteng pagtugon sa mga nangyayari

3. Pansinin kung paano sila magsabi ng kanilang mga kinatatakutan

Ang unang lalapitan ng bata ay kung saan sila nakararamdam na sila ay ligtas, madalas sa mga magulang. Pansinin kung paano nila sinasabi ang mga kinatatakutan nila. Alamin kung saan ito nanggagaling at kung labis-labis na ba ang anxiety na kanilang nararamdaman.

4. Kumonsulta sa mga eksperto

Ang mga naunang paraan ay maaaring subukan sa inisyal na obserbasyon. Kung napapansin nang dumadalas ang sobra-sobrang galit at tantrums ng anak, mabuting kumonsulta na sa eksperto.

Simulan sa kanilang pediatrician para malaman kaagad kung bakit ganito ang kinikilos ng iyong anak. Siya na rin ang magsasabi kung kinakailangan na ba ni baby ng psychiatric evaluation.

BASAHIN:

Pagyakap sa unan nakatutulong sa anxiety ayon sa mga experts

Mga hakbang upang mabawasan ang stress at anxiety ng iyong anak

15 silent signs of anxiety in children

5 mga tips kung paano iha-handle ang anxiety sa bata

Ang mga magulang ang unang makatutulong sa mga bata to overcome their fears. Para malaman ang ilang tips kung paano iha-handle ang anxiety ng iyong anak, inilista namin ang ilan dito:

1. Alamin kaagad ang nakapagpapatrigger ng kanilang stress

Mas mainam kung nalalaman kaagad ang stress ng bata sa lalong madaling panahon. Dapat ay mapagmatyag sa kanilang kinikilos. Sa ganitong paraan, nakikita kaagad kung alin sa mga bagay sa paligid ang nakakapagtrigger sa kanilang anxiety disorder.

2. Iwasang mag-utos

Bagaman gusto ng mga magulang na kumalma kaagad ang mga anak, ang pag-uutos sa kanila ay maling paraan. Hindi nakatutulong ang pagsasabi ng, “Tumahimik ka na at kumalma.”

Mas nakakadagdag lamang ito ng takot sa kanila. Dapat ay tanungin sila kung ano ang pwedeng gawin upang kumalma ang kanilang pakiramdam.

3. Bigyan sila ng oras at panahon para mag-recover

Hindi instant ang pagbabalik ng kanilang sigla. Gaya ng tip no. 2, hindi dapat minamadali ang mga bagay dahil lalo lang nila itong ikatatakot. Bigyan ang mga anak ng oras at panahon para manumbalik sa normal nilang kundisyon.

4. Patibayin ang koneksyon sa anak

Mas magiging komportable ang iyong anak kung may matibay na bonding sa isa’t isa. Dito siya kasi mararamdaman na ligtas siyang magsabi ng kanyang mga nararamdaman.

5. Ituro ang ilang mga calming skills

Maaaring mag-research o magtanong sa eksperto kung ano-ano ang pwedeng iturong calming skills sa anak. Isa na diyan ang counting breaths.

Ilan lamang ito sa mga dapat nating malaman, tandaan na mahalagang i-acknowledge ang nararamdaman ng ating anak at intindihin sila. Sapagkat kahit bata pa sila ay maaari na silang makaranas ng anxiety. 

 

Partner Stories
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Nurture Your Child’s Potential: Unlocking Optimal Growth and Development with Nutrilin
Nurture Your Child’s Potential: Unlocking Optimal Growth and Development with Nutrilin
PsychologyToday

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Parating galit ang bata? 4 na paraan para malaman kung anxiety ito
Share:
  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko