Isa sa pinakamasayang araw ng inyong anak ay ang kanyang birthday. Sa araw na ito, naghahanda tayo ng party lalo na at nasa edad siya ng 5-10 years old, kung kailan nagkakaroon na siya ng mga kaibigan.
Siyempre, sa isang birthday party, ang mga mommies ay todo paghahanda kung ilan ang magiging guests ng anak niya, ano ang magiging menu, saan gaganapin ang party, at ano ang party theme.
Para hindi maging ‘boring’ ang birthday party, nag-iimbento ng party games na puwedeng indoor o outdoor.
Kadalasan, ang mga birthday parties, lalo na ngayong sitwasyon ng pandemic, ay laging ginagawa indoor o sa loob ng bahay. Kaya kung magpapalaro kayo mommies, umisip ng mga larong pambata na pwede sa loob ng bahay.
Sa pag-uusapan nating ito parents, ang mga larong mababanggit ay hindi lamang pambata, maaari ring sumali sa mga larong ito ang mga ‘child at heart’.
Larong pambata sa birthday party ng anak
Sa Pilipinas, kapag dumadalo tayo ng mga birthday party ng mga bata, hindi nawawala ang indoor games. Pwedeng ang mga larong pambata na ito ay kilala in general, o maaari ring Pinoy ang context ng mga laro.
Kung iisipin natin, ang paglalaro ay simpleng gawain o libangan na puwedeng pambasag-antok sa mga parties. Lalo na kung para sa mga bata na nasa children’s party.
Ang paglalaro ay hindi lamang panlibang. Ayon sa artikulo ng Faith, Health, and Home, may mga surprising na benepisyo ang konsepto ng paglalaro na maaaring makaapekto sa mga tao, in all ages.
Ito ang kanilang mga naitalang benepisyo o tulong ng paglalaro, kahit na party games ito, indoor games, larong kalye, at iba pa:
Larawan mula sa Freepik
1. Interpersonal na komunikasyon sa bawat tao
Kapag nagsasama-sama ang mga tao sa isang malaking kumpol o grupo para mag-celebrate o ‘di kaya ay magsaya. Halimbawa ay parties, hindi masisigurong may 100% na atmosphere kayo ng party. Sa dami ng mga umattend, maaaring ma-bored sila kung walang tamang set up ng entertainment sa party.
Pero mga mommies na heroic ang responsibility sa pagtataguyod ng isang enjoyable party ng kiddo niyo, buti na lang maaaring mag-set ng board games kung saan magiging familiar ang mga bata.
Tulad ng Cards Against Humanity (na may Pinoy version), snakes and ladders, exploding kittens, at Uno, ay puwedeng-puwede at swak na swak hindi lamang sa mga batang guests, maging sa mga adults na nakikibirthday rin.
Maliban sa hatid na entertainment nito, mas nagpoproseso ito ngayon ng koneksyon sa mga nag join sa paglalaro ng indoor game na board games.
Sa ibang pagkakataon, hindi na mahirap lalo na sa mga bata, na makipag-communicate sa ibang environment na may iba’t ibang klase ng tao.
2. Pagbawas ng risks ng degenerative brain diseases
Sa ganitong mga simpleng party games at larong pambata, maaari rin palang maiwasan ang mga brain disease tulad ng Parkinson’s at Alzheimer’s.
Kahit hindi na hindi muscle ang utak ng tao, nagbe-benefit naman ito sa mga ginagawa nating iba’t ibang activity, lalo na sa parties.
Mapa-outdoor o indoor games man ito, o kaya ay board games, napapraktis natin ang ating utak habang gumagalaw o kumikilos tayo.
Ang mga ganitong gawain na nagpapa-enhance ng kapasidad ng mga bata sa pag-iisip ay maaaring makatulong upang maiwasan ang anumang pagkalimot ng mga bagay sa kanilang pagtanda at nakakatulong sa pagmememorya.
Tulad ng larong Pinoy Henyo na puwede at kadalasan na nilalaro sa mga birthday party, nahahasa ng mga bata ang kanilang common sense.
3. Pantanggal ng stress
Hindi natin maikakailang pantanggal ang stress ang anumang uri ng laro, mapalarong pambata, pangmatanda, indoor games, outdoor, sports, board games, at iba pa.
Katulad sa borad games, maliban sa pagbubuo ng koneksyon sa mga tao, natutulungan din nito ang isang tao na isantabi panandalian ang kanyang problema. Maaari ring habang naglalaro siya ng board game, naiisip din niya kung paano haharapin ang problema.
Kaya ang mga bata, mga mommies, huwag ipagkait sa kanila ang paglalaro at pakikipaglaro. Maliban sa pag-resolve ng mental stress, maski sa pisikal ay may benepisyo ang paglalaro ng games.
Ang mga gawaing routine (puwedeng exercise, sports, o outdoor games) na kinakailangan ng pisikal na pangangatawan ay hindi nakakadagdag sa stress, kundi binabawasan ito.
Samantala, ang pagbawas sa stress ay nakakatulong naman sa pagpapababa ng blood pressure, nakakatulong sa pag-iwas sa palagiang hypertension, natutulugan ang tao sa pain relief, at mas nakakapagpatibay ng immune system.
Ang nakakatuwa at nakakatawang laro rin, halimbawa, ang Cards Against Humanity PH version, ay maaaring makatulong sa mga diagnosed o undiagnosed na depressed na mga bata.
Ang card game na ito ay nakatutulong sa paghahatid ng mga paraan para tumawa ang isang tao.
Kaya sa birthday parties, malay natin mga mommies, ‘di lang anak natin ang nag-e-enjoy, pati ibang tao na dumalo sa birthday party ay natulungan at napasaya mo rin. Subukin na maglagay ng 1-3 games mapa outdoor man o indoor games kapag nagpatawag kayo ng party.
BASAHIN:
10 birthday party theme ideas for daughter
How to plan your kid’s 7th birthday party
How to celebrate your baby’s first birthday without a big party? One mom shares how they did it
Larawan mula sa Pexels
Mga larong pambata na puwedeng gawin sa isang party: Paano laruin?
Actually, ang pag-iisip ng indoor games o outdoor games sa isang party, ang isa sa mga highlights ng party. Ang dami-daming puwedeng i-consider na palaro sa isang birthday.
Hindi mawawala, lalo na sa mga Pinoy birthday party, ang pampapawis, at todo-pampatawang mga palaro.
Kaya, maglilista tayo ng mga doable at madaling i-execute na party games para sa birthday event ng anak mo. Isipin din ang oras at event place kung saan gagawain ang party.
1. Agaw-bitin/Pabitin (puwedeng indoor o outdoor game)
Mapabata o mapamatanda, nakikiagawa sa agaw-bitin o pabitin. Magde-decorate ka ng mga pinag-cross na mga patpat, itatali na parang pulley, at maglalagay ng mga ‘prizes’ na ipapabitin sa ginawang sabitan.
Ang mga nakasabit ay maaaaring naka-plastic na pera, hotdog, chichirya, balot ng kendi, malilit na laruan, at iba pa na pwedeng ipabitin.
Kapag sisimulan na ang pabitin, lahat ng mga kasali ay tatayo sa ibaba ng sabitan.
Puwedeng magkaroon din ng background music habang itinataas ibinababa ang pabitin habang tumatalon talon ang mga joiners sa paghila ng mga nakasabit na prizes!
2. Pukpok-palayok (outdoor game)
Katulad ng piñata, ito ang pinoy version ng pagpukpok ng isang vessel para makuha ang prize. Pero, hindi papier-mache ang hahampasin o pupukpukin, kundi palayok.
Ang palayok sa Pilipinas ay maituturing na isa sa mga anthropological at cultural na gamit sa pagluluto ng mga Pilipino.
Lahat ay maaaring sumali, puwedeng bata o matanda. Ang mga sasali ay nakapiring o blindfold, at bawat joiners ay may turn para humampas sa palayok. Siyempre habang naka blindfold, kailangan nilang maitama ang ihahampas nilang baton sa nakasabit na palayok.
Hindi siya suwerte para sa iisang manlalaro na makakabasag ng palayok. Lahat ng nasa party na sumali o hindi man sa paghampas ng palayok, ay nakaabang sa lilitaw na prize once na mabasag ang palayok.
3. Pinoy Henyo (indoor game)
Ang popular na larong ito ay inadapt sa TV show na Eat Bulaga, ang Pinoy Henyo ay nilalaro ng bawat pares. Sa larong ito ang goal ay ‘mahulaan’ ang salitang pinapahulaan ng host o game master under time pressure.
Isa sa pares ng manlalaro ay magtatanong, ang isa naman ay taga-sagot lamang ng Oo, Hindi, at Pwede. Ang pares na pinakamabilis na nahulaan ang kanilang ‘salita’ ang mananalo.
4. Bring Me (larong pambata na puwedeng indoor o outdoor game)
Kung ano ang pangalan ng laro, ay yun din mismo ang mechanics ng laro. Magbabanggit ang game master ng mga bagay na kailangang maunang dalhin sa kanya.
Ang unang makapagdala ng bagay na pinapadala niya ay makakakuha ng prize. Maaaring medyas, puting buhok, benteng papel, at iba pa ang mga ipinapa- bring me.
5. Trip to Jerusalem (pwedeng indoor o outdoor game)
Ang larong ito ay kailangan ng 10 o higit pang joiners. Patok rin sa mga bata ang larong ito lalo na sa parties.
Kung sampu ang maglalaro, may nakahandang upuan na mga 5 o 6, basta mas kaunti kaysa sa bilang ng iikot sa mga upuan.
Magkakaroon ng background music at sasayaw habang umiikot sa mga upuan ang joiners. Kapag tumigil ang tugtog, mag-uunahan silang magkaroon ng mauupuan sa mga inikutan nilang upuan.
Kapag hindi nakaupo ang isang player, out na siya sa laro. Habang may na-a-out sa laro, nababawasan rin ang upuan hanggang sa dalawa na lang ang mag-aagawan sa iisang upuan.
Ang huling makaupo sa nag-iisang upuan ang panalo.
Larawan mula sa Pexels
6. Stop Dance (pwedeng indoor o outdoor game)
Hinding hindi mawawala ang stop dance, lalo na sa mga batang guests at mga guests na ‘young at heart’. Tulad sa Tirp to Jerusalem, kailangang sabayan ang background music.
Kapag nag-play ang music, kailangang sumayaw lahat ng joiners. Kapag naman pinatay o tinigil ang music, kailangang walang gagalaw.
Ang mahuhuling gumagalaw kapag naka-stop ang music ay ma-a-out. Ang kakaunting matitirang players ang makakakuha ng prizes.
7. Paper Dance (larong pambata pwedeng indoor o outdoor game)
Katulad rin ng Trip to Jerusalem at Stop Dance ang Paper Dance. Pero sa pagkakataong ito, pares pares ang maglalaro dito.
Puwedeng magka-pair ang kahit na sino. Sa bawat pairs ng joiners, bibigyan sila ng tig-iisang diyaryo na magsisimula sa hindi nakatupi.
Kapag nag-start ang music, sasayaw ang pair sa labas ng kanilang dyaryo. Kapag nag-stop ang music, kailangan nilang magkasya sa nakalatag na dyaryo nila.
Ang hindi makakatapak sa diyaryo ay aalisin sa game. Habang tumatagal ang game, paliit nang paliit ang tupi ng dyaryo. Hanggang sa literal na iisang paa na lang ang kasya sa diyaryo.
Siyempre, ang pair na makakatagal sa game ang mananalo.
8. Kalamansi Relay (pwedeng indoor o outdoor game)
Dahil relay, bubuo muna ng 2-4 teams na may pantay na bilang bawat team ng joiners.
Pipila ang bawat team na nakatapat sa upuan na kanilang iikutan para makapag-relay. Bawat team ay kailangang may isang kutsara bawat player at may iisang kalamansi lamang sa isang team.
Ang nasa unahan ng pila ang unang iikot sa upuan na nakadistansya sa kanila pero katapat ng kanilang pila. Pagkatapos umikot ng nasa unahan, na dala-dala siyempre ang kamalansi sa nakasukbit na kutsara sa bibig, ipapasa niya ito sa susunod na nasa pila, na hindi ginagamitan ng kamay.
Ang unang team na makatapos makaikot ang lahat ng kanilang players ang mananalo.
Iba pang indoor games at outdoor games idea:
- Pass the message
- Sack race
- Batuhan-itlog
- Relay na putukan-lobo
Ito ang mga larong pambata na puwedeng gawin mga mommies sa birthday party ng inyong anak. Be ready na lang sa laki ng event place para makapili ng appropriate na laro. Tandaan, walang party kung walang palaro.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!