Pinaalalahanan ng mga eksperto at social media expert ang mga magulang tungkol sa suicide videos kumakalat ngayon sa iba’t ibang social media platform katulad na lamang ng Tiktok.
Ayon sa mga ulat isang suicide video ng isang amerikano, na unang ini-live stream sa Facebook ang kumakalat ngayon sa iba’t ibang social media platform katulad ng Twitter, Instagram, at pati na rin sa Tiktok na patok na patok ngayon.
Mga kumakalat suicide video sa Tiktok
Ayon sa paghayag ng Tiktok, automatic umano na dinetect ng kanilang system ang suicide videos na kumakalat at nagba-violate sa kanilang community guidelines.
“Our systems have been automatically detecting and flagging these clips for violating our Community Guidelines,” said TikTok in a statement.
Habang tinatanggal ng Tiktok ang mga footage na nakakaalarma sa kanilang network, sinabi nilang iba-ban nila ang mga account na nagsi-share o magtatangkang mag-share ng mga ganitong klaseng video clip.
“We’re removing content & banning accounts that repeatedly try to upload clips, and we appreciate our community members who’ve reported content & warned others against watching, engaging, or sharing such videos on any platform out of respect for the individual & their loved ones,” Pahayag nila sa kanilang Twitter account.
Payo ng Eksperto
Ayon naman sa pahayag ng CEO ng Australian cyber safety provide na Safe on Social na si Kirra Pendergast. Habang ang mga video na tinanggal na sa original platform. Kung saan ito na-post matapos itong i-report ay patuloy pa rin itong nakikita o pwedeng ma-view sa Tiktok.
Dahil umano ito sa Tiktok’s For You algorithm na nagre-recommend ng mga video clip sa mga user. Ibig sabihin lamang nito na mas maraming mga tao ang nakakita ng mga ganitong video sa Tiktok.
Sinabi rin ni Pendergast na may mga video din na shinare na nagdi-disguise bilang video tungkol sa mga pusa pero hindi naman pala.
“It’s a kind of trolling. They’re luring kids in with videos of kittens and puppies, then it goes to this very, very graphic video”.
Sa mga mas may edad na mga bata naman, pinapayuhan din niya ang mga magulang na kausapin ang mga anak patungkol sa kung paano i-report ang mga ganitong klaseng video clip.
Dagdag pa ng social media expert mahalaga ang gampanin ng mga matatanda, lalo na sa mga batang na-expose sa mga ganitong content. Kailangan talaga ng gabay ng mga magulang.
Paano magiging ligtas ang iyong anak sa social media?
-
Kailangan may age requirement
Kailangang sumunod ng mga magulang sa age requirement na ipinatutupad ng mga social media platform. Kadalasan ang age requirement sa mga social site na ito ay 13-anyos pataas.
Kailangan magkaroon ng inisyatiba ang mga magulang patungkol sa usapin na ito. Hindi pwedeng mag-rely ang mga magulang sa mga social media sites na pwede nilang tanggalin ang mga underaged users nila.
-
Maging bahagi ka mula sa simula
Sa umpisa pa lamang dapat ay gabayan niyo na ang inyong mga anak sa paggawa nila ng kanilang mga social media account. Para malaman mo rin kung tungkol saan ang site at ang privacy settings nito.
Para masigurado mong hindi maibibigay ng inyong mga anak ang kanilang full name, address, o contact number. Kapag ang site ay may function na maaaring ma-“block” ang ibang user ang information at pictures, i-on ang feature na iyon.
-
Turuan ang anak tungkol sa cyberbullying
Ipaliwanag sa inyong mga anak kung ano ba ang ibig ng cyberbullying. Sabihin sa kanya na kailangan niya i-approach ikaw bilang kanyang magulang kapag pakiramdam niyang nakakaranas siya nito.
Sabihan din siyang huwag mag-engage sa ganoong behavior, kahit na ang kanyang mga kaibigan ay ginagawa iyon. Ipaliwanag na hindi ito tama. Paalalahanan siyang kailangan tratuhin niya ang kanyang kapwa ng Mabuti.
-
Pakinggan ang iyong anak
Ipaalala sa inyong mga anak na nariyan kayo palagi kung nais niya ng kausap o may mga bagay na bumabagabag sa kanya. Sabihan din siya na maaari niyang sabihin sa inyo kahit siya’y nagkamali. Katulad ng pag-add ng stranger online. Kausapin siya ng maayos at hindi pagalit. Para mas maging bukas ang inyong anak at hindi magtago sa inyo.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
6 na litrato ng bata na hindi dapat pinopost sa social media
Negatibong epekto ng social media: Sanhi nga ba ng kalungkutan?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!