Nalaman ngayon ng mga eksperto na maaaring isa raw sa sanhi ng anxiety ng bata ay pagkakaroon din ng anxiety ng kanilang nanay.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Sanhi ng anxiety maaaring namana raw sa nanay ayon sa experts
- How to deal with your child’s mental health
Sanhi ng anxiety maaaring maipasa ng nanay, ayon sa experts
Larawan mula sa Pexels
Hindi birong usapin ang pagkakaroon ng mental health problems. Isang seryosong paksa ito na dapat pinag-uusapan nang masinsinan. Maaari kasing magdulot ito ng iba’t ibang negative effects sa emotional at physical health ng isang tao.
Ano nga ba ang anxiety?
Isa sa mga pinaka-common na mental health problems ay ang pagkakaroon ng anxiety. Binigyang depinisyon ng American Psychiatric Association ang anxiety bilang isang kondisyon na nakadikit sa behavior ng isang tao.
“Anxiety refers to anticipation of a future concern and is more associated with muscle tension and avoidance behavior.”
Normal naman daw na reaction ng katawan ito lalo kung stresssed at nakararamdam ng panganib. Kumbaga ito ang ‘fight or flight’ reaction ng brain.
Kung labis-labis na raw ang nararamdaman na takot, ito na ang tinawatag na anxiety disorder.
“Anxiety disorders differ from normal feelings of nervousness or anxiousness and involve excessive fear or anxiety. Anxiety disorders are the most common of mental disorders and affect nearly 30% of adults at some point in their lives.”
“But anxiety disorders are treatable and a number of effective treatments are available. Treatment helps most people lead normal productive lives.”
Ilan naman sa mga sintomas ng anxiety disorder ay ang mga sumusunod:
Larawan mula sa Pexels
- Chills
- Labis na pagpapawis
- Pananakit ng dibdib
- Pagkahilo
- Palpitation
- Pamamanhid
- Paghirap sa paghinga
- Panginginig ng katawan
- Kawalan ng control
- Pagkatakot sa mga bagay na hindi dapat katakutan
Malaki ang maaaring maging epekto ng anxiety lalo sa araw-araw na gawain. Ilan pa sa performances sa school, work, o kaibigan at pamilya ay maaaring maapektuhan.
Ang ang sanhi ng anxiety
Maraming pag-aaral na nagpapatunay na ang anxiety raw ay maaaring nakukuha dahil sa pamilyang mayroon nito. Sa pinakabagong pag-aaral, nakita nila na mataas ang chance na nakukuha ito sa mga ina.
Tiningnan nila sa humigit kumulang 400 na bata mula sa Canada na may edad na sampung taong gulang ang at risk para sa mood disorders. Nalaman nila ditong mataas ang risk nga mga batang babae na makuha ang anxiety disorder na nagmula sa kanilang nanay.
Samantalang ang mga batang lalaki naman ay hindi nagkakaroon ng anxiety disorder kahit pa mayroong history ang kanilang tatay. Kung wala naman, mas mababa pa ang chance na mag-develop sila later on.
Hindi naman matukoy pa ng mga researcher kung ano ang cause and effect nito dahil daw ito ay ‘observational at ‘retrospective’ pa lamang.
Isa pa sa nakita nila ay nakukuha raw ng mga bata ang actions ng mga magulang nilang nakararanas ng anxiety. Halimbawa na lang ay kinakabahan ang magulang na pumunta sa fieldtrip ang anak kaya napapansin ito ng bata at naa-adopt niya.
Suggestion naman ng mga mananaliksik, maaari raw maiwasan ng bata ang kanilang anxiety na makuha sa parents kung pipiliing gamutin ng kanilang mga magulang ang disorder na ito.
How to deal with your child’s mental health
Larawan mula sa Pexels
Mahalagang pinagtutuunan din ng pansin ang mental health ng mga anak bukod sa physical health nila. Maaari kasing madamay nito ang iba pang aspeto kung hindi nasa normal na kalagayan.
Importanteng hindi ito pinapabayaan ng parents upang malaman kaagad kung sakaling nagsa-suffer nga ang bata sa mental health problem.
Narito ang ilang paraan upang matulungan ang anak na nakararanas ng mental disorder:
Be the role model.
Dahil nga parents ang kanilang pangunahing ginagaya sa mga actions nila, mainam na maging role model para sa anak. Ipakita kung paano hina-handle ang emotions sa isang healthy way na maaaring nilang gawin kung sila naman ang nakararanas nito.
Ilan sa maaaring gawin ay pagpa-practice ng deep breathing, pagkakaroon ng stress ball, o kaya naman pagme-meditate.
Have a healthy communication.
Communication is the key. Maging bukas parati sa mga usapin sa anak nang walang halong judgement. Sa ganitong paraan makapagsasabi siya nang bukal sa kalooban sa lahat ng nararamdaman niya.
Comfort ang number one na dapat pinararamdam sa kanila upang ikaw ang unang makakaalam kung sakaling nagsasuffer nga siya sa mental disorder.
Observe your child.
Dapat parati mong inoobserbahan ang behavior ng iyong anak. Pansinin mo ang response niya sa maraming bagay maging relasyon niya sa ibang kapamilya at kaibigan. Alaming mabuti ang activities niya daily at kung paano ito nababago o naapektuhan siya.
Show them your love and support.
Una sa lahat, kailangan maramdaman ng iyong anak na sila ay mahal at suportado ng kanilang mga magulang. Mas nakakabawas ito ng takot sa kanila na ipaalam kung ano nga ba ang kanilang nararamdaman.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!