“Paano maging matatag sa pagsubok?”
Isa sa factor na kailangang tandaan ng isang magulang sa pagpapalaki ng kaniyang anak ay ang tamang pag-handle nila ng sitwasyon kung saan masusubukan ang kanilang tiyaga. Hindi biro ang magpalaki ng anak, ‘yan ang laging pumapasok sa isip ng mga magulang lalo na kapag nasa ‘sitwasyon’ na sila.
Sa moment pa lang na hawakan mo sa unang pagkakataon ang iyong anak, nasa isip mo na agad kung tama ba ang iyong paghawak sa kanya. Dito na agad nagsisimula ang pagiging ‘magulang’ mo.
Paano maging matatag sa pagsubok? Tandaan lamang ang mga ito. | Image from Shutterstock
Kung ayaw mong maging mahina ang loob ng anak mo, iwasan ang mga ito
Ngunit paano nga ba maging matatag sa pagsubok? Bilang magulang, we just want the best for our kids pero paano nga ba? Paano hindi lalaking mahina ang loob ng anak ko?
‘Wag gawing dahilan ang ‘pagmamahal’ bilang excuse
Love is powerful for everyone. Lahat ay napapatigil kapag ito na ang usapan. Maiiwasan mong lumaking mahina ang loob ng anak mo kung hindi ito sasanayin na kapag ‘love’ na ang usapan, kailangan mong sumuko na. Halimbawa, ayaw pumayag ng iyong anak na sumali sa isang contest sa kanilang school. Ngunit dahil nakikita mong malaki ang opportunity niya rito, pipilitin mo siya at sasabihing “Kung mahal mo ako, susundin mo ako.”
Mommy, that’s very wrong. Iniipit mo lang ang iyong anak sa isang sitwasyon na alam mong mahina siya.
Kung masasanay ang anak mo sa konseptong ito, paano na lang kung lumaki siya? Magiging mahina siya lalo na kapag target ang kaniyang emosyon.
Paano maging matatag sa pagsubok? Tandaan lamang ang mga ito. | Image from Shutterstock
Hindi sagot ang pagpalo o pagsigaw sa pagdidisiplina
Sa konseptong pamamalo, halos hati ang paniniwala ng mga moms natin dito. Nakasanayan na kasi ng ating mga mom na lumaki sila na nakaranas ng pagpalo. Ngunit habang tumatagal ang panahon, nababago ang nakasanayan na ito. Ilang pag-aaral na ang nagpatunay na hindi sagot sa pagdidisiplina ang pamamalo ng bata. Once na dumapo sa kanilang balat ang isang bagay at nasaktan sila, una nilang mararamdaman ang sakit. Ang mga batang nakakaranas ng pamamalo o pagsigaw ay hindi agad nadidisiplina agad kung hindi natatakot sila.
Mga salik na kailangan kung nais maging malakas ang loob ng bata
1. Relasyon
Ayon kay Dr. Luthar, “Resilience rests, fundamentally, on relationships” Importante ang pagkakaroon ng matibay na relasyon ng isang bata para magkaroon ng malakas na loob. Ito ay maaaring pamilya o kaibigan na pinagkakatiwalaan nila. Hindi mahalaga kung gaano kadami ang tao na nasa paligid sa kaniya. Sapat na sa isang bata ang pagkakaroon ng taong naniniwala at magiging takbuhan niya kung sakaling kailangan niya ng kausap.
Paano maging matatag sa pagsubok? Tandaan lamang ang mga ito. | Image from Shutterstock
2. Pakikipaglaro
Ang ‘paglalaro’ ng isang bata ay hindi basta-basta. Ito ay nakakatulong at mahalagang component para ma-build ang kanilang communication at creativity. Sa paglalaro ng mga bata, dito unang nasasanay ang kanilang social at emotion skills na lumalabas kapag nagkakaroon sila ng challenge.
3. Pagsuporta
Isa pang mahalagang factor para mabuo ang matibay na loob ng bata ay paniniwala sa kanila. Hindi lang sa kakayahan kung hindi sa kanila mismo. Ang pagpapakita ng suporta sa kanila ay nakakatulong para maniwala sila sa kanilang sarili at gawin ng walang alinlangan ang isang bagay na mahirap.
4. Huwag gawing negatibo ang kanilang pagkakamali
Normal sa isang bata ang magkamali sa kanilang pang araw-araw na gawa. Kailangan nating maintindihan ang konsepto na nagsisimula pa lang sila at bilang mga magulang, nariyan tayo para bigyan sila ng proper guidance at suporta. Embrace their mistakes!
Source:
Psychology Today, Life Hack
BASAHIN:
5 rason kung bakit hindi ka dapat nakukuha sa lambing ng anak mo
Totoo bang mahihirapan matulog mag-isa ang anak ko kapag nasanay siya sa bed sharing?
Working Mom: “Sorry anak, pangako babawi ako sa mga oras na nasayang ko.”