Tips sa pagpapalaki ng anak
Habang lumalaki ang anak mo, marami na ang kanyang natututunang mga bagay. Nandyan ang paglalakad, pagkakaroon ng paboritong pagkain o kaya naman pagkakaroon ng simpleng desisyon para sa kanila. Nakakatuwang makita sila habang lumalaki, ano?
Sasabihin ko sa’yo mommy, hindi lagi ganito ang sitwasyon. May pagkakataon na masyado na silang nagiging confident sa mga desisyon nila at nakakalimutang sumunod sa’yo. Bilang taga-gabay ng ating mga anak, alam natin ang tama o makabubuti sa kanila. Kaya naman may pagkakataon talaga sa buhay natin na kailangan nating hindi pagbigyan o tanggihan ang request ni baby.
Ngunit, paano ko siya tatanggihan? Naglalambing siya!
Tips sa pagpapalaki ng anak | Image from Unsplash
5 rason kung bakit hindi ka dapat nakukuha sa lambing ng anak mo
Mga bilugang mata, nagbabadyang pagtulo ng luha at mga labi na nakaarko pababa. Ganito kung ilalarawan ang iyong mga anak kapag hindi natin sila pinayagan sa knailang request. Syempre, bilang mommy mahirap na makitang nalulungkot ang ating mga anak dahil hindi napagbigyan ang gusto nila.
Narito ang limang rason kung bakit hindi ka dapat nakukuha sa lambing ng anak mo.
1. Isipin na para sa kanila ang iyong desisyon
‘Wag mging malambot ang puso mommy! Alam nating mahirap labanan ang konsensya kapag umiyak si baby dahil hindi mo ito pinayagan maglaro sa labas. Try to think the other side.
Bakit ko kailangang pagbawalan siya? Diba dahil maaaring magkasakit siya dahil umuulan?
Bakit kailangan kong bawasan ang screentime nila sa gadgets? Diba dahil maaaring lumabo ang kanilan mga mata?
Bakit kailangan kong pilitin silang kumain ng gulay? Diba dahil masustansya ito at makakatulong ng malaki sa kanilang paglaki?
Lahat ng actions nating mga magulang ay may kinalaman sa kapakanan ng ating mga anak. Bago tayo magdesisyon, sila ang iniisip natin. Kaya naman ‘wag makonsensya kung sakaling hindi mapagbigyan ang gusto ni baby.
Tips sa pagpapalaki ng anak | Image from Freepik
2. Ipaintindi na hindi lahat ng bagay ay makukuha nila
Habang lumalaki ang bata, dumadami ang kanilang demand. Maaaring lahat ng laruan ay ipapabili nila o kaya naman kakainin ang lahat chocolates na nakalagay sa ref. Mommy, ‘wag matakot silang pigilan. Hindi lahat ng kanilang gusto ay maaari nilang makuha. Kung sakaling hahayaan lang ito, pwedeng lumaki silang spoiled at maniwalang lahat ng nanaiisin nila ay makukuha agad ng mga ito.
3. My mga bagay na hindi pwede sa’yo
Magandang halimbawa rito ay ang paglalaro o panonood ng mga hindi angkop sa kanyang edad. Marami ang nagkalagt na palabas sa TV na hindi maaaring panoorin ng iyong anak dahil sa tema nito. Makatutulong kung i-monitor ang kanilang screentime at alamin ang lahat ng kanilang pinapanood.
4. Parte ng parenting ang pagiging consistent
Bilang isang magulang, tayo ang tinitignan na role model ng ating mga anak. Kaya naman kailangan nating maging magandang ehemplo sa kanila. Nakasalalay sa ating pagpapalaki ang kung paano sila magiging isang mabuting bata. Isang sikreto para maging maayos ay ang pagiging consistent sa desisyon. Maaari kasing isipin ng anak mo na isang iyak lang iya ay maaari kang bumigay at masunod ang kanilang gusto. Kung alam mong hindi ito makabubuti sa kaniya, panghawakan ang iyong desisyon.
Tips sa pagpapalaki ng anak | Image from Freepik
5. ‘Wag gawing negatibo ang salitang ‘Hindi’
Hindi lahat ng dahilan ng ‘Hindi’ o ‘Bawal’ ay negatibo. Pinagbabawalan natin ang ating mga anak dahil alam nating hindi ito makabubuti sa kanila.
Source:
Independent
BASAHIN:
Madalas mo bang bigyan ng reward ang anak mo? Baka maging spoiled siya!
4 na paraan para malaman kung spoiled ba ang iyong anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!