Madalas na inaaalala ng karamihan ng mga magulang kung ang kanilang mga anak ay nagiging spoiled na bata. Natural lamang na nais ibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak ang gusto nito, lalo na ang mga bagay na hindi nila nakuha nung kabataan nila. Alamin gamit ang mga pagsusuri na ito kung nagiging spoiled na bata na ang anak.
The Test of Four
Ang mga sumusunod na pagsusuri ay kinikilala sa tawag na Test of Four. Bawat tanong ay naka-base sa mga pag-aaral sa pagbibigay nang sobra sa mga bata. Ang pagsagot ng “Oo” sa isa sa mga pagsusuri ay nagpapahiwatig ng sobrang pagbibigay na nagiging sanhi ng spoiled na bata.
Developmental Task
Ang paggawa o pagbigay ba nito sa aking anak maaaring makapigil sa dapat na matutunan niya sa kanyang edad? Mapipigilan ba nito ang aking anak na maabot ang isang developmental goal o task?
Family Resources
Kinakailangan ba nito ng hindi makatarungang pera/oras/atensyon/lakas upang maibigay ang gusto at hindi ang kailangan ng isa o maraming bata?
Whose Needs
Kaninong pangangailangan ang naibibigay? Mas natutulungan ba nito ang magulang kaysa ang bata?
Possible Harm
May nasasaktan ba itong ibang tao? Nasasaktan ba nito ang komunidad? Nasasaktan ba nito ang planeta sa ibang paraan?
Dapat gamitin ng mga magulang ang mga tanong na ito sa sarili sa sariling sitwasyon. Maaaring ang bata ay nagwawala dahil ayaw bilhan ng magulang ng bagong laruan, o kaya naman ay gustong magbakaysyon kasama ang mga kaibigan gamit ang sariling pera. Bawat sitwasyon ay iba-iba. Kung makita na “Oo” ang sagot sa isa sa mga ito, maaaring maging spoiled na bata ang anak.
Ano ang maaaring gawin ng mga magulang
Ang pagbibigay sa mga anak ay naguugat sa kagustuhan ng mga magulang na mapasaya ang mga anak. Nagiging prublema ito kung sumosobra na. Ito ang 11 na bagay na maaaring gawin ng mga magulang upang maiwasan ang spoiled na bata.
Alamin at tanggapin
Alamin na sumosobra ang pagbibigay sa mga anak at tanggapin upang makapag desisyon na babaguhin ang ugali na ito.
Pareho dapat nang layunin ang mag-partner
Kailangan iisa lamang ang layunin ng mag-partner nang makapagtulungan ang pagbibigay ng sobra sa anak.
Gamitin ang Test of Four
Sanayin na itanong ang Test of Four sa sarili pagnagiisip magbigay ng mga bagay sa mga anak.
Isa-isang solusyonan ang mga prublema
Maaaring gustuhin na baguhin ang buong sarili nang madalian ngunit hindi makatotohanan gawin ito. Payo ng mga psychologists, imbes na pilitin na ayusin ang sarili nang biglaan, alamin ang isang prublema ng sobrang pagbibigay na madalas nangyayari sa sariling sitwasyon at simulan dito. Kapag nasanay nang ayusin ang isang sitwasyon, tsaka isunod ang iba.
Ipaalam sa mga anak
Sa mapagmahal na paraan, ipaalam sa mga anak na magbabago na ang mga bagay sa mga ganitong sitwasyon.
Gumawa ng plano upang pangasiwaan ang mga sitwasyon
Ang pamamaraan ay dapat simple. Bagay na masasabing sinimulan gawin imbes na itigil gawin. Isang bagay na maaaring gawin sa susunod na 24 na oras.
Palaging sundin ang plano
Isa ito sa pinakamahirap gawin dahil sobrang dali bumalik sa mga dating paguugali.
Kung kailangan, ayusin ang plano
Kung kinakailangan, maaaring baguhin nang kaunti ang plano upang mas-maging epektibo.
Ipagdiwang ang tagumpay
Kapag nagkakaroon ng pagbuti ng mga sitwasyon at maganda ang kinakalabasan ng plano, maaaring bigyang puri ang sarili.
Patawarin ang sarili sa mga pagkakamali
Importante na patawarin ang mga sarili sa mga maling nagawa sa nakaraan. Ito ay para matuto ng mga mas-epektibong paraan sa pagiging magulang.
Ulitin ang step 1
Ang pagiging magulang ay tuloy-tuloy na pagkatuto. Habang lumalaki ang mga anak, ang mga magulang rin ay magbabago ang mga pamamaraan ng pagpapalaki sa mga ito.
Nais ng bawat magulang na maibigay ang pinaka-maganda sa mga anak. Ngunit ang hindi pagbigay ng sobra sa mga anak ay maaari rin makapagturo sa mga ito ng magandang asal. Ang hindi pagiging spoiled na bata ng mga anak ay mas makakapaghanda sakanila sa totoong buhay.
Source: Psychology Today
Basahin: 5 Ways to stop raising a spoiled child
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!