Ang matagal nang hiling ni Ynna Asistio ay natupad na matapos niyang ianunsyo na siya ay pregnant! Masaya rin si Ynna bilang ganap nang misis sa kaniyang longtime boyfriend.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Ynna Asistio pregnant sa kabila ng kaniyang PCOS
- Kasal nina Ynna Asistio at Bully Carbonell
- Ano ang PCOS?
Ynna Asistio pregnant sa kabila ng kaniyang PCOS
Very happy si Ynna Asistio dahil sa wakas ay magiging mommy na siya!
Sa Instagram post ni Ynna, pinakita niya ang ilang videos at pictures tungkol sa kaniyang pregnancy. Makikita dito ang ultrasound scan ng kaniyang anak.
Bukod pa rito, pinasilip rin ni Ynna Asistio ang positive na pregnancy test para makumpirma na siya ay nagdadalang-tao na.
Larawan mula sa Instagram account ni Ynna Asistio
Ayon sa aktres, dati pa niyang gusto na magkaroon ng anak, at sa wakas ay mangyayari na ito. Ilang araw lang ang hinintay ni Ynna buhat noong maging engaged siya sa kaniyang boyfriend na si Bully Carbonell.
“Blessings after blessings! Tagal ko na gusto magka-baby and finally it’s happening.”
Hindi naging madali ang journey ni Ynna Asistio para finally ay maging pregnant na siya. Teenager pa lang daw kasi siya ay na-diagnose na siya ng mga doktor na mayroong Polycystic ovary syndrome o kilala rin sa tawag na PCOS.
“I’ve been battling with PCOS since I was 13 years old and it has been a difficult battle for me. Ilan beses na ako nahospital because of it and I was told na mahihirapan ako magka-baby.”
Kaya naman laging dasal niya sa Panginoon na mangyari ang kaniyang pangarap na maging isang ganap na ina. At dininig naman ang kaniyang panalangin.
“I was losing hope when I turned 30 coz my PCOS kept coming back and was getting worse. I would heal it for a few months but it kept coming back but now, eto na.”
“Another prayer and dream of mine is about to come true. I waited ’til I found out na safe na si baby and I’m enjoying every moment of it.”
Sa ngayon ay sobrang saya ni Ynna na magkakaroon na siya ng baby at nagpasalamat sa kaniyang family, friends at kaniyang doktor na tumutok sa kaniya.
“I am on a high and I’m so grateful to be able to experience all these. In His perfect time.”
May message din si Ynna Asistio sa mga katulad niyang mayroong PCOS kaya nahihirapan na magbuntis. Ayon kay Ynna, walang imposible sa Panginoon at darating din ang ‘greatest blessing’ para sa kanila.
“For those who are suffering from PCOS like me, the battle maybe difficult and depressing but dont ever lose hope because if its His Will. He will make it possible.”
Nagbunyi naman ang mga celebrity friends ni Ynna Asistio sa balita tungkol sa pagiging pregnant niya. Ilan sa mga friends na natuwa para kay Ynna ay sina Jackie Forster, Melissa Ricks at Erin Ocampo.
Jackie Forster: “Congratulations. God is so amazing.”
Erin Ocampo: “Happy for you GF!”
Melissa Ricks: “Congratulations Ynna.”
Larawan mula sa Instagram account ni Ynna Asistio
Kasal nina Ynna Asistio at Bully Carbonell
Noong July lang inanunsyo ni Ynna na siya ay engaged na sa kaniyang longtime boyfriend noong mag-propose sa kaniya si Bully sa isang resort sa Bohol.
“Ilan taon ako nagbenta ng engagement ring and wedding ring. Lagi ko tinatanong sarili ko kelan kaya ako? Eto na yun. In HIS TIME . IN HIS PERFECT TIME. Salamat Mahal ko!”
Ito ang message ni Ynna sa kaniyang fiance.
Samantala, nitong Miyerkoles, August 10, ay ibinahagi ng couple na sina Ynna at Bully na sila ay ikinasal na. Ang wedding nila ay dinaluhan ng kanilang malalapit na family and friends.
Larawan mula sa Instagram account ni Ynna Asistio
Ano ang PCOS?
Ang polycystic ovary syndrome ay isang kondisyon kung saan mayroong hormonal disorder ang isang babae.
Hindi pa alam ng mga eksperto kung ano ang nagiging sanhi ng PCOS, ngunit matindi ang epekto nito sa pagbubuntis ng mga kababaihan. Ito’y dahil dahil ang ovary ng babae na mayroong polycystic ovary syndrome ay nahihirapang mag-release ng egg cells.
Sintomas ng PCOS
Ang PCOS ay may ilang sintomas na madalas mapapansin sa puberty ng isang dalaga kapag nagsimula na siyang magkaroon ng period.
Heto ang ilang sa mga signs na may PCOS ang isang babae:
- Iregular ang menstrual period – Ang mga mada-diagnose na mayroong PCOS ay magkakaroon ng iregular na menstrual period, o kaya naman kapag dinatnan ay matagal ang duration nito.
Minsan ay umaabot lang sa siyam na period ang nararanasan ng isang babae sa loob ng isang taon.
- Facial o body hair at madalas na pagkakaroon ng tigyawat – Ang pagkakaroon ng sobrang androgen o male hormone ay isa rin sa senyales ng PCOS. Kaya naman may mga mapapansin na pagbabago sa katawan tulad ng sobrang facial o body hair, severe acne o kaya ay pagkakalbo.
Ang sintomas ng PCOS ay mas lumalala kapag obese o sobra ang timbang ng ma-diagnose na mayroon nito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!