6-buwang gulang, namatay dahil sa labis na pagtatae

Narito ang sintomas ng dehydration sa mga sanggol na dapat agad na malunasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito kung bakit hindi dapat isawalang bahala ang pagtatae ng baby.

Pagtatae ng baby

Image screenshot from ABS-CBN News video

Isang anim na buwang gulang na sanggol mula sa Makilala, Cotabato ang patay dahil sa severe dehydration. Ang sanggol ay isa sa mga bakwit ng nagdaang lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao. Ang nangyari kay Baby Wincess ay isang malungkot na paalala na ang pagtatae ng baby ay maaaring magdulot ng seryosong panganib sa buhay.

Kuwento ni Lola Marites, lola ng sanggol, pinacheck-up nila si Baby Wincess sa isa sa mga doktor sa evacuation center na kanilang tinutuluyan noong October 29. Ayon sa doktor na tumingin dito, ito nga daw ay nakakaranas ng pagtatae. Hindi nila akalain na ang kondisyon pala nito ay maaaring lumala at maging sanhi ng kanyang pagkamatay. Ang kaso ni Baby Wincess ay nagpapakita ng panganib na dulot ng pagtatae ng baby namatay kung hindi ito maagapan.

Walong araw matapos macheck-up si Baby Wincess, itinakbo nila ito sa ospital, ngunit doon na binawian ng buhay. Base sa death certificate ni Baby Wincess, ang naging sanhi ng pagkamatay niya ay severe dehydration. Isa sa mga komplikasyong maaaring maranasan ng kahit sino, hindi lamang ng sanggol na nakakaranas ng matinding pagtatae. Ang katotohanan na ang pagtatae ng baby namatay dahil sa severe dehydration ay isang seryosong babala para sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagtatae ng baby at severe dehydration

Ang pagtatae lalo na sa mga baby ay hindi dapat binabalewala. Dahil kung ito ay hindi agad malunasan, maaari itong magdulot sa baby ng severe dehydration na maaaring magresulta sa pagkamatay. Ang mga insidente tulad ng pagkamatay ni Baby Wincess ay nagpapakita ng kahalagahan ng maagap na paggamot sa pagtatae ng baby.

Ang dehydration ay tumutukoy sa pagkawala ng fluids ng katawan na gawa sa tubig at asin. At ito ay nararanasan kung ang isang tao ay nagsusuka o nagtatae. Bagamat, hindi lahat ng pagtatae ng baby ay nauuwi sa severe dehydration, ang mga magulang at tagapag-alaga ay kailangan maging mapagmatyag. Mahalagang malaman ng bawat magulang o tagapag-alaga ng sanggol ang kahalagahan na ito ay maiwasan.

At ang unang paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng pag-alam sa sintomas ng dehydration na isang palatandaan na dapat dalhin na sa ospital ang isang nagtataeng sanggol. Huwag hayaan na maging huli ang lahat at magdulot pa ng malubhang panganib tulad ng pagkamatay ng baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng dehydration

Masasabing ang isang sanggol ay nakakaranas ng dehydration kung nagpapakita siya ng sumusunod na sintomas:

  • Naging madalang ang pag-ihi o pagpapalit ng tatlong diapers lang pababa sa loob ng 24 oras
  • Kulay dark yellow na ihi
  • Pag-iyak na walang luha
  • Tuyong balat, labi at dila
  • Lubog na mata
  • Nangingitim na balat
  • Malalim na bunbunan
  • Mas antukin o matamlay na sanggol

Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano maiiwasan ang dehydration sa mga baby

Samantala, maaring makaiwas sa dehydration ang isang nagtataeng baby sa tulong ng sumusunod na paraan:

  • Patuloy na pagpapasuso sa sanggol
  • Pagpa-inom ng oral rehydration salt

Sa mga kaso ng sanggol na nakakaranas ng severe dehydration, ang mga nasabing paraan ay nakakatulong parin. Ngunit mahalagang dalhin sila sa ospital para sila ay mas mabigyan ng sapat na medikal na atensyon na kanilang kailangan.

Para naman hindi lumala ang pagtatae ng baby ay dapat iwasan munang bigyan siya ng sumusunod na pagkain:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Mamantikang pagkain
  • Dairy products tulad ng gatas at cheese
  • Pagkakaing matatamis tulad ng cake at cookies

Isa sa mga dahilan ng pagtatae ng baby ay dahil sa isang viral o bacterial infection na nakakahawa. Para maiwasang maikalat pa ito, mabuting maghugas ng kamay gamit ang maligamgam na tubig at sabon sa tuwing nagpapalit ng diapers ng sanggol. Siguraduhin ding laging malinis at properly disinfected ang diaper-changing area sa inyong bahay sa lahat ng oras.

Tandaan, kapag may pagtatae ng baby, huwag mag-atubili na kumonsulta sa duktor.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Source: NCBI, ABS-CBN News, WebMD
Photo: Freepik

Basahin: Kumpletong guide: Hirap sa pagdumi ang baby at iba pang inaalala sa potty

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement