Pagtatalik matapos manganak
Marami ang nagtatanong kung mabilis nga ba mabuntis pagkatapos manganak?
Taliwas sa pag-aakala ng nakararami lalo ng mga first time moms, ang pagtatalik matapos manganak ay sinasabing mas exciting kumpara sa dati ayon sa isang survey na ginawa sa 1,000 na babaeng ina. mabilis nga ba mabuntis pagkatapos manganak?
Ito ay isinagawa ng Peanut isang social networking app para sa mga kababaihang may anak na. Sa pamamagitan ng isang survey ay tinanong nila ang 1,00pagtatalik-matapos-manganak0 na babae edad 22 to 37 years old tungkol sa kanilang sex life bago at matapos manganak. Lumabas sa resulta na ang pagkakaroon ng baby ay hindi naman nagiging dahilan para humina at maging matamlay ang sex life ng isang babae matapos manganak.
Bagamat 61.8% ng nasabing bilang ng babae ang nagsabing natakot silang subukan ulit ang pagtatalik matapos manganak, 73.9% naman ang nagsabing mas nag-enjoy sa pagtatalik matapos manganak kumpara noong bago pa sila magdalang-tao.
Ang pagkatakot na magsagawa ng pagtatalik matapos manganak ay halo-halong dahilan na baka sila ay masaktan, self-conscious at ng pag-aalalang baka mabuntis agad. Samantalang, 52% ng mga nasabing babaeng ina ay bumalik na agad sa sigla ng pakikipagtalik matapos mabigyan ng go signal ng kanilang doktor. Mas naging mas exciting pa nga daw ang pagtatalik matapos manganak. Ito ay dahil sa mga paraan na kanilang ginagawa tulad ng kegel exercises para mas ma-enjoy ito.
Kailan pwede makipagtalik ang bagong panganak?
Ayon sa mga doktor, mas mabuting maghintay ng apat o anim na linggo matapos manganak bago ulit makipagtalik. Ito ay para mabigyan ng sapat na oras ang iyong katawan upang maghilom at bumalik sa dati nitong lakas.
Ito rin ang tamang panahon upang makasigurong hindi magkakaroon ng impeksiyon ang isang bagong panganak na babae lalo na kung siya ay nahiwaan o nagkasugat habang nanganganak. Isa ito sa mga nangungunang dahilang kung bakit natatakot sumubok o makipagtalik muli ang ibang babae matapos manganak lalo na ang mga first time moms. Dahil ito sa pag-aakalang maaring bumuka ang tahi o sugat na magiging masakit para sa kanila.
Kaya naman marapat lang malaman kung kailan pwede makipagtalik ang bagong panganak.
Maliban sa sugat matapos manganak, ilang bagay rin ang maaring maging dahilan upang hindi agad manumbalik ang gana ng isang babae sa pagtatalik matapos manganak. Ilan dito ay ang labis na pagkapagod sa pag-aalaga ng kaniyang sanggol. At panunuyo sa kaniyang genital area dahil sa hormonal changes na kaniyang nararanasan.
Isang dahilan din sa mabagal na pagbalik ng kaniyang gana sa pakikipagtalik matapos manganak ay ang pagpapasuso na nakakaapekto rin sa pagbabago ng hormone levels sa kaniyang katawan. Ito ay ayon kay Dr. Hector O. Chapa, isang Clinical Assistant Professor ng Obstetrics and Gynecology sa Texas A&M College of Medicine.
Ilang paraan para maibsan ang discomfort sa pagtatalik matapos manganak ay ang sumusunod:
- Maliban sa pag-inom ng mga over-the-counter na pain reliever bago makipagtalik, isang paraan rin para maihanda at ma-relax ang iyong katawan sa pakikipagtalik matapos manganak ay ang paliligo sa maligamgam na tubig. Maari ring maglagay ng tuwalya na may yelo sa genital area kung makakaramdam ng hapdi o pananakit matapos makipagtalik.
- Gumamit ng lubricant upang makaiwas sa pananakit sa pagtatalik matapos manganak.
- Magexperiment o gumawa ng mga alternatibong paraan sa pakikipagtalik tulad ng oral sex o masturbation. Makipag-usap at maging bukas sa partner kung ano ang iyong gusto at hindi.
- Magbigay ng oras para sa pakikipagtalik.
Kung sakaling makaramdam parin ng pananakit sa pakikipagtalik matapos gawin ang sumusunod, dapat kumonsulta na agad sa doktor.
Dahil naman sa pagkakabanat ng iyong pelvic muscles sa pagdadalang-tao makakaramdam din ng tila kakaibang pakiramdam ang isang babae sa pakikipagtalik matapos manganak. Kaya para maihanda at maibalik ang dating lakas ng pelvic muscles para sa muling pakikipagtalik maaring isagawa ang kegel exercise. Ito ay pagpigil sa iyong ihi sa loob ng tatlong segundo bago ito tuluyang ilabas. Para sa mas magandang resulta gawin ito tatlong beses o higit pa sa isang araw.
Kung nais naman na maalis ang pagaalala at masigurong hindi agad mabubuntis matapos makapanganak, mabuting gumamit ng birth control method. Para mas maintindihan at maliwanagan kung kelan ang tamang paggamit nito mabuting makipagusap sa iyong healthcare provider. Ito ay para na rin sa mga options na maaring gamitin na angkop sayo.
Mga paraan para hindi mabuntis ang bagong panganak
Maraming paraan upang maging safe at komportable ang isang babae sa pagtatalik matapos manganak. Isa na nga rito ay ang pagiging bukas o open sa iyong partner tungkol dito. Sa ganitong paraan ay mas maihahanda at maeenjoy mo ang pakikipagtalik at pagiging intimate sa iyong partner gaya ng dati.
Isa sa mga paraan para hindi mabuntis ang bagong panganak ay ang paggamit ng contraceptive o birth control. Katulad ng pag-inom ng pills o pag gamit ng condom kapag magtatalik.
Sources: Peanut, Health, Mayo Clinic, This is Insider
Basahin: 5 best sex positions for after a C-section and 5 to avoid
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.