Walang kasing hirap ang moving-on para sa taong nagmahal. Alam mo ba na hindi raw nakakatulong ang “sad songs” sa prosesong ito ayon sa experts?
Pakikinig ng “sad songs” after break-up hindi raw nakakatulong sa pagmomove-on
Napagdaanan na yata nating lahat iyan, makinig sa malulungkot na kanta sa tuwing malungkot ang pakiramdam. Sa usapin daw ng pagmomove-on after break-up, maaari raw na hindi ito nakakabuti ayon sa mga eksperto.
Narito ang ilang dahilan na kanilang tinukoy hinggil dito:
1. Maaaring magkaroon ng negative emotion.
Dahil nga malungkot ang melody at maging lyrics ng kanta, maaaring magkaroon ng negative na emotion ang isang tao. Sa tuwing nakikinig ay pwede rin nitong maapektuhan ang iyong nararamdaman.
2. Magkakaroon ng alaala sa bawat kanta.
Maaari ring mangyari na magkaroon ng partikular na alaala sa isang kanta. Halimbawa, kung ikaw ay nasa moving on stage at naalala mo ulit ang kantang pinakinggan mo noong naghiwalay kayo ay lalo ka lang malulungkot.
3. Labis na epekto sa mga lyrics nito.
Iba-iba ang karanasan ng tao sa moving-on. Mayroong mga kanta na ginawa para sa partikular na kuwento. Kung nakikinig ka nito sa panahon ng moving-on, maaaring i-relate mo lamang ang iyong sarili sa kanta. Sa huli, ikaw ang labis na malulungkot pa lalo dahil sa lyrics at kuwento mismo nito.
Sa kabilang banda, payo naman ng experts, kung labis na lungkot na ang nadarama ay kailangan na kumonsulta sa doktor.
Maaari kasi nitong maapektuhan ang tao mentally at physically kung hindi mapapacheck-up. Mas mainam nang sigurado na hindi mo mararanasan ang negatibong epekto pa nito sa iyong kalusugan in the future.