3 bagay na dapat mong sabihin para ma-encourage ang bata

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pakikipag-usap sa bata upang siya ay mahikayat tungo sa mga mabuting gawain at asal ay nakakalito. Maaaring ang nais sabihin ay hindi maintindihan. May mga panahon din na kahit gaano ka ka-tiyak sa sinasabi, kabaligtaran parin ang ginagawa ng bata.

Ang pundasyon ng karamihan sa evidence-based parenting approach ay ang positibong pagsasama ng nagaalaga at bata. Pareho ang CBT Parent Management Training at Parent-Child Interaction Therapy (PCIT) na ginagamit ito. Pareho nilang binubuo ang pundasyon na ito gamit ang mga istratehiya para sa pagbibigay puri na nagtataguyod ng magandang asal. Itinataguyod din nito ang kumpiyansa ng bata at masayang pakikisama sa mga magulang.

Magandang paraan ng pakikipag-usap sa bata:

Maging tiyak sa papuri

Ang pagpuri ay dapat ibinibigay para sa isang tiyak na pag-uugali o nagawa. Ang “Magaling!” ay masarap matanggap ngunit hindi nagbibigay ng sapat na impormasyon. Maaaring matuwa ang bata sa pagkakarinig nito ngunit hindi niya sigurado ang nagawa niyang ikinaka-tuwa mo. Masmakakabuti ang maging tiyak tulad ng, “Magaling ang pagkakasara mo ng pintuan!” Dahil tiyak ang mensahe sa kung ano ang nagpasaya sa iyo at naging rason na nakatanggap ng papuri ang bata, mas dadalas ang paggawa niya nito upang muling makatanggap ng papuri.

Gamitin ang positibong kabaliktaran

Ang pagbibigay atensyon sa isang ugali ang nagiging rason ng pag-ulit ng kaugalian na ito. Maaaring masmadaling sabihin ang gawain na nais mong matanggal sa bata, ngunit ang pagbibigay atensyon dito ay magiging dahilan kaya lalo itong dadalas. Ito ang paraan upang matigil ang pagtuturo sa mga gustong mawala:

  • Alamin ang kaugalian na gustong matanggal.
  • Isipin kung ano ang kabaliktaran nito na nais makita sa iyong anak.
  • Purihin ang anak kapag-ginawa o ginagawa ang paguugaling nais makita.

Isang halimbawa ay kung may anak na laging gustong tumakbo. Imbes na pigilan siya at sabihin na huwag tumakbo, maaari siyang sabihan ng “salamat sa paggamit ng iyong walking feet” kapag siya ay hindi tumatakbo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tumutok sa pagsisikap at hindi sa resulta

Purihin siya sa pagiging masipag, katapangan, pagbigay ng makakaya, hindi pagsuko, at iba pa. Karaniwan, ang pagpuri sa pagsisikap ng bata imbes na sa resulta ay mas makikitaan ng pagbabago. Pinaparating din nito sa bata na sila ay mas may halaga kaysa sa kanilang mga nagawa. Binubuo nito ang pundasyon ng isang matibay na bata na kayang tumayo mula sa mga pagsubok.

Mga salitang dapat iwasan

Kabaliktaran na papuri

Ang pagsabi ng “Nakita mo na kung gaano kalinis ang bahay kapag hindi mo kinakalat ang mga laruan mo?” ay hindi isang papuri. Ang katotohanan, isa itong pagpuna at pagbibgay atensyon sa ugaling ayaw mong makita o gustong mawala. “Wow! Ang ganda ng paligid kapag nililigpit mo ang mga laruan mo!” ay mas-epektibo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-label sa bata imbes na sa kaugalian

Bukod sa hindi tiyak na papuri ang “Good girl,” hindi nito tinutulungan ang batang maintindihan na siya ay hindi nakatali sa kung ano man kanyang desisyon. Kailangan nilang matutunan na ang kanilang pagkatao ay hiwalay sa kanilang mga kaugalian at mga desisyon. Lahat tayo ay nagkakamali ngunit hindi ibig sabihin ay masamang tao na tayo,

Ngunit…

Kapag ginamit ang salitang ito, kung ano man ang mga salitang nauna ay wala nang halaga. Imbes na marinig ang naunang papuri, nasasapawan na ito ng pagpuna na sumusunod. Ang pagsabi ng “Mabuting nakipaglaro ka sa iyong kapatid, ngunit hindi mo niligpit ang iyong mga laruan,” ay hindi isang papuri at naiiwan lamang ang pagpuna na hindi siya nag ligpit. Upang maayos ito, palitan lamang ang “ngunit” ng salitang “at.” “Mabuting nakipaglaro ka sa iyong kapatid, at pakiligpit narin ang mga laruan mo.”

Photo: CDC

Source: PsychologyToday

Basahin: Kung bakit dapat iwasan ang pagsabi sa anak na “matalino” siya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement