Ano ang pakiramdam ng anal sex? Willing ka bang subukan ito?

Ano ang pakiramdam ng anal sex? Willing ka bang subukan ito?

Hindi para sa lahat ang anal sex. Kung ano man ang pananaw mo rito, malamang sumagi na sa isip mo ang katanungan na: ano ba ang pakiramdam ng anal sex? | Photos by Charles Deluvio ???? on Unsplash

Hindi para sa lahat ang anal sex. May mga misis na payag na subukan ng isang beses pero ayaw na. May mga ilan na nagustuhan ito at naging parte na ng pagtatalik nila ni mister. May iba na ayaw talaga. Kung ano man ang pananaw mo rito, malamang sumagi na sa isip mo ang katanungan na: ano nga ba ang pakiramdam ng anal sex?

Pasintabi

Bago pa man natin pag-usapan ang maselan na paksa na ito. Kailangan tandaan ang mga sumususnod na bagay, mas lalo na kung willing kayong mag-asawa na subukan ang anal sex:

  • Huwag ipapasok ang penis mula sa puwet papuntang pwerta, maaaring maging sanhi ng impeksiyon katulad ng bacterial vaginosis.
  • Subukan ang anal training. Kung nangangamba na mapupunit ang anus, subukan muna ang training sa pamamagitan ng pagpasok ng maliliit na bagay tulad ng daliri o sex toys.
  • Gumamit ng lubricant. Makakatulong ito para maging madulas sa parteng iyon dahil di kagaya ng vagina, walang natural na lubricant ang anus.
  • Bago subukan ang akto na ito, mabuting mag-poop muna. Oo, may mga pagkakataon na nagkakaroon ng insidente na may dumi sa anus kaya siguraduhing empty ang bowels. May ilan na naglalabatiba muna bago mag-anal sex.
  • Puwedeng magkaroon ng sugat sa anus matapos ang anal play. Siguraduhin na hugasan maige ng tubig at sabon matapos ang pagtatalik.
  • Siguraduhing maglinis at mag-disinfect ng lugar matapos ang anal sex para mapatay ang bacteria.
  • Pag-usapan niyo munang mag-asawa kung para sa inyo ba ito. Maging bukas sa pag-uusap bago, habang, at matapos niyong gawin. Kung hindi maganda ang pakiramdam ng anal sex, huwag niyo nang ituloy!
So, ano nga ang pakiramdam ng anal sex?

Isa pang pahabol, laging tandaan na ang iba't ibang sex act ay para sa pleasure ninyong mag-asawa. Kung hindi kumportable sa ideya ng anal sex, huwag nang subukan. Kung laban ito sa paniniwala o relihiyon, huwag nang subukan.

Layunin ng artikulong ito na magbigay lamang ng impormasyon sa mga couple na curious tungkol dito at magbigay ng payo sa mga gustong sumubok nito dahil kagaya ng nabanggit, kapag hindi ginagawa ng tama ay maaaring maging sanhi ng impeksyon.

Okey, ngayon pag-usapan na natin.

Ayon sa Women's Health, hindi maimumungkahi na mag-anal sex nang walang paghahanda. Importante talaga na subukan munang magpasok ng daliri o ng sex toy, at gawin ang anal training.

“You should never go from zero to penis," pahayag ni Alicia Sinclair, isang sex coach. "It will mostly likely hurt and create a negative first experience.”

Importante na ipasok ang penis nang dahan-dahan at gumamit ng lubricant, payo pa nito.

Hindi talaga normal ang pakiramdam ng anal sex dahil hindi naman natural na may ipinapasok kung saan may lumalabas. Kaya may urge ka na itulak palabas ang penis. Hindi rin ito kagaya ng vagina na may natural na lubricant at nag-stretch para sa penis.

Sa panayam ng Women's Health sa iba't ibang babae na nasubukan na ang anal sex, ito ang mga nasabi nila:

  • "Iba siya sa regular sex kasi parang mas malalim na pumapasok ang penis. Pero hindi siya nakakatulong sa pag-orgasm ko."
  • "Takot ako dati na subukan ito dahil baka masakit. Nang sinubukan ko, mas nakaramdam ako ng discomfort kaysa sakit... Hindi ko siya nagustuhan pero na-enjoy siya ng boyfriend ko. Nirerespeto niya ang damdamin ko at hindi niya ako pine-pressure na gawin namin."
  • "Hindi ko siya nagustuhan. Hindi siya sobrang sakit, hindi lang ako kumportable. Hindi lang siguro siya para sa akin."
  • "Nasubukan ko siya once dati pero hindi na naulit. Willing akong subukan ulit pero hindi ko siya hinahanap-hanap."
  • "Para sa akin, lubos siyang erotic. Mas naging aware ako sa buong katawan ko. Nag-orgasm din ako through anal penetration. Na-e-enjoy ko siya."
  • "Dati, na-obsess ako sa anal. May punto na mas madalas ako mag-anal kaysa regular sex. Kapag nagawa nang tama, naglalaban ang sakit at sarap. Pakiramdam mo mas malaki ang ari ng lalaki dahil parang punung-puno ang pakiramdam."

Ikaw, willing ka bang subukan ito?

SOURCES: Women's Health

Basahin: Anal sex positions na na puwede ninyong subukan na mag-asawa

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner