5 cartoon shows na dapat iwasan dahil nagtuturo ng hindi mabuting asal

Marami pa rin ang palabas na pambata na nagtuturo ng hindi mabuting asal para sa ating mga anak. Narito ang ilan sa kanila! | Lead Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon na binigyan na ng pahintulot ng eksperto ang mga bata sa pagkakaroon ng screen time, ang mga magulang ay nagkakaroon ng halo-halong emosyon. Bukod dito, sa usapang panonood ng cartoons, alam mo bang hindi lahat ng cartoons ay pwedeng panoorin ng mga bata? Marami pa ring delikado para sa iyong anak. Mayroon pa rin talagang mga palabas na pambata nagtuturo ng hindi mabuting asal.

May ibang animation katulad ng Family Guy, The Simpsons, American Dad, South Park, at Beavis & Butthead, ay hindi dapat pinapanood sa bata. Ang target audience kasi nito ay mas mature na manonood dahil sa strong language, adult scene at violence.

Alam mo bang may ibang cartoons na akala mo ay inosente pero nagtuturo pa rin ng bad habits sa mga batang nakakanood nito? Narito ang mga cartoons na hindi mo dapat ipanood sa iyong anak.

Palabas na pambata nagtuturo ng hindi mabuting asal

1. Pokémon – Dahilan para maging agresibo ang bata

Isa sa mga kilala at siakt na cartoon ang Pokémon. Bata man ‘yan o matanda, marami ang may paborito sa palabas na ito. Pero bakit ngaba naging harmful ang maliit na si Pikachu at iba pa nitong kaibigan sa iyong anak?

Ayon as mga psychology, ang violence sa mgaTV program katulad ng Pokémon ay maaaring magturo upang maging agresibo ang sino mang manonood nito.

Binalaan ni Professor Douglas Gentile ang mga magulang na ‘wag panoorin nito ang iyong mga anak.

“Labelling certain types of media violence as ‘fantasy’ violence is misleading and may actually serve to increase children’s access to harmful violent content by reducing parental concern.”

Palabas na pambata nagtuturo ng hindi mabuting asal | Image from Unsplash
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Spongebob Squarepants – Nakakaapekto sa short term memory

Sino ba namang hindi nakakakilala sa maliit at cheery na si Spongebob? Isama pa ang bestfriend nitong si Patrick. Pero ayon sa mga psychologist, ang mga fast-paced children cartoons katulad ng Spongebob Squarepants ay maaaring makapagdulot ng short-term memory at impulse control sa iyong mga anak kahit na sa maikling panahon ng panonood nito.

Nagsagawa ng experiment ang mga researcher tungkol dito at napagalaman na ang mga batang audience na nonood ng fast-paced cartoon ay hirap makatapos ng isang gawain na ibinagay sa kanila.

3. Winx Club – Inappropriate attire at behaviour

Ang mga bata ay madaling gayahin ang mga napapanood nila sa TV.

Ang cartoon na ito ay tungkol sa bunch ng mga fairy na may special power. Sila ay nakikipaglaban para mailigtas ang universe. Ngunit sila ay nagdadala ng maling message s manonood dahil sa kanilang revealing na suot.

Ang suot ng mga fairy na ito ay maikli at ang iba sa kanila at nagsusuot ng punit na damit. Ito ang dahilan kung bakit maraming online reviewers ang nagsasabing malapit ito sa sexualised nature ng mga character. Bukod pa rito, ang Winx Club ay nagpapakita rin ng ilang scene na hindi pwede sa mga bata katulad ng paghalik sa kanilang mga boyfriend.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa pag-aaral, ang mga kabataan na nanood nito ay most likely na mag-initiate ng sexual intercourse sa kapwa nito.

Image: Screen grab from Youtube

4. Ben and Holly’s Little Kingdom – Pagtawag na ‘stupid’

May dalawang studyante na lumapit sa akin para sabihin na may alam silang ‘bad word’ na nagsisimula sa letter ‘C’. Buti na lang ito ay ‘crazy’ lamang.

Ang children cartoon na ito ay tungkol sa mga fairy at elves na nakatira sa iisang lugar. Sa una ay mukhang harmless naman ang mga ito pero may pagkakataon na may ibang character na nagsasabi ng salitang ‘stupid’ kapagnaglalarawan ng ibang tao o hayop.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mga bata, ang equivalent ng “the ‘S’ word” ay ang salitang “stupid”. Para naman sa mga matatanda katulad nina Nanny Plum at The Wise Old Elf, ang pagtawag ng ‘stupid’ sa mga animals at ibang taong makakakita nila ay hindi magandang pakinggan.

Palabas na pambata nagtuturo ng hindi mabuting asal | Image from Unsplash

5. Peppa Pig – Harmful ang message sa mga bata

Marami na ang nagsasabi na hindi advisable ang panonood ng Peppa Pig sa inyong mga anak. Natuturuan kasi nito ng masamang ugali ang mga batang nakakanood nito. Katulad ng pagsagot ng pabalang sa magulang, pagiging rude sa kaibigan at pagkakaroon ng gender stereotypes.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN:

11 Best cartoons that are educational and fun for school-aged kids!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano