Hindi talaga mawawala sa ating mga pilipino ang pagiging mapa-mahiin siguro dahil nakasanayan na natin ito simula pa sa ating mga ninuno. Wala namang masama kung maniniwala ka or gagawin mo pero dapat sa ganitong mga bagay ay matuto tayong manaliksik kung tama pa bang ito'y sundin.
Ito ay ilan sa mga sinabe at pinagbawal sa akin pagkatapos kong manganak;
1.Bawal maligo after manganak
-Sabe sa akin huwag muna raw ako maligo dahil papasukan raw ako ng lamig sa katawan pero dahil nanganak ako sa hospital ay hindi ko iyon nasunod dahil after pagkapanganak is pinapaligo na kaming mga nanay. At sa tingin ko ay wala namang masama maligo after manganak dahil mas gumaan ang pakiramdam ko nung nakaligo ako (siguro maligamgam na tubig ang gamitin para hindi mabigla ang katawan). Pero depende naman sa atin kung gusto natin sundin ang pamahiin, dahil wala namang mawawala sa atin. Pero mas sinunod ko ang sinani ng doctor na maligo dahil alam kong yun ang dapat.
2. Bawal kumain ng isda o malalansang pagkain
-After kong manganak sa hospital at 5 days kaming namalagi roon and then pagkauwi ko sa bahay dahil nga sabik akong makakain ng isda dahil ilang araw akong hindi nakakain ng mga ulam na nakasanayan ko is sinabi ko sa partner ko ang ibili sa aking ulam is ginataang isda, nung nakita nila na kumakain ako nun is pinagbawalan ako at itigil ko raa ang pagkain ng malalansang isda dahil bawal raw iyon. (Hindi po ako CS, normal delivery po ako) kaya nagtaka ako kung bakit bawal, and then sinearch ko kung bawal ba talaga at ayon sa research ko is wala namang bawal basta moderate lang at maganda raa kumain ng gatang pagkain kase nakakadagdag raw ng supply gatas ng ina at bawal lang ang malalansa sa mga CS mom.
3. Bawal mag cellphone or gumamit ng gadgets
-Isa itong pinagbawal sa akin nung nakauwi na ako dahil baka raw lumabo mata ko at baka mabinat raw ako and hindi ko alam kung totoo ba yun pero mas pinili kong sundin para mapahinga rin ang mata ko shempre mahina pa katawan nating mga bagong panganak.
4. Bawal magsuklay
-Kase raw baka maglagas ang mga buhok ko at nakakabinat nga rin daw pero nagsusuklay na lang ako palihim kase wala naman sinabe sa akin yung doctor na bawal yung ganon bagay.
5. Bawal mag-gupit ng kuko
-Dahil nga ilang days kami sa hospital at hindi ako nakagupit ng kuko, pagkauwi ko is huwag raw ako magpuputol ng kuko dahil masama raw at hindi ko iyon sinunod dahil ang nasa isip ko baka masugatan ko ang baby ko at shempre kapag mahaba ang kuko is napupunta or nagkakaroon or kumakapit dun yung mga dumi at yun ang ayaw ko. Mga mamsh walang masama sa pagsunod sa pamahiin, pero isipin natin na hindi ba ito makakaapekto sa health ni baby and mga mamah dapat lagi tayong malinis hindi lang sa bahay pati mismo sa sarili natin kase kailangan natin maging hygienic all the time para hindi magkasakit si baby.
6. Bawal magbasa ng libro
-Dahil nag-aaral ako that time (online class) need ko talaga magbasa ng libro and after pagkapanganak is pinagbawalan ako dahil baka raw lumabo ang mga mata ko at baka raw mabinat ako. Hindi ko iyon sinunod dahil nag research ako kung totoo ba na nakakalabo ng mata ang pagbasa after manganak and based on my research wala namang bawal dahil wala naman kinalaman ang paglabo ng mata sa pagbabasa. And 10 months old na baby ko now, and okay naman mga mata ko at malilinaw pa rin katulad ng dati.
7. Bawal magsuot ng short
-Baka raw kase mapasukan ako ng lamig kaya dapat raw magsuot ako ng mahahaba at magmedyas din, wala namang kaso sa akin ang pagme-medyas dahil okay lang naman yun pero ang pagsusuot ng mahahaba like pants is ang init lalo na kapag tanghali sobrang init pero no choice ako kundi magpangts kase kapag hindi nila ako nakikita naka-pants or mahaba is pinagagalitan ako.
8. Bawal kumilos sa bahay after manganak
-Feeling ko ito yung pinaka legit sa mga pinagbawal sa akin, shempre pagod ang katawan natin dahil sa tindi ng labor at hirap na naranasan natin is totoo namang kailangan natin magpahinga dahil kailangan makabawi ng lakas ng ating katawan. Kaya mga mommy, ipahinga po natin ang katawan natin para manumbalik ang ating mga lakas.
Iyan po ang mga pinagbawal sakin after kong manganak and uulitin ko po is depende po sa atin kung ano at sino ang paniniwalaan at susundin natin. Basta po walang masamang epekto sa atin at sa anak natin, mas maganda pong sumunod po tayo sa ating mga doctor dahil sila po ay mas may alam at sila ang eksperto sa ganyang bagay