Sabe nila kapag sinabihan ka ng matatanda about sa pagbubuntis mo ito ay isang pamahiin lamang at wag maniwala.
Unang pagbubuntis ko ang pinagdadala ko ngayon at talaga namang todo payo ang aking lola sa aking dinadala kahit na paulit ulit nya itong sinasabe. "wag ka ngang maglalagay ng tuwalya sa balikat" aniya nito pagkalabas ko ng cr pagkatapos kong maligo. " baket po?" tanong ko ngunit sabe nya sundin ko na lamang.
Kinabukasan, habang ako ay nagtitinda ng fishball,kikiam, at fries sa labas heto na naman at pinagsasabihan ako ng aking lola " baket pula ang suot mo di ka talaga nag iingat sabe ko mag itim ka kung ikaw ay nasa labas at iwasan mo ang matulog malapit sa bintana" aniya nito ng makita kaninang umaga na ako ay natutulog malapit sa bintana kagabe kase ay todo pilit ako sa aking asawa na duon pumwesto dahil sa hindi ko kaya ang init sa loob ng kwarto dahil lahat ng bintana ay nakasara.
Pagkauwing pagkauwi ng aking asawa sinabe ko kaagad lahat ng sinasabe saken ng aking lola tungkol sa aking pinagbubuntis at eto namang aking asawa pumunta sa kusina para lamang kumuha ng BAWANG!! jusko po nadamay na ang aking asawa pero wala nakong magagawa dahil iniisip ko lang den ang aking kapakanan pati na den ang aking anak.
Ngayong ika walong buwan na ng aking pagbubuntis talaga namang todo ingat at pag aalaga ang ginagawa ng aking pamilya sa akin. Lalo na ang aking lola na todo silip pa sa aming kwarto kapag wala ang aking asawa at nasa trabaho. Hindi ko magawang magalet at imbis na ikatuwa ko pa ito dahil sa kanyang labis na pag aalaga.
Hindi masamang sumuway at mas lalong hindi masamang sumunod. Kung alam mong sa mas ikabubuti nyo ito ay gawin na lamang ng may pag iingat. Ang kanilang payo ay para sa iyo at sa dadating ninyong anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!