5 na paraan para matulungang maging matalino ang inyong mga anak

Tulungang palawakin ang kaalaman ng iyong anak at ibigay sa kanila ang susi patungo sa tagumpay, habang bata pa sila!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming pamahiin para maging matalino ang bata. Alamin kung ilan sa mga ito at kung makakatulong ba talaga ang mga ito sa brain development ni baby.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Mga pamahiin para maging matalino ang bata.

Sa mga moms and dads dyan! Gusto niyo bang malaman kung paano niyo matutulungan ang inyong mga anak na maging matalino? Narito ang anim na pamahiin para maging matalino ang bata! Ito ay mga paniniwala lamang pero wala namang mawawala kung susubukan, hindi ba?

Pamahiin para maging matalino ang bata

1. Eye-to-eye contact

Isa sa mga pamahiin para maging matalino ang bata ay ang pagtingin daw ng deretso sa mga mata o ang pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa kanila. Ayon sa mga eksperto, ang eye-to-eye contact ay isang mainam na paraan upang mahasa ang kaalaman ng inyong mga anak. Base naman sa Psychology Today, ang eye-to-eye contact ay isang kritikal na bahagi ng pag enhance ng kanilang voluntary movements, at nakakatulong sa pag improve ng kanilang pangkalahatang memorya.

Hindi nga lang basta cognitive development nila ang na-iimprove ng eye to eye contact. Sa pamamagitan nito ay mas nagiging close ka rin sa iyong anak at mas mai-enjoy ang mga oras ninyong magkasama.

Tulungan ang inyong mga anak na malinang ang kanilang memorya sa pamamagitan ng pagtuturo sa kahalagahan ng eye-to-eye contact.

2. Habang pinapalitan ang diaper ni baby, make the most out of it!

Ang pagpapalit ng diapers ni baby ay kabilang rin sa mga pamahiin para maging matalino ang bata. Paano ito nangyari?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aminin man natin o hindi, maraming mga magulang ang umiiwas sa pagpapalit ng diaper, pero hindi namin kayo masisisi. Kung wala naman kayong magagawa at kailangan nyo talagang gawin, e di samantalahin nyo na! Make the most out of it!

Habang pinapalitan mo ng diaper si baby, kwentuhan mo sya at ipaliwanag mo kung ano ang ginagawa mo. Sa pamamagitan nito, hindi lang napapalawak ang kanyang bokabularyo, natutulungan mo rin siyang masanay at maintindihan ang konsepto nito. Ang pagpapalit ng diaper ay hindi lang para malinisan si baby o alisin ang discomfort na dulot ng basang diapers o mabaho niyang dumi. Ito ay perfect na bonding time para sa inyong dalawa at opportunity rin na makausap mo siya at matulungan mong ma-enrich ang kaniyang vocabulary.

3. I-explore ang paligid kasama si baby.

Ipasyal si baby sa labas, halimbawa sa park. Habang naglalakad, subukang pangalanan ang lahat ng iyong nakikita at ipaliwanag ang mga nangyayari sa palikid. Isa rin itong paraan upang mapalawak ang kanyang bokabularyo. At hindi lang ‘yon, pagkakataon narin niyang matutunan ang mga bagay bagay sa kanyang paligid.

Sa totoo lang, hindi ka ginagalit ng iyong baby ‘pag kinakailangan mong pulutin ang tinapon niyang laruan, pacifier or bottle.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga eksperto, kapag itinapon ng isang baby ang kanilang mga laruan, masusing nilang pinagaaralan ang law of gravity! Natututunan nila kung paano gumagana ang mga bagay bagay sa mundong ginagalawan nila sa pamamagitan ng basic physics. Ganoon din upang ma-improve ang kanilang motor skills. 

4. Peek-a-boo

Pasok din sa pamahiin para maging matalino ang bata ay ang paglalaro sa kaniya ng peek-a-boo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang paglalaro ng “Peekaboo” ay hindi lang cute na version ng hide and seek, may mas magandang dulot pa ito kay baby. Maliban sa isa ito sa larong talagang kinagigiliwan ng mga bata ay sa pamamagitan nito ay na-istimulate na ang kaniyang utak.

Kapag nakikipaglaro ng Peekaboo kay baby, itinuturo mo sa kanya ang basic na konsepto ng object permanence. Sa karaniwang pananalita, ito ay ang ideya na ang isang bagay ay patuloy na umiiral kahit na hindi ina-obserbahan sa pamamagitan ng isang tao o ng isang bagay. 

Tumutulong ito sa social development ng iyong anak habang bini-build ang kaniyang gross motor skills. Pinapraktis rin nito ang kaniyang visual tracking skills at pinapaintindi sa kaniya na may mga bagay na nag-eexist parin kahit hindi nakikita ng kaniyang mga mata.

5. Bilangin ang kahit na ano!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagbibilang ng malakas ay katulad ng pagbibigkas ng mga bagong salita, na nakakapagpalawak ng bokabularyo ni baby. Kapag ito ay patuloy na ginagawa sa pamamagitan ng pagbibilang ng iba’t ibang bagay kagaya ng mga laruan, matututunan ng inyong baby ang konsepto ng pagbibilang ng mas maaga. Mainam na exercise ito para sa iyong anak. Dahil sa napaka-mura niyang edad ay naiintroduce mo sa kaniya ang konsepto ng pag-aaral sa parang nai-enjoy niya.  

Hindi mo kailangan ng mahal na vitamins para masigurong lalaking matalino ang iyong anak. Ang iyong presence at oras ng pakikipag-bonding sa kaniya ay malaking bagay para sa overall development niya.

Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Santiago Santa Cruz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement