Misis: "Binobosohan kami ng mother-in-law ko kapag nagtatalik kami ni mister"

Misis: "Binobosohan kami ng mother-in-law ko kapag nagtatalik kami ni mister"

Once or twice by accident is understandable. But for two years. Two. Years!

Isang ina ang nagbahagi ng kanyang istorya sa Reddit na patang mas nakakatakot pa kaysa sa mga horror movies. Ayon sa anonymous na nagpost, may nangyayaring pamboboso sa tuwing sila'y nagtatalik ng kanyang asawa. Ang masama dito, ang naninilip ay walang iba kundi ang kanyang biyenan.

Mga kuwento ng pamboboso ng biyenan

Ayon sa post, bigla biglang pumapasok ng kwarto ang kanyang biyenan sa tuwing silang mag-asawa ay nagtatalik nuong kasama nila ito sa bahay.

pamboboso

Sa totoo, ayon sa nagpost ay tuloy-tuloy itong nangyayari sa unang dalawang taon ng kanilang pagiging mag-asawa.

"Papasok siya ng kwarto at susubukang makipag-usap sa isa sa amin habang sinasabing ituloy ang aming ginagawa," dagdag pa niya.

At kung hindi pa ito weird, maghanda ka dahil magiging mas nakakadiri pa ito.

Bata pa ang mag-asawa nang magsimula ito -- pareho silang 16 taong gulang nang magpakasal. Nag-iipon sila para sa kanilang bahay nang magdesisyon na tumira sa bahay ng nanay ng lalaki.

"Lagi akong kinikilabutan sa kanya, dahil kahit gaano kami katahimik o biglaan ang aming pagtatalik, parang alam niya lagi," kwento pa ng nagpost. "Kumbinsido parin ako na may hidden camera siya sa kwarto ng mister ko kahit wala kaming nahanap [bumukod kami 2 taon nang nakalipas]."

Hanggang ngayon, hindi pa nawawala ang pagiging awkward sa pagitan namin.

"Kinakabahan parin ako tuwing nagtatalik kami, baka bigla siyang pumasok," sulat ng nagpost. "Kahit pa lumayo na kami sa kanya nang ipanganak ang anak namin."

Um, WOW ... tila ambigat nito.

Di makapaniwala ang mga nasa comments section sa kawalan ng boundaries ng biyenan.

 

via GIPHY

"Ano tong nabasa ko?!" comment ng isa. "Sorry, Original Poster! Sobrang kadiri at cringeworthy nun."

"Oh no. Oh no. OH NO," sa isa pang comment.

"What. The. [censored]," dagdag pa ng isa. "Sorry napagdaanan mo iyon. Sobrang kakaiba yun."

Misis:

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, hindi nag-iisa ang OP sa kanyang in-law drama.

via GIPHY

 

"Oh god, ganito rin ang biyenan ko," kwento ng isang nag-comment. "Madalas maingay siya, mabigat ang paa at may ubong hindi nawawala, kaya naririnig namin siya sa paligid, ngunit kapag magtatalik na kami bigla siyang nagiging ninja at papasok nang walang sabi-sabi. At sa pagmamadali namin para takpan ang mga sarili namin tatawa lang siya at sasabihing, 'Huwag kayong mag-alala, nakita ko na lahat yan dati!'"

pamboboso

OH. MY. GOD.

"Yung biyenan ko nakikinig sa mga pintuan dahil naglagay kami ng sliding lock," bahagi pa ng isang nagkomento. "Parang hindi naiintindihan ng buong pamilya niya ang konsepto ng pagkatok."

At kung hindi pa sapat ito, binahagi rin ng parehong tao na nakikinig ang kanyang biyenan sa pag-uusap nilang mag-asawa.

pamboboso

"Nalaman niyang buntis ako dahil nakikinig siya sa may pinto nang kausap ko nanay ko sa telepono," kwento niya. "Pinapakinggan niya ang lahat na nagtatalik, at nagawa nang pumasok sa lahat sa ilang mga punto. Buti nalang bumukod na kami 4 na taong nakalipas."

Tingin ko ay sang-ayon ang lahat na ang ganitong scenario ay kailangan ng seryosong pag-uusap tungkol sa boundaries -- o kahit magandang lock sa pinto. Maaaring huli na para sa nag-post, na nagsabing humiwalay na sila sa kanyang biyenan. Sana, ang mga nasa ganitong kalagayan ay magsalita nasa lalong madaling panahon.

Ang article na ito ay unang na-publish sa CafeMom at na-republish sa theAsianparent nang may pahintulot.

Basahin: Sikreto ni Misis: Tuwing nasa abroad si Mister, nakikipag-sex ako sa iba

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner