Matapos ang isang sunog sa isang residential area sa Alabang, Muntinlupa, ay makikitang tumagilid ang isang tore ng National Grid Corporation of the Philipines (NGCP), dahilan upang pansamantalang mag-evacuate ang mga pamilyang nakatira sa ilalim ng gusali.
Nanggaling ang sunog sa isang bahay sa ilalim ng tore
Ayon sa ulat, ang sunog ay nanggaling sa isa sa mga bahay sa ilalim ng tore ng NGCP, dahil dito nanghina ang suporta ng tore at makikitang tumagilid ito dahil sa nangyari. Mahigit 80 pamilya ang apektado dahil sa sunog, at kasalukuyan sila ngayong nasa evacuation center.
Kasalukuyan pa ding iniimbestigahan ang tunay na sanhi ng sunog. Wala namang namatay dahil sa sunog, at hindi nagkaroon ng power interruption.
Binabawalan na ang mga nakatirang bumalik
Dahil sa lubhang mapanganib ang tumira sa ilalim ng tore ng NGCP, pinagbawalan ang mga residente na bumalik sa kani-kanilang mga tirahan.
Dahil dito, umaalma ang mga residente na dapat ay bigyan sila ng libreng pabahay dahil wala silang ibang lugar na malilipatan. Anila, kung wala silang lugar na malilipatan, mapipilitan silang bumalik sa kanilang tirahan sa ilalim ng tore, kahit na mahigpit na ipinagbabawal ang tumira sa ilalim ng tore.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng assessment ang LGU ng Muntinlupa upang makahanap ng lugar na malilipatan o di kaya’y bigyan ng pera ang mga pamilya upang sila ay makabalik sa kanilang mga probinsya.
Ang tore naman ay kasalukuyang inaayos, at aabutin daw ng 3 araw bago ito maibalik sa dati.
Source: philstar.com, news.abs-cbn.com
READ: Authorities made a grisly discovery in an abandoned house in Quiapo
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!