Kadalasan sa edad na 30 hanggang 40 simulang mapapansin ang paglapad ng noo ng mga kalalakihan dahil nalalagas na ang kanilang mga buhok hanggang sa permanente nang makalbo. Kamakailan lang ay napansin ko ang isang komedyanteng napapanot na. Nabanggit din niya ito sa kaniyang palabas. Sinabi niyang hindi trahedya ang dahilan ng pagkaubos ng kaniyang buhok kundi ang isang malaking pagbabago sa kaniyang buhay: ang pagpapakasal!
Ito ang kaniyang naging punchline na lubos na tinawanan ng kaniyang mga manonood.
Pero sa ilang mga lalaki, hindi ito nakakatawa. Itinuturing nila, lalo ng mga tumatanda, na hindi magandang biro ang pagkapanot. Sa katunayan, ilang kalalakihan ang kinatatakutan ang mabilis na pagkalagas ng kanilang buhok.
Kung ang mga babae ay nag-aalala sa pagkulubot ng kanilang mga balat, ang mga lalaki naman ang ikinababahala ang pagnipis ng buhok—na parehong epekto ng pagtanda. Ngunit ang huli ay maaaring namana o di kaya’y dahil din sa stress at anxiety. Bagamat may ilang babaeng nakararanas ng pagnipis ng buhok, mas itinuturing itong problema ng mga kalakihan.
Tingnan ang sinasabi ng statistics:
- Ang mga lalaki ay mas makararanas ng paglalagas ng buhok kaysa sa mga babae. Sa katunayan, nagsisimula ng 10 taong mas maaga sa mga lalaki kaysa sa kababaihan.
- Ang higit ng dami ng buhok ng lalaki kaysa sa babae ay umaabot sa 15%
- 50% ng mga lalaki ang nakararanas ng paglalagas ng buhok kapag dumarating na sa edad na 50.
Para maiwasan ang pagnipis ng buhok ng mga kalalakihan, kailangang alamin ang mga sumusunod:
Ano ang dahilan ng pagnipis ng buhok ng mga kalalakihan?
Madalas ang pagkapanot ay nakaaapekto sa 80% ng kalalakihang nasa edad na 80. Ito ay may psychosocial na epekto sa kanila sa pamamagitan ng pagbabago ng pagtingin nila sa kanilang sarili at sa ibang mga tao.
Sa Pilipinas, katulad ng ibang bansa sa Asia, pangkaraniwan ang pagkalagas o pagkapanot. Umaabot sa 18% ng mga lalaking nasa edad na 20 hanggang 40 ang nakararanas ng matinding pagkalagas ng mga buhok.
Ang paglagas ng buhok ng mga kalalakihan ay may dalawang dahilan. Una, ang araw-araw na pag-i-style nito, na madalas nakaaapekto sa tibay ng buhok. Ang isang dahilan naman ay ang genetics o pagkamana nito (madalas sa side ng ina). Mas malaki ang posibilidad na ang pagkalagas ng mga buhok ay dahil sa genes.
Ayon sa Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD), 50 porsyento ng Pinoy na kalalakihan ang nakararanas ng pagnipis ng buhok dahil sa genetics, na nagsisimula sa edad na 40.
Ang Androgenic Alopecia ay pinakakaraniwang uri ng matinding pagnipis ng buhok ng mga kalalakihan at kababaihan sa buong mundo. Dahil sa genetic predisposition, binabago ng Androgenic Alopecia ang testosterone sa secondary compound na tinatawag na DHT, na umaatake sa hair follicles. Ang bawat buhok ay nakakabit sa tinatawag na follicle. Sa tuwing malalagas ang buhok, ang follicle ay lumiliit, na minsan ay nagpapahinto sa muling pagtubo ng buhok.
Ang pagnipis ng buhok at pagtaas ng tinatawag na hairline ay maaaring magresulta sa psychosocial side effects sa mga lalaki. Ang pagkapanot ay maaaring makabawas sa magandang katangian nila. Maari rin itong maging dahilan ng pagbaba ng kanilang tiwala sa sarili.
Siyempre, ayaw mo namang maramdaman ito ng inyong mister. Kaya ano ang inyong dapat gawin?
Narito ang ilang paraang para maiwasan ito:
Men are from Mars…
Madalas na ginagamit sa mga bahay ang shampoo. Kung ang inyong mister ay gumagamit ng shampoo para sa mga lalaki, hindi ito makakatulong para ma-condition ito. Ang dahilan? Karamihan ng shampoo para sa mga lalaki ay para sa pagpigil ng dandruff, na karaniwang problema rin ng mga lalaki sa kanilang buhok.
Sa katunayan, ang uri ng shampoo na kailangan ng mga lalaki ay ‘yong makapagpipigil ng paglalagas ng buhok, na maaaring mauwi sa pagkapanot. Kung pareho ang uri ng shampoo na ginagamit ninyo ng iyong mister, hindi ito makatutulong para maiwasan ang paglapad ng kaniyang noo.
Ang kailangan mo ay ITO
Ang kailangan para muling kumapal ang buhok ng iyong mister ay shampoo na makapagpipigil ng pagnipis nito.
Kailangan mo ng Dove Men+Care Strengthening Shampoo para sa iyong mister.
Ang shampoo na ito ay ginawa para sa mga lalaki. Ang Dove Men+Care Strengthening Shampoo ay may caffeine at Trichazole Actives para maging mas matibay ang buhok ng higit pa sa limang beses. Mababawasan din ang pagkalagas ng buhok (na bunga ng bagkasira nito, kumpara sa hindi na-treat na buhok).
Ang shampoo na ito ay formulated base sa siyentipikong pagsusuri sa buhok at anit ng mga lalaki na ibang-iba sa mga babae.
Halimbawa, ang shampoo na ito ay epektibo:
- Sa pag-coat mula roots hanggang tips ng nourishing formulation para mas maging matibay ito.
- Pinatitibay nito ang bawat hibla ng buhok para hindi maantala ang natural na pagtubo nito, na kadalasan bunga ng mabilis na pagkasira ng buhok.
- Mas mapabubuti ang pagtubo ng hair follicles dahil sa caffeine content ng shampoo.
Ang shampoo na ito ay scientifically proven na makapagpapatibay ng buhok ng mga lalaki ng higit pa sa limang beses, at nababawasan ang pagkalagas ng nito dahil sa pagkasira.
Ngayon na alam mo na ang mga dahilan ng pagnipis ng buhok ng mga lalaki, maiiwasan mo na ito sa pamamagitan ng pagpalit ng shampoo katulad ng Dove Men+Care Strengthening Shampoo. Hindi lamang nito mababawasan ang pagkalagas ng buhok, makakadagdag din ito sa tiwala sa sarili ng mga lalaki. Sino ba ang may ayaw sa mga lalaking malaki ang tiwala sa sarili?
Tulungan ang inyong mister na pigilan ang pagnipis ng kanilang mga buhok gamit ang Dove Men+Care. Tingnan ang Dove Men+Care sa LAZADA.
References:
- www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5308812/
- www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/hair-loss/news/20050527/blame-male-pattern-baldness-on-mom
*Isinalin mula sa wikang Ingles
https://ph.theasianparent.com/how-to-stop-hair-fall-for-men