Kamusta ang paglaki ng iyong baby? Oras na ba para sa 2-month well-baby check-up? Maaaring marami kang tanong tungkol sa kalusugan ng iyong bagong silang, at huwag mag alinlangan!
Talaan ng Nilalaman
Check up sa doktor ni baby sa kaniyang ika-2 buwan
Sa pagbisita sa doktor, mas mabuti kung maghanda ng mga katanungang iyong nais itanong at malaman patungkol kay baby. Maaaring tungkol sa pagpapabuti ng kalusugan nu baby at kung paano maiiwas sa si baby sa sakit.
Narito ang ilan sa mga concerns na maaari nais mong malaman mula sa iyong pediatrician:
1. Pagkain.
Maaaring tumatagal na sa pagkain ang iyong baby ngayon, ngunit may mga pagkakataon na gusto pa nilang kumain. Karamihan ng mga baby sa ganitong edad ay dumedede ng walong beses sa isang araw o umiinom ng 26-28 ounces (780-840 ml) ng formula sa isang araw.
2. Pagtulog.
Sa umaga ay madalas na mas aktibo at gising ng mas mahaba ang iyong baby, at mas natutulog naman sa gabi.
Ang mga baby na pinapadede ng ina ay nakakatulong ng 4 hanggang 5 oras sa gabi, habang ang formula-fed babies ay nakakatulog ng 5 hanggang 6 na oras. Kadalasan silang gising sa madaling araw upang kumain.
3. Ang pag-ihi at pagdumi ay dalawa sa karaniwang ginagawa din ng baby.
Ang mga basang diapers ay dapat palitan ilang beses sa isang araw, at dapat namang iwasan ang mga diapers na nadumihan. Malambot at mamasa-masa ang dumi ng breastfed babies, samantalang mas matigas ng kaunti ang dumi ng mga formula-fed babies.
4. Paglaki/Pag-unlad. Sa edad na dalawang-buwan, ang iyong anak ay dapat na:
- Nakakapag-concentrate at nakakakita ng mga mukha at gamit mula sa isang bahagi papunta sa isa pang bahagi
- Makakilala ng mukha at boses ng kanyang magulang
- Ngumisi kapag sila ay kinakausap, nilalaro, o nginingitian
- Naitataas ang kanilang ulo kapag nakadapa
- Nakakarinig ng tunog
- Hinahawakan ang laruan na inilagay sa kanyang kamay
Baby’s growth chart
Ang pagsukat sa isang sanggol ang unang hakbang sa well-baby exam. Kung saan kailangan tanggalin ang suot nito upang maitimbang sa isang infant scale.
Ang haba naman ng isang sanggol ay nalalaman sa pamamagitan ng paglagay nito sa ibabaw ng isang lamesa at iunat ang mga binti nito. Ang sukat naman ng ulo ng bata ay sinusukat sa pamamagitan ng isang special tape.
Upang malaman ang growth curve ng iyong baby, ang mga sukat ay nilalagay sa isang growth chart. Makikita dito kung ang iyong baby ay lumalaki ng normal at kung oaano ang pag-unlad nito kumpara sa mga ka-edad nito.
Head-to-toe physical exam
Sa pagpapakonsulta sa doktor ay nagkakaroon ng isang pangkabuohang pagsusuri. Kung saan maaari mong sabihin ang iyong mga alalahanin o mga bahagi ng katawan na nais mong masuri.
Tulad na lamang ng pagsusuri sa mata o paningin, pakikinig sa pagtibok ng puso o sa pulso ng bata, pagtatasa sa bewang, at pag-oobserba sa galaw ng sanggol ay ilan sa mga bahagi ng prosesong ito.
Panghuli, susuriin ng doktor ang mga resulta ng hospital screening, at kung kinakailangan ay uulitin ito.
Pampalakas ng resistensya ni baby
Sa ikalawang buwan ng sanggol, magbibigay ang doktor ng mga bakuna upang mapalakas ang immune system ni baby. Ito ay kinabibilangan ng:
- DTaP (diphtheria, tetanus, acellular pertussis)
- Hib (haemophilus influenzae type b)
- IPV (polio vaccine) • PCV (pneumococcal conjugate vaccine)
- HBV (hepatitis B)
- RV (rotavirus)
Tandaan na ang mga bakunang ito ay makasisisgurong ligtas, at kinakailangan ito upang upang makaiwas sa iba’t ibang uri ng banta sa kalusugan tulad ng pertussis at whooping cough.
Ang bakuna ay kinakailangang palaging updated o bago. Nakakatulong ito sa mga baby na malayo sa malalang sakit, kaya’t siguraduhing makukuha ito ng sanggol sa tamang panahon. Ang mga bakuna ay nagkakaiba dependa sa opisina, kaya’t dapat ay makipag-ugnayan muna sa doktor.
STUDY: Resistensiya ng sanggol ay mas matibay sa matanda
Kung ikukumpara sa matanda, ang resistensya ng isang bata ay sinsabing mahina at wala pa sa gulang, ngunit hindi naman ito ganap na tama. Isang pag-aaral ang kino-contradict ito.
Ayon sa mga natuklasan sa pag-aaral, immune system ng isang bagong silang na sanggol ay di hamak na mas malakas sa inaakala ng karamihan, at tinatalo nito ang resistensya ng isa ng taong nasa wastong edad sa pakikipaglaban sa mga bagong sakit.
Ayon kay Dr. Donna Farber, PhD, propesor ng microbiology at immunology, at George H. Humphreys II Professor of Surgical Sciences sa Columbia University Vagelos College of Physicians and Surgeons, ang immune system ng isang sanggol ay matatag, mabisa, at maaaring matanggal ang pathogens in early life.
Ayon sa kanila,
“In some ways, it may be even better than the adult immune system, since it’s designed to respond to a multitude of new pathogens.”
Home remedies pampalakas ng resistensya ni baby
Narito ang lima sa pinakamabisang immune booster para sa mga babies sa kanilang unang taon
1. Brown Rice
Ito ay nutrient-dense grains na mataas sa minerals magnesium (a macromineral-you Need a lot of it), at selenium selenium (a micromineral You don’t need a lot of it),na nakakapagpalakas ng immune system laban sa mga viral infections.
2. Yogurt
Ang probiotics ay mga mabuting bacteria na natatagpuan sa yogurt. Ito ay mga organism na tumitira sa iyong tiyan at tumutulong upang magamit ang sustansya ng pagkain sa iyong katawan nang mas maayos.
Ito ay isa samga esensyal na tumutulong sa katawang na gumaling mula sa isang sakit. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga bat ana umiinom ng yogurt ay mayroong 19% lower incidence ng sipon, impeksyon sa tenga, at strep throat.
3. Walnuts
Ang walnuts ay mataas sa omega-3 fatty acids, kung saan nakakabuti sa kalusugan sa maraming paraan. Ayon sa mga eksperto, ang omega-3 fatty acids ay tumutulong sa katawan upang labanan ang sakit.
Tumutulong ang Omega-3 sa pagpapababa ng numero ng sakit sa baga sa mga bata. Ang walnuts ay maaaring idagdag sa isang meyenda o cereal.
4. Lean meat
Ang lean meat ay mayroong protein na esesyal sapagpapalakas ng katawan. Mayroon din itong zinc na tumutulong sa mga white blood cells na labanan ang mga impeksyon.
5. Fruits and vegetables
Ang mga citrus fruits, strawberries, bell, peppers, broccoli, at kamote ay sagana sa sa Vitamin C at nakakapagpalakas ng immune system.
Sikreto para mapanatiling healthy si baby
Huwag mahiyang magtanong sa mga doktor sa mga bagay na nais mong malaman! I-consider mo ang pagsusulat ng questions ahead of time para hindi mo ito makalimutan.
Kung ikaw ay hindi masasamahan ng iyong asawa sa mga check ng inyong baby. Magandang humingi ng tulong sa inyong kamag-anak o kaya naman kaibigan para samahan ka.
Tandaan na lagi ring isipin ang personal health mo. Dapat malusog ka rin. I-describe mo ang pakiramdam mo, kung ikaw ba’y depress, stress, o nakakaramadamn ng sobrang pagod. Maaari mo rin itong sabihin sa doktor ng iyong baby at i-assist ka rin niya.
Tips kung paano maiiwasan ang pagkakasakit ni baby
Narito ang ilan sa mga paraan upang mapanatiling malusog ang isang sanggol at mailayo sa sakit ang iyong baby.
1. Maghugas palagi ng kamay
Ang paghawak o paghaplos ang isa sa mga kadalasang dahilan ng pagkahawa ng mga sakit. Kaya naman, dapat maghugas palagi ng kamay bago buhatin ang sanggol o maghanda ng pagkain nito.
Ganoon din pagtapos magpalit ng diaper, matapos magpunta sa comfort room, o pagpasok sa loob ng bahay ng mga taong nais humawak sa sanggol ay kinakailangang maghugas ng kamay.
2. Laging magdala ng hand sanitizer
Nirerekomenda man ang paggamit ng sabon at tubig bilang pamatay ng mga germs, epektibo rin ang paggamit ng alcohol-based sanitizers.
Kapag ikaw ay nasa labas ng bahay, ugaliing magdala ng hand sanitizer. Kung sakaling may gustong humawak sa iyong baby, hingin na kailangan muna nilang mag-hand sanitizer upang mapanatili ang kaligtasan ng iyong anak. Kinakailangan na ikuskos ng maigi ang hand-sanitizer sa loob ng 15-20 segundo upang masiguro ang epekto nito.
3. Umiwas sa mga mataong lugar
Umiwas sa mga malalaking salo-salo at mga mataong lugar tulad ng mall lalo na kung masyado pang bata ang iyong sanggol. Maaari nang dalhin ito samga ganitong lugar kung ang iyong anak ay nasa tatlong-buwang gulang na.
4. Piliin ang iyong mga bisita
Madalas nakakalimutan kung gaano kadaling kapitan ng germs ang isang sanggol. Hindi masamang abisuhan ang mga bisita na kung sila ay masakit, ay manatili na lamang sa kanilang mga tahanan. At kapag sila ay nasa mas mabuting kalusugan ay maaari naman silang dumalaw.
Sabihin ang utos ng doktor kung sakaling natatakot ka na hindi mo mapipigilan ang isang kamag-anak sa paghalik sa pisngi ng iyong baby.
“Our pediatrician ordered that no one should kiss him on the cheeks because he might get sick.”
Kung nais ang English version ng article na ito, i-click dito!
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.