Mga Produktong Makakatulong Sa Pagpapaputi Ng Tuhod At Siko

Naghahanap ng mga produktong pampaputi ng tuhod at siko? Tignan ang aming recommended brands na dapat mong isama sa iyong skin care routine!

Problema mo ba ay maitim na tuhod at siko? Maraming dahilan kung bakit umiitim ang mga parteng ito ng katawan. Ngunit hindi dapat mawalan ng pag-asa sa pagpapaputi ng tuhod at siko dahil may mga produktong maaaring magbigay solusyon sa problemang ito.

May good news kami sa iyo! Naglista kami ng mga produktong pampaputi ng tuhod at siko kaya naman hindi na kailangan pang gumastos ng malaki para sa anumang treatment gaya ng laser at body peel.

Excited ka na ba kayong malaman kung anu-ano ang aming recommended products? Bago 'yan, alamin muna ang sanhi ng pag-itim ng tuhod at siko.

Sanhi ng pag-itim ng tuhod at siko

Nagtataka ka ba kung bakit umiitim ang iyong tuhod at siko? Narito ang ilan sa mga dahilan:

Pampaputi Ng Tuhod At Siko Na Swak Sa Budget At Mabibili Online

  1. Pagkakaroon ng dry skin: Prone ang balat sa siko at tuhod sa dry skin. Kadalasan kasi ay hindi ito nabibigyan ng sapat na pag-aalaga lalo na kapag naglalagay ng lotion at cream sa buong katawan. At ang pagkakaroon ng dry skin ay nagiging sanhi rin ng skin discoloration.
  2. Friction: Madalas na nakakaranas ng friction o pressure ang tuhod at siko, gaya na lamang ng pagluhod at  pagtukod ng siko sa desk. Ito ay maaari ring magdulot ng pangingitim ng balat.
  3. Hyperpigmentation: Ang mas maraming melanin production sa katawan, partikular sa siko at tuhod ang nagdudulot ng pangingitim.
  4. Kasuotan: Maaari ring magdulot ng pangingitim ng siko at tuhod ang mga damit na sinusuot. Halimbawa na lamang ay ang mga long sleeves na may magaspang na tela at maong na pantalon.

Ilan lamang ito sa mga dahilan ng pangingitim ng tuhod at siko. Maaari ring maging sanhi ang sun exposure, obesity at ibang health concerns. Kung nais makasigurado, makabubuting kumonsulta sa isang Dermatologist upang maexamine ang iyong kalagayan.

Mga Produktong Pampaputi ng Tuhod at Siko

Pampaputi ng tuhod at siko
Belo Essentials Smoothening Whitening Body Bar
Best Whitening Soap
Buy Now
Gluta-C Kojic Plus+ Shower Salt Scrub
Best Whitening Scrub
Buy Now
Simply HUE Whitening Serum
Best Whitening Serum
Buy Now
Morrison Elbow and Knee Whitening Lotion
Best Lotion for Elbow and Knee
Buy Now
Vaseline Daily Protection & Brightening Serum Lotion
Best Lotion with SPF
Buy Now
Vaseline Petroleum Jelly
Best Skin Moisturizer
Buy Now

Belo Essentials Smoothening Whitening Body Bar

Best Whitening Soap

Pampaputi Ng Tuhod At Siko Na Swak Sa Budget At Mabibili Online | Belo

Malaking tulong sa pagpapaputi ng tuhod at siko ang sabong pampaputi. At ang best choice na maaari mong mabili online ay ang Belo Essential Smoothening Whitening Body Bar. Ito ay nagtataglay ng Alpha Arbutin na epektibo sa pagpapaputi ng mga dark spots at blemishes.

Karagdagan, ito rin ay may Salicylic acid at Jojoba beads na may kakayahan mag exfoliate ng balat upang matanggal ang dead skin cells. Nakakapagpakalma rin ito ng irritated skin at nag-iiwan ng malambot at moisturized na balat dahil sa Glycerin.

Higit pa riyan ay may hypoallergenic formulation din ang produktong ito at Dermatologist-tested pa.

Features we love:

  • Nakakapagpaputi ng balat.
  • Nakakatanggal ng dead skin cells.
  • Hypoallergenic.

Gluta-C Kojic Plus+ Shower Salt Scrub

Best Whitening Scrub

Pampaputi Ng Tuhod At Siko Na Swak Sa Budget At Mabibili Online | Gluta-C

Mapapadali rin ang pagpapaputi ng tuhod at siko kung ito ay ineexfoliate. Kaya naman kung nais mong gumamit ng natural body scrub na may whitening effect, check out Gluta-C Salt Scrub. Bukod sa nakakapagpaputi ito ng balat ay nakakatulong din ito sa pagtanggal ng dry at scaly skin.

Ito ay dahil sa naglalaman ito ng kombinasyon ng Glutathione, Vitamin C, Kojic Acid at Azeloyl Diglycinate na 4x nakakapagpaputi. Nag-iiwan din ito ng makinis at malambot na balat at nakakatulong upang ito ay maging healthy at glowing.

Wala rin itong halong Hydroquinone at Paraben na maaaring makairita sa balat at magdulot ng iba pang health concerns.

Features we love:

  • 4x Whitening effect.
  • Naglalaman ng natural salt.
  • Suitable sa lahat ng skin types.

Simply HUE Whitening Serum

Best Whitening Serum

Pampaputi Ng Tuhod At Siko Na Swak Sa Budget At Mabibili Online | Simply Hue

Magandang gumamit ng mga whitening serums lalo na kung targeted area lamang ang nais paputiin gaya ng siko at tuhod. At isa sa mga brands na trusted ng marami ay ang Simply Hue Whitening Serum. Ginawa ito bilang pampaputi ng bikini area at inner thighs na mas delicate kumpara sa ibang parte ng katawan.

Sa kabilang banda, safe rin itong gamitin sa iy0ng siko at tuhod bilang pampaputi. Mayroon itong powerful brightening formulation dahil sa kombinasyon ng Niacinamide, Vitamin C, Alpha Arbutin at Carica Papaya extract. Naglalaman din ito ng iba pang skin-friendly ingredients na nag-iiwan naman ng soothed, nourished, hydrated, moisturized at revitalized skin.

Features we love:

  • Multifunctional whitening serum.
  • Skin-friendly ingredients.
  • Hydrates skin.

Morrison Elbow and Knee Whitening Lotion

Best Lotion for Elbow and Knee

Pampaputi Ng Tuhod At Siko Na Swak Sa Budget At Mabibili Online | Morrison

Kung ang hanap mo naman ay lotion na intended for knee and elbow whitening, perfect ang Morrison Elbow and Knee lotion for you! Ito ay may espesyal na formulation ng microwhyte mositure na may peeling power na nakakapag reveal ng mas maputi at malambot na balat.

Ang kagandahan pa sa lotion na ito ay hinaluan din ito ng collagen upang mas maging firm ang balat na nakakatulong maiwasan ang mabilis na pagtanda ng balat. Wala rin itong halong strong substances na maaaring magdulot ng skin concerns.

Higit na magugustuhan mo ito dahil non-greasy rin ang formulation ito kaya't komportable itong gamitin.

Features we love:

  • Mayroong microwhyte moisture at collagen.
  • Peeling effect.
  • Hypoallergenic at non-greasy.

Vaseline Daily Protection & Brightening Serum Lotion

Best Lotion with SPF

Pampaputi Ng Tuhod At Siko Na Swak Sa Budget At Mabibili Online | Vaseline

Ang exposure sa araw ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pag-itim ng balat. Kaya naman magandang gumamit ng lotion na nagtataglay ng UVA/UVB protection gaya ng Vaseline Daily Protection and Brightening Serum Lotion. Naglalaman kasi ito ng SPF50 at mineral sunscreen

Bukod sa proteksyon mula sa UV rays ay nakakapagpaputi rin ito ng balat. Ang produktong ito kasi ay may Niacinamide, Vitamin C at E na nakakatulong sa pagpapalabas ng natural radiance ng skin. At sa loob lamang ng 7 days na paggamit nito ay makakakita ka na ng improvement sa kulay ng iyong balat.

Higit pa riyan, hindi katulad ng ibang sunscreen lotion, ito ay may fast-absorbing at non-sticky formulation.

Features we love:

  • Whitening lotion with SPF.
  • UVA/UVB, blue light and pollution protection.
  • Fast-absorbing at non-sticky.

Vaseline Petroleum Jelly

Best Skin Moisturizer

Pampaputi Ng Tuhod At Siko Na Swak Sa Budget At Mabibili Online | Vaseline Petroleum Jelly

Mahalaga rin na mabigyan ng sapat na moisture ang tuhod at siko dahil prone ito sa pagkakaroon ng makapal at magaspang na balat na nagiging sanhi ng pag-itim. At ang affordable at epektibong skin moisturizer na ligtas gamitin ay ang Vaseline Petroleum Jelly. Subok na ang produktong ito sa mahabang panahon at kilala sa buong mundo bilang moisturizer at protectant.

Maaari mo itong isama sa iyong night care routine upang mabigyan ng overnight moisture at hydration ang balat. Tiyak na lalambot ang iyong siko at tuhod sa consistent na paggamit nito at mas mapapadali ang pagpapaputi.

Features we love:

  • Trusted product all over the world.
  • Skin moisturizer and protectant.

Price Summary

Brands Pack size Price
Belo 90 g X 3 Php 164.00
Gluta-C 250 g Php 165.00
Simply Hue 30 ml Php 299.00
Morrison 50 ml X 2 Php 315.00
Vaseline Lotion 300 ml Php 704.00
Vaseline Petroleum Jelly 100 ml Php 147.00

Tips para paputiin ang tuhod at siko

Upang mapaputi ang tuhod at siko, narito ang ilan sa mga tips na maaari mong sundin:

Pampaputi Ng Tuhod At Siko Na Swak Sa Budget At Mabibili Online

  • Banayad na linisin ang siko at tuhod tuwing naliligo.
  • Gumamit ng sabon o body wash na may whitening ingredients.
  • Iexfoliate ang siko at tuhod isang beses sa isang linggo upang maiwasan ang pagkakaroon ng dead skin.
  • Huwag kalimutang i-moisturize ang balat sa pamamagitan ng paggamit ng lotion o di kaya ay moisturizer para maiwasan ang pagkakaroon ng dry skin.
  • Gumamit ng sun screen sa buong katawan.
  • Iwasan ang pagsusuot ng mga damit na may matigas na tela.

Ilan lamang ito sa mga tips na makakatulong sa iyong problema sa maitim na tuhod at siko. Maaari ring bumuo ng skin care routine para sa mga bahaging ito ng katawan at gamitin ang mga produktong aming inirekomenda.