Mga Produktong Maaaring Makapagdala Ng Swerte Sa Bagong Taon

Kasama na sa tradisyong Pinoy ang paggamit ng pampaswerte sa bagong taon. Anu-ano nga bang mga produkto ang maaaring makapagdala ng swerte?

Ilang araw na lamang ang bibilangin at sasalubungin na natin ang taong 2024. Lahat tayo ay naghahangad ng masaya at masaganang bagong taon na ating kakaharapin. Kaya naman nakasama na sa tradisyong Pinoy ang paggamit ng iba’t ibang pampaswerte sa bagong taon.

Plano mo rin bang gumamit ng mga ito sa darating na new year? Patuloy na magbasa at alamin ang iba’t ibang pampaswerte sa bagong taon na maaari mong mabili online!

Iba’t ibang pampaswerte sa bagong taon

Pampaswerte sa bagong taon
Lucky Wind Chime
Buy Now
Piyao Lucky Bracelet
Buy Now
Maneki-Neko Lucky Waving Cat
Buy Now
Maneki-Neko Lucky Cat Sticker
Buy Now
Prosperity Bowl
Buy Now
Money Tree
Buy Now

Lucky Wind Chime

Pampaswerte Sa Bagong Taon 2024: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Wind Chime

Pinaniniwalaang ang mga wind chimes ay may dalang swerte kapag nilagay sa pinto ng ating tahanan. Binubuo ito ng mga metal pieces na nakatali sa pisi kaya’t kapag hinangin at nagbanggaan ay makakabuo ng kaaya-ayang tunog. Ayon sa mga Feng Shui experts, ang tunog nito ay may kakayahang magtaboy ng negative energy o bad luck.

Sa kabilang banda, good luck magnet din ito at nakakaattract ng good fortune, kasaganahan at pagbubukas ng iba’t ibang oportunidad sa buhay.

Piyao Lucky Bracelet

Pampaswerte Sa Bagong Taon 2024: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Piyao Bracelet

Mahilig ka ba magsuot ng accessories? Magandang idagdag ang Piyao bracelet sa mga accessories na sinusuot mo araw-araw. Ang lucky bracelet na ito ay binubuo ng iba’t ibang stones at golden Pixiu na isang Feng Shui celestial animal na may ulo ng dragon, katawan ng kabayo at paa ng Chi Lin.

Ayon sa paniniwala, ang pagsusuot ng Piyao bracelet sa kaliwang kamay ay maaaring makapagdala ng swerte. Nakakapag attract ito ng positive energy at pera kaya naman magpahanggang ngayon ay tinatangkilik ng marami ang produktong ito. Bukod diyan, napaka fashionable rin ng bracelet na ito dahil maaari kang pumili ng mga stones na akma sa iyong birth month.

Kung nais mo namang gumamit ng mga bagay na nakaayon sa color of the year this 2024, available rin ang Piyao bracelet sa peach na kulay.

Maneki-Neko Lucky Waving Cat

Pampaswerte Sa Bagong Taon 2024: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Lucky Waving Cat

Ang Maneki Neko ay isang Japanese cat figurine. Nakapormang kumakaway ito na tila ba nag aattract o nagtatawag ng swerte. At dahil sa figure na ito, nakakapagdulot daw ito ng magandang epekto sa iba’t ibang aspeto ng buhay lalo na sa pera at negosyo. Kadalasan itong idinidisplay sa sala ng bahay o harap ng tindahan o opisina kung nagnenegosyo.

Nakakaaliw din pagmasdan ang lucky waving cat na ito dahil ito ay tuloy-tuloy sa pagkaway. Hindi na kailangan pang gamitan ng battery dahil ito ay may solar panel na siyang nagpapaandar sa kamay ng pusa.

Maneki-Neko Lucky Cat Sticker

Pampaswerte Sa Bagong Taon 2024: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Maneki Neko

Mayroon ding sticker form ang Maneki Neko na gold plated. Maaari itong ilagay sa loob ng wallet, bag o cellphone upang ito’y madala kahit saan. Sinasabing kapag palagi itong dala-dala ay makakatulong ito sa pagtaboy ng negative energy. Bukod pa riyan, gaya ng Maneki Neko figurine, nakakatulong din ito sa pag attract ng pera at swerte sa negosyo.

Ideal din itong ipamigay sa kapamilya o mga kaibigan dahil maaari itong bilhin ng marami upang mas makamura.

Prosperity Bowl

Pampaswerte Sa Bagong Taon 2024: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Prosperity Bowl

Nakagawian na rin ng nakararami sa atin ang paghahanda ng prosperity bowl tuwing bagong taon. Kadalasan itong nilalagyan ng bigas, itlog, pera, prutas, tsokolate at angpao. Ayon sa mga Feng Shui experts, ang prosperity bowl ay sumisimbolo at nakakaattract ng wealth, abundance at happiness.

Maaari itong gawing sa isang malaking transparent bowl, ngunit may mabibili ring prosperity bowl na coated ng gold color na pinaniniwalaang mas makakatulong sa pag attract ng swerte. Gawa ito sa brass kaya naman siguradong matibay at dekalidad.

Money Tree

Pampaswerte Sa Bagong Taon 2024: Mga Produktong Maaaring Gamitin | Money Tree

Kasama rin sa tradisyon ng mga Chinese ang pagdidisplay ng money tree sa kanilang tahanan, tindahan o opisina. May kakayahan daw kasing makapagpapasok ng swerte, mas marami pera at mas maraming kita ang money tree dahil ito ay sumisimbolo sa wealth at abundance.

Kaya naman kung nais mo ring maglagay ng money tree sa inyong tahanan, magandang choice ang money tree na ito na gawa sa resin at crystal stones. Maaaring piliin ang kulay ng stones dahil available ito sa blue, green, pink, yellow at multicolor choices.

Price Summary

Products Price
Wind Chime Php 149.00
Piyao Php 230.00
Lucky Cat Sticker Php 95.00 – Php 250.00
Prosperity Bowl Php 199.00 – Php 449.00
Money Tree Php 220.00 – Php 436.00
Lucky Waving Cat Php 185.00

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

Tandaan, wala namang masama sa paniniwala sa mga pampaswerte. Sa kabilang banda, kinakailangang samahan ito ng dasal, sipag at tiyaga upang maging masagana at makamit ang buhay na inaasam.

Masagana at ligtas na bagong taon para sa inyong lahat, parents!

Sinulat ni

Teresa Alcantara