Hindi maikakaila na may mabuting naidudulot ang mga children’s shows sa mga bata. Maraming natututunan na mabuting aral at natututo rin ng mabuting asal ang mga bata mula sa mga shows na ito. Ngunit sinong mag-aakala na ang children’s show ay puwede ding gawing pampatulog ng bata?
Ito raw ang bagong proyekto ni Andrew Davenport, ang gumawa ng sikat na children’s show na “Teletubbies.”
Children’s show, puwede palang pampatulog ng bata!
Si Andrew Davenport ay isang producer, writer, aktor at puppeteer na marami nang nagawang sikat na children’s shows, kasama na ang Teletubbies.
Ngayon, may pinaplanong palabas si Andrew na makakatulong hindi lang sa mga bata, kundi pati na din sa mga magulang. Ito ay dahil ang bago niyang palabas na “Moon and Me,” ay naglalayong magpakalma sa mga bata, at gawing padaliin ang pagpapatulog sa kanila.
Gagamit daw ito ng mga puppet at stop-motion animation
Ang Moon and Me daw ay tungkol sa isang laruan na si “Peppianna” ang kaniyang limang kaibigan, at ang kanilang magiging mga adventures.
Ayon kay Andrew, nakipagugnayan pa daw siya sa mga psychologist upang makagawa ng magandang palabas. Pinag-aralan din daw niya kung paano maglaro ang mga bata upang makagawa ng palabas na magugustuhan ng mga bata.
Ginawa daw niya ang palabas upang mapakalma ang mga bata at para mapadali sa mga magulang ang pagpapatulog sa kanilang mga anak. Isasama daw itong ipalabas sa tinatawag na “Bedtime Hour” sa BBC, na isang television channel sa UK.
Wala pang balita kung ipapalabas ito sa Pilipinas
Sa ngayon, wala pang balita kung ipapalabas din ba ang Moon and Me dito sa Pilipinas. Pero siguradong kapag ito ay naging malaking hit sa UK ay ipapalabas din ito sa Pilipinas.
Habang hindi pa pinapalabas ang Moon and Me ay puwedeng gumamit ang mga magulang sa Pilipinas ng mga children’s videos sa Youtube upang patulugin ang kanilang mga anak.
Ilan sa mga magagandang YouTube Channel para sa mga sanggol ay ang “The Baby Sleep Channel“, at “Baby Relax Channel.”
Bukod dito, marami pang ibang mga magagandang channel sa YouTube. At hindi lang mga channel na para sa pagpapatulog ng mga bata. May mga videos din na magtuturo ng alphabet, ng mga kulay, at mga hugis ng mga bagay-bagay.
Kaya’t kung naghahanap kayo ng mga libreng palabas na maganda para sa inyong anak, madami kayong mahahanap online!
Pero siyempre, kailangan na bantayan pa rin ng mga magulang ang panonood ng kanilang mga anak at huwag hayaan na sumobra sila sa panonood ng mga videos na ito. Wastong balanse ang kailangan, at siguradong hindi magkakaroon ng masamang epekto ang mga videos at TV shows na pambata sa inyong mga anak.
Source: Asia One
Basahin: Mga Tips para sa Pagpapatulog kay Baby