Panaginip na natanggal ang ngipin, alamin dito ang kahulugan o ibig sabihin. Ayon sa mga eksperto, ito ay may kaugnayan sa nararanasan mo ngayon. Ano ang dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin? Alamin dito!
Panaginip na natanggal ang ngipin
Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin
Woman photo created by jcomp – www.freepik.com
Ayon sa dream analyst na si Layne Dalfen, ang mga kahulugan ng ating mga panaginip ay may kaugnayan sa ating kasalukyang nararamdaman o nararanasan.
Tulad na lamang ng panaginip na natanggal ang ngipin na kung saan ibinahagi niyang halimbawa ang panaginip at karanasan ng mga naging kliyente niya. Ano nga ba ang dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin?
Halimbawa #1
Ang unang halimbawa ay ang panaginip ni Jack. Ayon kay Jack, siya ay nanaginip na pinaglalaruan niya ang isa niyang ngipin gamit ang kaniyang dila, hanggang sa ito ay parang matatanggal na.
Kaya naman ang ginawa niya ay tinanggal niya ito na nakita ng younger brother at eldest sister niya. Nang tinanggal niya nga umano ito ay may biglang lumabas na bug o insekto na nagtatago sa ilalim ng ngipin niya.
Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin: Kahulugan ng panaginip
Dahil sa nagtatagong insekto na biglang lumabas sa ngipin niya ay tinanong ni Dalfern si Jack kung may isang bagay ba na gumugulo sa isip niya na gusto niyang mailabas at sabihin.
Ang sagot ni Jack, kamakailan lang ay nakipag-break siya sa kaniyang girlfriend at may mga bagay siyang hindi nasabi dito.
Paliwanag ni Dalfern, ito ang kahulugan ng kaniyang panaginip na nag-i-encourage sa kaniya na sabihin o ilabas ang mga bagay sa isipan niya na gumugulo sa kaniya.
Para naman sa presensya ng younger brother niya na isinalarawan niyang funny, cute at outgoing, paliwanag ni Dalfern ito ay ang sumasalamin sa kasalukuyang pag-uugali niya.
Sapagkat sa hindi niya pagsasabi ng totoo at kaniyang nararamdaman sa kaniyang girlfriend siya ay parang isang bata o childish ang personality niya.
Habang ang kahulugan naman ng presensya ng older sister niya na isinalarawan niyang caring at emotional ay ang ipinapayong paraan ng kaniyang panaginip kung paano niya haharapin at kakausapin ang girlfriend niya.
Halimbawa #2
Ang pangalawang halimbawa na ibinahagi ni Dalfern ay ang panaginip ng kliyente niyang nagngangalang Cheryl.
Kuwento ni Cheryl, sa kaniyang panaginip ay tinutulungan niya ang isang batang babae na tanggalin ang umuuga ng ngipin nito. Subalit nang matanggal niya ang umuugang ngipin ng bata ay sumama ring nalaglag ang iba pang mga ngipin nito.
Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin: Kahulugan ng panaginip
Tulad ng kay Jack ay tinanong ni Dalfern si Cheryl kung siya ay may nararanasan sa kasulukuyan na masasabi niyang katulad ng panaginip niya.
Sapagkat sa kaniyang panaginip ay gumagawa siya ng good deed sa iba. Pero ang naging kapalit ay sobra-sobra pa sa inaasahan niya.
Pagbabahagi ni Cheryl, sa ngayon ay may malubhang sakit ang kaniyang ina at kaliwa’t kanan ang natatanggap niyang tawag mula sa mga kaibigan niya na nangangamusta.
Noong una ay inisip niyang magbigay lang ng kaunting impormasyon tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina. Pero sa oras na magsimula na siyang magbigay ng impormasyon ay sunod-sunod na ang mga tanong. Ang resulta imbis na kaunti ay marami na ang nasabi niya.
BASAHIN:
Anong ibig sabihin kapag napanaginipan mo na ikaw ay buntis?
Wet dreams? 9 na panaginip tungkol sa pagtatalik at mga ibig sabihin nito
Nanaginip ka ba na nabunutan ng ngipin? Narito ang ibig sabihin nito
Halimbawa #3
Para sa ikatlong halimbawa ay ibinahagi naman ni Dalfern ang panaginip ng kliyente niyang nagngangalang Harold. Ayon kay Harold, ilang lingo na siyang nananaginip ng nalalagas ang ngipin niya.
Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin: Kahulugan ng panaginip
Sa kaso ni Harold ay deretsahang tinumbok ni Dalfern ang kahulugan ng panaginip niya. Ito ay sa pamamagitan ng pagtatanong kung paano niya maipapaliwanag sa isang bata ang napaginipan niyang paglalagas ng ngipin.
Sagot ni Harold ito ay kaniyang gagawin sa ganitong paraan,
“Ang pagkatanggal ng ngipin natin ay hindi natin maiiwasan. Lahat tayo ay puwedeng matanggalan ng ngipin sa oras na tayo ay mag-6 o 7 taong gulang. Ito ay isang event sa ating buhay na hindi natin makokontrol.”
Mula sa kaniyang naging sagot, ay tinanong ni Dalfern si Harold kung mayroon bang sitwasyon o event sa buhay niya ngayon na hindi niya makontrol?
Ang sagot ni Harold ay oo. Ito daw ay ang pakikipaghiwalay sa kaniya ng kaniyang asawa ilang araw lang ang nakalipas. Hindi na umano siya nabigla sa naging desisyon nito lalo pa’t sa ngayon ay na-realize niyang marami na siyang naging palatandaan na mangyayari ito.
Mula sa mga naging kahulugan ng panaginip ni Jack, Cheryl at Harold ay sinabi ni Dalfern na ang panaginip na natanggal ang ngipin ay common o pangkaraniwan na.
Ito umano ay sumasalamin sa perception o unique life experience ng taong nanaginip nito. Madalas, sa parehong panaginip ay kalakip rin ang solusyon sa problemang kasalukuyang gumugulo sa kanila.
Iba pang kahulugan ng panaginip na natanggal ang ngipin
Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin
Naranasan mo na rin bang matanggalan ng ngipin sa iyong panaginip? Ano ang ibig sabihin sa panaginip na natanggal ang ngipin?
Panaginip na natanggal ang ngipin meaning
Photo by Shiny Diamond from Pexels
Paliwanag naman ng professional dream analyst at author na si Lauri Quinn Loewenberg, ang panaginip na tungkol sa ngipin o kahit ano mang parte ng bibig tulad ng dila o labi ay may kaugnayan sa kung paano tayo nakikipag-communicate sa kasalukuyan.
Depende sa klase ng panaginip na tungkol sa ngipin ay narito ang mga interpretasyon na ibinahagi niya.
Panaginip na natanggal ang ngipin meaning
Nababasag ang ngipin.
Ayon kay Lowenberg, ito umano’y may koneksyon sa pagkakaroon ng weak speech. Halimbawa kung ikaw ay nagkaroon ng argumento kamakailan lang na kung saan hindi mo naipunto ang gusto mong sabihin.
Ang resulta, ang iyong naging paliwanag o pahayag ay may lamat o hindi kapani-paniwala.
Isa-isang nalalagas ang ngipin.
Kung ang ngipin sa iyong panaginip ay kusang lumalabas at nalalagas, ito umano ay may koneksyon sa mga salitang iyong nasabi na gusto mong bawiin. O kaya naman mga sikreto o tsismis na hindi mo dapat ibinahagi sa ibang tao.
Kung ang ngipin mo naman ay isa-isang nalagas dapat ay balikan mo ang naging communication mo ng nakaraang araw.
Sapagkat maaaring ito ay may kaugnayan sa pagli-leak mo ng impormasyon tungkol sa isang tao. O mga sikreto na dapat ay iyo lang tinatago ngunit naibulatlat mo.
Pagkatanggal ng ngipin ng sabay-sabay.
Ayon kay Loewenberg, ang panaginip na ito ay madalas na napapanaginipan ng mga taong masyadong madaldal o maraming nasasabi at hindi alam kung kailan titigil sa pagsasalita.
Mas marami nga umano ngipin na nalalagas nangangahulugan na mas maraming bagay kang nasasabi na hindi mo dapat sinasabi.
Isa o dalawang ngipin na lang ang natira.
Kung may isa o dalawang ngipin nalang ang natira sa iyong panaginip, sumasalamin umano ito sa natitira mong dignidad. Ito ay matapos mong masabi ang halos lahat ng mga bagay tungkol sa iyong sarili o sa isang tao na hindi mo naman dapat sinasabi.
Pagkakatanggal ng ngipin ng dahil sa mahinang tapik.
Ang mahinang tapik o tap, ayon kay Loewenberg ay nangangahulugan na maaring may taong nagtulak sayo para sabihin ang mga impormasyon na iyong binitawan.
Pagkawala sa maayos na linya o posisyon ng ngipin hanggang sa ito ay lumabas sa iyong bibig.
Madalas ang pagkawala sa posisyon ng ngipin o pagka-sungki ay naiiugnay sa pagsasabi ng kasinungalingan. Pero ito umano ay maaaring sumasalamin din sa pagkabahala mo sa itsura mo sa ngayon o sa pagtingin ng iba ng tao sa ‘yo.
Woman photo created by cookie_studio – www.freepik.com
Ngiping nagsisimulang mabulok.
Ang nabubulok na ngipin ay may koneksyon sa isang old argument o sitwasyon na pagod ka ng pag-usapan. Ito rin ay maaaring sumasalamin sa pagkaramdam mo ng guilt matapos magsabi ng salitang pangit o bastos.
Ngiping bumabalik sa iyong gums o gilagid.
Nangangahulugan umano ito na kagustuhan mo na sana ay hindi mo sinabi ang mga salita o bagay na iyong nasabi. Maaring ito rin umano ay sumasalamin sa pagkatakot mong magsalita o iyong pananahimik.
Kung puno ng umuugang ngipin ang iyong bibig.
Nangangahulugan umano ito na may gusto kang sabihin o komprotahing tao na hindi mo maharap at makausap. Kaya ang payo ng subconscious mind mo ay magdesisyon ka na sa kung magsasalita ka ba o mananahimik nalang.
Hindi mo mahanap ang nalagas o natanggal na ngipin.
Ayon kay Loewenberg, nangangahulugan ito na nahihirapan kang gumamit ng tamang salita sa bagay na gusto mong sabihin. Sapagkat sa lumabas na ang ngipin, ibig sabihin nito ay naghahanap ka ng tamang salita para maitama ang mga mali mong nasabi.
Sa kabuuan, ayon parin kay Loewenberg, ang ating panaginip ay sumasalamin sa sarili nating karanasan o nararamdaman. Madalas sila rin ay may dalang sagot sa mga katanungan o problemang kasalukuyan nating nararanasan.
Mula sa interpretasyon ni Lowenberg at Dalfern, tungkol sa panaginip na natanggal ang ngipin, taliwas dito ang paniniwala nating palatandaan ito na may mawawala o mamatay tayong mahal sa buhay. Sa halip, ito umano ay maaaring palatandaan na pagkawala natin ng tiwala o confidence sa ating sarili. O kaya naman ay mga salita na gusto nating sabihin o mga salitang hindi dapat natin sinabi.
Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin
Naranasan mo na rin bang managinip na nalagas ang iyong ngipin? Uri ito ng karaniwang dream theme kaya hindi malabong isa ka rin sa nakapanaginip na natanggal ang iyong ngipin.
Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin?
Sabi ng mga matatanda, kailangan daw ikagat sa matigas na bagay ang iyong ngipin pagkagising mula sa panaginip. Pero wala namang siyentipikong paliwanag ang kasabihan na ito. At wala ring masama kung susunod ka. Nasa sa iyo pa rin naman ito.
Pero ayon sa artikulo ng Sleep Foundation na may pamagat na, “Dreaming About Your Teeth Falling Out? Here’s What it Could Mean,” hindi dapat mabahala kung nakapanaginip na natanggal ang ngipin.
Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin?
Sa ngayon, walang sapat na patunay na may kinalaman sa subconscious problem ang panaginip na ito. At lalong hindi ito pangitain na may mangyayaring masama sa iyong buhay.
Subalit, kung paulit-ulit mong napapanaginipan na natanggal ang iyong ngipin makabubuting kumonsulta sa iyong doktor o mental health professional. May mga preliminary evidences daw kasi kung saan naikokonekta ang ganitong panaginip sa dental irritation at mas common ito sa mga taong may depression at anxiety.
Gayundin ang sabi sa artikulo ng Healthline na may pamagata na, “12 Interpretations for Dreams About Your Teeth Falling Out.”
Kaya naman ang sagot sa tanong na ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin? Kung nababahala ka sa paulit-ulit na panaginip na ito, kumonsulta sa mental health professional para mapanatag ang iyong kalooban.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!