Tatay huli sa video na minomolestya ang anak sa loob ng tren

undefined

Anu-ano nga ba ang mga hakbang na puwedeng gawin ng mga magulang masigurado ang kaligtasan ng kanilang mga anak at pigilan ang pang aabuso sa mga bata?

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang insidente ng pangmomolestya na nakuhanan sa camera. Dito makikita ang isang ama na minomolestya ang kaniyang sariling anak, habang nakasakay sa isang tren. Mabilis kumalat sa internet ang video at kinundena ng mga netizens ang malaswang ginawa ng ama. Dahil dito, maraming magulang ang nagsimulang magtanong kung paano kaya nila mapipigilan ang pang aabuso sa mga bata?

Nakita sa camera na minomolestya ng ama ang kaniyang anak

Nangyari di umano ang insidente sa loob ng isang tren sa China. Magkasama raw ang mag-ama sa tren, at nagulat ang mga katabi nilang pasahero nang bigla na lang daw hinahawakan at hinahalikan ng ama ang kaniyang anak.

Makikita sa video na hinahawakan ng ama ang likod ng bata, at sinabi din daw ng bata na huwag daw hawakan ng ama ang kaniyang likuran. Katabi pa raw ng lalake ang kaniyang asawa at biyenan, at mistulang hindi nila napapansin ang nangyayaring pang-aabuso sa bata.

Buti na lang at mayroong mga pasahero na kumuha ng video upang magsilbing ebidensya sa ginawang pangmomolestya. Inireport din nila ang nangyari sa isang lokal na police station, ngunit sinimulan lamang daw nila ang imbestigasyon nang mag-viral na ang video.

Bukod dito, sinabi ng mga pulis na hindi daw sexual assault ang aksyon na ginawa ng ama. Dahil dito, maraming netizens ang nagulat at nagalit sa naging resulta ng imbestigyason ng mga pulis. Mahigit na 21,000 netizens ang nagalit at nagreklamo dahil hindi sila makapaniwala sa naging resulta ng imbestigyason.

Panoorin ang video ng insidente:

Pang aabuso sa mga bata, paano mapipigilan?

Hindi lamang nakasalalay sa kapulisan ang responsibilidad ng pagprotekta ng mga mamamayan. Kahit regular lang tayong mga mamamayan ay mayroon tayong magagawa upang matigil ang karahasan sa ating paligid.

Kasama na rito ang child abuse o pang aabuso sa mga bata. Heto ang ilang mahalagang tips para mapigilan ito:

  1. Ipaalam sa iyong anak na importante sila, at kaya nilang maabot ang kanilang mga pangarap.
  2. Tulungan ang iyong mga kapwa magulang na mag-alaga ng kanilang anak upang hindi umiksi ang kanilang pasensya at maging mainitin ang ulo.
  3. Habaan ang iyong pasensiya, lalo na kung makulit o iyakin ang iyong anak.
  4. Huwag mag atubiling mag-report ng mga insidente ng child abuse sa iyong komunidad.
  5. Sumali sa mga proyekto na naglalayong tumulong sa mga batang naging biktima ng pang-aabuso.
  6. Bantayang mabuti ang iyong anak, at alamin kung sino ang kanilang mga nagiging kaibigan o kasama kapag sila ay lumalabas.
  7. Turuan silang protektahan ang kanilang sarili, at humingi ng tulong kapag sila ay nasa panganib.

Source: Nextshark

Basahin: 63-anyos na lalake, kinidnap at inabuso ang isang batang babae!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!