Kasambahay, itinali sa puno ng kaniyang amo

Pinay DH itinali sa puno ng kaniyang mayamang amo sa Saudi Arabia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pang aabuso sa mga OFW ang pangunahing problemang kinahaharap ng mga Pinoy na nakikipagsapalaran na magtrabaho sa ibang bansa.

Hindi na nga mabilang ang dami ng kaso at reklamong ipinararating sa gobyerno ng Pilipinas dahil dito.

Kamakailan nga lang ay may isang kaso na naman ng pang aabuso sa mga OFW ang naitala sa Riyadh, Saudi Arabia. Isang panibagong kaso na mabuti nalang at maagap na natugunan ng gobyerno.

Image from Facebook

Pang aabuso sa mga OFW

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA ay mayroong 2.3 million na OFWs ang nagtratrabaho sa ibang bansa mula April to September 2018. Karamihan nga sa mga ito ay mga kababaihan na 55.8% ng kabuuang bilang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantalang 80% naman ng mga OFWs ang nakakaranas ng pagmamaltrato at pang aabuso ng kanilang amo.

Ilan nga ng mga naitalang kaso ng pang aabuso sa mga OFW ay nangyari sa Saudi Arabia. Ito ang bansang itinuturing na top destination ng isa sa apat na OFW na nais magtrabaho.

Pinay na itinali sa puno ng kaniyang amo

Kamakailan nga lamang ay isang panibagong kaso na naman ng pang aabuso sa mga OFW ang naitala sa nasabing bansa.

Ito ay ang kaso ng isang Pinay domestic helper na itinali ng kaniyang mayamang amo sa isang puno. Dahil daw ito umano sa pagkakaiiwan ng Pinay DH ng isang mamahaling furniture sa init ng araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Pinay DH ay kinilalang si Lovely Acosta Baruelo, 26, na ilang buwan ng nagtratrabaho sa isang mayamang pamilya sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa kasamahan sa trabaho ni Lovely na isa ring Pinay na kumuha at nag-upload ng kaniyang litrato sa social media, itinali daw si Lovely sa puno bilang parusa. Ito daw ay dahil naiwan nito ang isang mamahaling furniture sa init ng araw na dahilan para ito ay mamuti.

Kaya naman daw bilang parusa sa pagkakamaling nagawa, ito daw ang naisip ng kaniyang mayamang amo na gawin sa kaniya. Kahit nga daw sa maliliit nilang pagkakamali ay pinaparusahan at sinasaktan sila ng kanilang abusadong amo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Agad naman nakarating sa kinauukulan ang nangyaring pagmamaltrato sa Pinay DH. Matapos ang ilang oras matapos mai-upload at mai-post ang larawan ni Lovely sa social media ay nai-share agad ito ng libo-libong beses.

Kaya naman sa parehong araw matapos makunan si Lovely ng litrato na nakatali sa puno ay naiuwi rin siya pabalik sa kaniyang pamilya sa tulong ng Department of Foreign Affairs at Philippine Embassy sa Riyadh, 8:55 ng gabi noong May 9.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ng nasagip ng OFW

Sa isang panayam ay nagpasalamat si Lovely sa lahat ng tumulong sa kaniya. Hinihiling niya rin na sana ay matulungan ang iba pang kasamahan niyang Pilipino na nagtratrabaho doon. Natatakot daw siya para sa kaligtasan ng mga ito lalo pa’t sila ang kumuha at nag-upload ng kaniyang litrato sa social media.

Maliban daw sa pagmamaltrato sa kanila ay binabawasan rin daw ng amo nila ang kanilang sweldo. Umaasa rin siya na sana ay mapagbayaran ng kaniyang amo ang lahat ng mali at pang aabuso na ginawa sa kanila.

Sa ngayon si Lovely ay kasama na ang kaniyang dalawang anak sa probinsya nila sa La Union.

Ang kuwento ni Lovely ay isa lang sa mga pang aabuso sa mga OFW na patuloy na nangyayari sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Ito sana ay maiiwasan kung may sapat na trabahong maibibigay sa bansa para sa bawat Pilipino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sources: Philippine Statistics Authority, Manila Standard, DailyMail UK

Basahin: Celebrity blogger: Hindi payag magbigay ng day off sa mga Pinoy DH