Pang aabuso ng isang amain sa kaniyang stepdaughter, naisagawa ng gabi-gabi ng hindi namamalayan ng kaniyang misis.
Huli na ng malaman ng misis na mahigit na apat na taon na pala itong nangyayari. Pinapainom pala siya ng pampatulog ng kaniyang mister gabi-gabi para maisagawa ang pang aabuso sa kaniyang 12-anyos na anak.
Kuwento ng pang aabuso
Hindi pumasok sa isip ng isang misis na kayang abusuhin ng kaniyang asawa ang kaniyang anak. Dahil sa pagiging kasal dito ng labing-dalawang taon, hindi niya inakalang hindi niya pa pala lubos na kilala ang kaniyang asawa.
Sa loob ng mahigit na apat na taon, hindi maipaliwanag kahit na ng mga doktor kung bakit siya laging pagod na pagod lalo na sa gabi.
Isang araw noong January 2014, nasagot ang hindi maipaliwanag na nangyayaring ito sa kaniya.
Pinapainom pala siya ng pampatulog ng kaniyang asawa para abusuhin at molestiyahin ang anak niyang 12-anyos ng lingid sa kaalaman niya.
Ang kuwentong ito ay ibinahagi ng isang misis na pinangalanang si Rachel mula sa Sydney sa isang artikulong inilathala sa The Sydney Morning Herald.
Si Rachel ay may dalawang anak na babae na sina Alice at Sally.
Siya ay kasal sa kaniyang asawang si Timothy James Stewart ng labing dalawang taon bago niya nalamang isa pala itong pedophile na minomolestiya ang kaniyang 12-anyos na anak.
Isang araw noong Janaury 2014 ay nag-reklamo umano ang mister ni Rachel na si Timothy na hindi na ito tinatawag na “Dad” ng kaniyang stepdaughter na si Alice.
Doon kinausap ni Rachel ang anak at sinabing dapat daw ay nirerespeto niya ito. Tinanong niya rin ang anak kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kaniyang amain.
Ang naging sagot ng anak sa kaniya ay, “You don’t know him. You have no idea who he really is.”
Sa puntong iyon ay alam niya na kung ano ang sinasabi ng kaniyang anak at nagsimula na siyang makaramdam ng pagkatakot sa asawa.
Nang tanungin siya ng asawa kung ano ang sinabi ng kaniyang anak ang naging sagot niya ay, “Everything she says, points to you being inappropriate with her.”
Matapos ng tagpong iyon ay umalis umano ang kaniyang asawang si Timothy nang walang paalam.
Iyon din ang huling beses na nagkita sila bago tuluyang magharap sa korte.
Naaresto ang kaniyang asawa gabi ng araw na iyon at doon nagsimula ang laban niya para mabigyan ng hustisya ang ginawang pang aabuso sa kaniyang anak.
Ayon parin sa kuwento ni Rachel ay sinubukan ring abusuhin ng pedophile niyang asawa ang sarili nilang anak na si Sally. Para maiparating ang pang aabuso na ginagawa ng ama, gumawa ng isang sulat si Sally pero sinira ito ng kaniyang asawa bago pa niya mabasa.
Nalaman niya ring pinapainom siya ng pampatulog ng kaniyang asawa pati ang panganay niyang anak na si Alice gabi-gabi upang maisagawa ang pang aabuso.
Nang magsagawa ang mga pulis ng imbestigasyon kaugnay sa 12 kasong kinakaharap nito ay nadiskubre nila ang mga nakatago nitong memory cards.
Ang mga ito ay may laman ng kinunan niyang mahigit isang daan pang aabuso para sa kaniyang sexual gratification.
At noong November 2017, matapos ang apat na taong pakikipaglaban para makuha ang hustisya ay nahatulan ng 32 years na pagkabilanggo ang 45-year old niyang asawang si Timothy.
Bagamat una na niyang inakala na hindi na nila makukuha ng anak ang hustisya na ipinaglalaban dahil sa mabagal na pag-usad nito ay nagpapasalamat si Rachel na sa wakas ay pagbabayaran na ng asawa ang kaniyang ginawa. At umaasa siyang mabulok ito ng tuluyan sa bilangguan.
Warning signs ng sekswal na pang aabuso sa isang bata
Samantala, kung sakaling nakakaranas ng sekswal na pang aabuso ang isang bata ay mapapansin ang mga behavioural changes na ito sa kaniya.
- Sexualized play o ang paglalaro ng isang bata sa kaniyang doll o laruan gaya ng pagsasagawa ng oral sex o kahit ano pang sexual acts na higit sa kissing
- Pagpasok ng mga objects o kaniyang daliri sa kaniyang ari
- Paghawak sa private parts ng ibang tao na akala niyang tama dahil nakita o ginawa sa kaniya
- Infection o pagdurugo sa kaniyang private part
- Paglalaro ng secret sexualized games na kung saan binibigyan niya ng nicknames ang mga private parts
- Matinding negative response sa isang tao
Ayon sa child therapist na si Dr. Natasha Daniels,ang mga concerning behavior na nabanggit ay hindi agad indikasyon na sekswal na naabuso ang isang bata.
Ang mga ito ay mga palatandaan pa lamang na maaring maging gabay ng isang magulang upang alamin ang tunay na nangyayari sa anak.
At maagapan ang iba pang nakakatakot na bagay na puwedeng mangyari bago pa maging huli ang lahat.
Sources: Anxious Toddlers, SMH, Daily Mail
Basahin: Mother jailed for “permitting” husband to abuse child