Isiniwalat ng isang misis ang kaniyang sikreto: nakikipag-sex siya sa ibang lalaki tuwing wala ang asawa niya. Narito ang kuwento ng pangangaliwa ng babae na letter sender.
Sa panlabas, isa akong happily married at respetableng babae—hindi na bata pero hindi naman katandaan.
Wala na akong mahihiling pa sa asawa ko. Galante siya, masayang kasama, mabuting ama at lolo. Bagaman mas matanda sa akin ng 12 taon ang mister ko, hindi naman naging problema ‘yon sa aming pagsasama. Kahit parang naging routine na lang ang sex namin, naging loyal ako sa kaniya ng halos 30 taon.
Masaya at kumportable ang buhay namin—ang buhay ko. Ngunit nagbago ang lahat tatlong taon na ang nakakaraan. Matapos ang ilang operasyon dahil sa kaniyang mga karamdaman, nagkaroon ng depresyon ang mister ko. Ang naging resulta: nawala ang physical affection sa aming pagsasama.
Dito ako nagsimulang ma-frustrate sa aming relasyon at nagsimulang magpantasya tungkol sa pakikipag-sex sa ibang lalaki. Hanggang sa isang araw, hindi na siya pantasya.
Habang nasa abroad si mister
Parating umaalis ang asawa ko papuntang abroad para sa kaniyang trabaho. Dito ako nagsimulang magkaroon ng mga kalaguyo.
Hindi ko inakala na gano’n lang pala kadali maghanap ng mga lalaking puwede mong kitain para lang makipagtalik. Sa website na sinalihan ko, di hamak na mas marami ang babae sa lalaki. Bagaman karamihan sa mga sumasali sa website na ‘yon ay may pagka-manyak at hindi katalinuhan, mayroon din namang pa-ilan-ilan na okey.
Over the years, nasa sampu ang naging kalaguyo ko, ngunit sa tatlo na lang ako nakikipagkita nang regular: isang duktor, isang direktor sa isang kumpanya, at isang reporter. Malaki ang mawawala sa amin kung may makaalam ng ginagawa namin kaya kailangan talagang isikreto. Aaminin kong masaya at adventurous ang pakikipag-sex ko sa mga lalaking ‘yon pero bukod do’n, naging tunay na kaibigan ko na rin sila.
Na-e-enjoy ko ang pakikipagkita sa iba’t ibang lalaki at nakukuha ko ang sex na matagal ko nang pinapantasya. Ang hiling ko lang ay sana walang ibang maka-alam.
SOURCE: The Guardian
Bakit nga ba may mga misis na nangangaliwa? Ayon sa mga eksperto, may 7 rason kung bakit nakiki-apid si misis.