3 Kuwento ng pangangaliwa na nangyari nang pasko

Bakit nga ba mas nangyayari ang pangangaliwa sa asawa sa panahon ng kapaskuhan? Ating alamin ang dahil sa likod ng pangyayaring ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Ngunit alam niyo ba na sa panahong ito rin madalas nangyayari ang pangangaliwa sa asawa o kaya sa iyong partner?

Ano kaya ang dahilan sa likod nito? Dapat bang mabahala ang mga mag-asawa dahil dito?

Bago natin sagutin ang mga katanungang iyan, atin munang alamin ang 5 kuwento ng pangangaliwa na pare-parehas na nangyari sa kapaskuhan.

Pangangaliwa sa asawa, bakit nangyayari sa kapaskuhan?

Mula kay Rachel T., 25

Nagtatrabaho raw siya noon sa Lululemon, na isang tindahan ng damit. Dahil dito, napakahectic ng kaniyang schedule kasi napakaraming bumibili sa kapaskuhan. Gusto daw ng partner niya na gumawa sila ng mga tipikal na gawain tuwing pasko; nagluluto, bumibisita sa pamilya, lumalabas atbp. Ngunit sadyang busy lang daw siya. Nalaman na lang daw niya noong mismong araw ng bagong taon na nangangaliwa na pala ang kaniyang partner, dahil daw gusto ng partner niya ng makakasama sa kapaskuhan.

Mula kay Sally S., 30

Halos isang linggo daw bago magpasko, nagplano silang pumunta sa kanilang mga kamag-anak upang doon magpasko. Ngunit bago pa sila makaalis ay nakita niya ang kaniyang partner na may kasamang iba sa sarili nila mismong bahay! Gulat na gulat daw siya sa nangyari, pero dahil nagmakaawa ang kaniyang partner ay pinatawad na din niya ito. Noong mismong araw na ng Pasko, nalasing daw siya at sinabi sa lahat ang nangyaring pangangaliwa sa kaniya ng kaniyang partner. Nakakahiya raw ang ginawa niya, pero wala naman siyang pagsisisi. At pagpasok ng December 26, hiwalay na raw sila ng kaniyang manlolokong partner.

Mula kay Mary M., 44

Hindi naman lahat ng kuwento ng pangangaliwa ay humahantong sa hiwalayan. Tulad na lang ng kwentong ito mula kay Mary M., 44:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Mary, nakapabusy raw niya sa trabaho dahil Pasko nga. Bukod dito, mayroong malalang sakit ang kaniyang kapatid na babae, kaya’t nagpatong-patong na ang kaniyang mga alalahanin at stress sa buhay. Dahil dito,  naging mas self-centered daw si Mary at nawalan ng oras sa kaniyang asawa.

Nang mangyari yun, lumapit daw sa ibang babae ang kaniyang asawa. Nakita niyang may nagpadala ng heart emoji sa cellphone ng asawa niya, at galing di umano sa isa nitong katrabaho. Kinausap niya ang kaniyang asawa tungkol dito, at inamin ng kaniyang asawa na siya raw ay naging “emotional cheater.”

Dahil dito, minabuti nilang parehas na pumasok sa couples therapy upang mapabuti ang kanilang relasyon. Nagpunta rin sa therapist si Mary para mapabuti ang kaniyang sarili, at ngayon ay mas matibay na ang kanilang samahan at mas may respeto at pagmamahal na sila sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit madalas ang pangangaliwa sa asawa tuwing Pasko?

Ayon sa isang pag-aaral, maraming nangangaliwa tuwing kapaskuhan dahil mas nagiging passionate at excited daw ang mga tao. Madalas ay katrabaho ang napipili ng mga tao kapag nangangaliwa sila, dahil madalas nakakasama sa opisina, at madalas ring nakakasama sa mga office party at kung anu-ano pa.

Bagama’t mas mataas nga ang tukso na mangaliwa sa panahon ng pasko, kahit kailan ay hindi ito tama. Nakakasakit lang ng tao ang pangangaliwa, at nakakasira pa ito ng pagsasama ng mga mag-asawa.

Ngunit pano nga ba nalalaman kung nangangaliwa na ang iyong asawa? Heto ang ilang palatandaan:

  • Napapalayo ang loob niya sa’yo o kaya ay mas madalas niyang kasama ang iba niyang mga kaibigan o katrabaho.
  • Hindi na kayo gaanong nag-uusap ng iyong asawa.
  • Masyadong busy ang iyong asawa sa kaniyang trabaho, at hindi mo maipaliwanag kung bakit.
  • Kapag may nararamdaman kang kakaiba, at sa tingin mo ay talagang nangangaliwa ang iyong asawa.

Kung napansin mo ang mga palatandaang ito, mabuting kausapin ng mahinahon ang iyong asawa tungkol dito. Huwag mo siyang komprontahin o awayin, at maging malumanay at maayos dapat ang pakikipag-usap mo sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung sakaling nangangaliwa nga siya, nasa sa’yo na ang desisyon kung gusto mong ayusin ang inyong relasyon, o kung gusto mo nang tuldukan ang inyong pagsasama. Kung mayroon kayong anak, alalahanin mo kung ano ang makakabuti para sa kaniyang kapakanan.

 

Source: Health

Basahin: 8 karaniwang dahilan kung bakit nangangaliwa si mister

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara