E-bike naging sanhi ng sunog matapos itong magliyab sa isang tindahan!

Alam niyo ba ang mga panganib ng e-bike? Posible itong maging sanhi ng sunog, lalo na kung pabayaan ito habang nagchacharge.

Dito sa Pilipinas ay dumadami na ang gumagamit ng e-bike. Hindi maikakaila na mas madali gumamit ng e-bike kesa magcommute, at mas mura din ang e-bike kumpara sa motor o sa kotse. Pero alam niyo ba ang mga panganib ng e-bike?

Panganib ng e-bike: Bakit ito biglang nasunog?

Nangyari ang insidente sa isang tindahan Geylang, Singapore. 

Ang tindahan daw ay nagbebenta ng mga second-hand na electronics, kasama ang e-bike na di umano’y naging sanhi ng apoy.

Ayon sa is mga nakatira sa 2nd floor ng tindahan, natutulog daw sila nang makaamoy ng usok. Pagtingin daw nila sa baba ng kanilang tahanan ay nasusunog na raw ito.

Dali-dali niyang ginising ang kaniyang mga kasama upang tumakas at humingi ng tulong sa mga bumbero. Sa kabutihang  palad ay naagapan naman agad ang sunog at walang gaanong nasaktan.

Isang sanggol naman ang dinala sa ospital matapos siyang makalanghap ng usok mula sa sunog. Nasa ospital pa din ang bata, ngunit mabuti na ang kaniyang kalagayan.

Galing daw sa e-bike ang sunog, ayon sa may-ari ng tindahan

Nang dumating ang may-ari ng tindahan, sinabi niya na ang naging sanhi daw ng sunog ay ang e-bike na nasa tindahan. Dagdag pa niya na nagbebenta daw sila ng second-hand na mga electronics, at kasalukuyang under renovation ang kaniyang tindahan.

Paano makakaiwas sa panganib ng e-bike?

Para sa maraming Pilipino, napakalaking tulong ang pagkakaroon ng e-bike. Pero katulad ng ibang mga sasakyan sa kalsada, mayroon ding mga panganib ang paggamit ng e-bike.

Heto ang ilang mga bagay na kailangang tandaan upang palaging ligtas sa e-bike:

  • Huwag bumili ng mumurahin o hindi kilalang brand ng e-bike.
  • Wag i-overcharge ang e-bike dahil posibleng sumabog ang battery nito.
  • Siguraduhing kumpleto sa safety features ang iyong e-bike, at magsuot ng helmet kapag ginagamit ito.
  • Patayin ang electric bike kapag hindi ito ginagamit.
  • Huwag ilagay sa loob ng bahay ang electric bike.
  • Iwasang bumili ng 2nd hand na e-bike. O kaya siguraduhin na maayos pa ang battery at electronics.
  • Sundin ang mga batas sa kalsada. Ang e-bike ay katulad din ng ibang sasakyan sa kalsada, kaya responsibilidad ‘mong mag-ingat at sundin ang batas trapiko.

 

Source: Asia One

Basahin: Phone left charging overnight explodes, burning woman

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara