5 paraaan sa pagharap sa panghuhusga sa pagiging magulang

Alamin ang limang paraan para harapin ang mga panghuhusga sa pagiging magulang mo at pagpapalaki sa bata na puno ng pag-unawa at pagmamahal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagiging magulang, kapag iba sa nakasanayan ang paraan ng pagpapalaki sa anak, hindi maiiwasan ang hindi pagkakasundo. Maaaring mahusgahan ng ibang mga magulang ang iyong mapiling paraan bilang hindi tama. Ang masama pa nito, kapag sabihin mong masmabuti sa bata ang ganitong paraan, iba ang nagiging dating sa mga nasa paligid. Hindi maiiwasan ang panghuhusga sa pagiging magulang.

Ang totoo, walang patunay kung kanino ang paraan ng pagiging magulang ang mas tama. Ang mga kahihinatnan lamang ng anak ang makakapagsabi kung sino ang mas tama ang mga desisyon. At hindi pa ito agad agad na makikita.

Dagdag pa dito, kapag may panghuhusga sa pagiging magulang, nagkakaroon ng takot. Dahil hindi tradisyunal na pagpapalaki, ano ang magiging epekto nito sa bata? Magiging spoiled ba siya kapag sinasabihang magpakabuti nang hindi napaparusahan? Baka mas tama kung gumaya nalang ako sa paraan ng iba.

 

Makabagong paraan

Ayon sa 4 na dekadang pagsasaliksik, kailangan ng mga bata ng patnubay at limitasyon. Ngunit, ang mga ito ay kanyang lalagpasan kapag alam niyang siya ay ligtas at naiintindihan. Ito ang nangyayari kapag kinikilala ang kanilang mga emosyon at ginagabayan ang kanilang ugali nang may pakikiramay.

Sa kabila nito, napatunayan din ng pananaliksik na kapag mahigpit sa anak, mas malaki ang posibilidad na masmadali silang makaramdam ng galit, pagrerebelde, depression, anxiety,  at peer pressure. Kapag masyadong maluwag, malaki ang posibilidad na ang bata ay hindi masaya, makasarili, walang disiplina, at spoiled.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Maaaring gawin

Ang pinaka simpleng sagot sa mga tingin ay mali ang iyong pagpapalaki ay ang ngumiti at sabihing, “Hirap talaga maging magulang, ano?” Sa iyong isip, maging panatag sa iyong kaalaman at pagsasaliksik, magiging maayos ang iyong anak.

Kapag ang mga magulang ng hindi nakasundo ng iyong anak ay nag-aantay na disiplinahin mo ito, ipakita na maaaring magbigay ng limitasyon at gabay sa iyong anak nang may kasamang empatiya at compassion:

Tulungan siyang humingi ng tawad

May mga panahon na hindi niya gugustuhing humingi ng tawad. Sa mga ganitong pagkakataon, habang yakap siya ay humingi ng tawad para sa iyong anak. Sa iyong paghingi ng tawad sa kanyang nakaalitan, sabihin kung ano ang naging mali sa kanyang mga nagawa at ipaalam na magiging maayos din ang lahat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Huwag siyang parusahan, pagsabihan siya nang hindi naririnig ng iba

Kilalanin na mahirap ang sitwasyon na kanyang kinalalagyan at kung ano ang kanyang nararamdaman. Kapag siya ay kalmado na, tanungin siya kung ano ang maaari niyang gawin upang makipagbati sa nakaalitan. Masmakakabuti ang pag-aayos ng relasyon kumpara sa pagpaparusa para mabawi niya ang kanyang sarili.

Kausapin ang anak tungkol sa mga hangganan ng ugali

Kung may parating na pagtitipon o kaya may pupuntahan na lugar, pag-usapan ninyo ang mga tuntunin na ayon sa pupuntahan. Halimbawa sa mga ito ay:

  • Maging maingat sa mga masmaliliit na bata.
  • Manatili sa kung saan sila makikita ng mga magulang at lumapit agad kapag tinawag.
  • Hayaan din maglaro ang iba at magbahagi ng mayroon siya.
  • Ayos lang na hindi magkasundo dahil maaari paring ayusin ang mga bagay nang may pagrespeto.

Magtalaga ng limitasyon nang may patawa at pagmamahal

Sa ganitong paraan, mas malaki ang posibilidad na sumunod ang bata sa mga itatalagang limitasyon. Sa mata rin ng iba, makikita nilang ang pagtalaga mo ng limitasyon ay mabait at puno ng pag-unawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung magwala sila, ilayo sa mga tao

Kapag ang bata ay na-overstimulate, hindi maiiwasan na sila ay magkaroon ng melt down. Sa mga ganitong pagkakataon, ang kailangan lamang nila ay maramdaman na sila ay ligtas at minamahal. Iparamdam ito sa kanila kung saan walang makakakita. Huwag humingi ng tawad, sabihin lamang sa mga nanghuhusga na magiging okay ang iyong anak matapos ang ilang sandaling kasama ka.

 

Pagpapaliwanag ng iyong pamamaraan

May ilan ding mga panahon na magpapaliwanag ka ng iyong mga paraan sa pagiging magulang. Sa mga panahon na ito, ang mga kailangan mong gawin ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Connect

Una sa lahat, bumuo ng koneksiyon sa pagitan mo at ng pinagpapaliwanagan. Iparating sa kanila na pareho ninyong mahal ang bata at ginagawa ang lahat ng makakaya para sa ikabubuti niya.

Ituro ang mga bagong natuklasan

Ipaliwanag na ang mga bagong brain research ay maraming handog na mga bagong kaalaman sa child development. Ang mga bagong pagsasaliksik ay nakatuon sa pagpapalaki ng mga masmaayos na tao. Napatunayan sa pagsasaliksik na hindi nakakatulong ang pagpaparusa. Ang kailangan ng lahat ay maramdaman na sila ay naiintindihan at tinatanggap ano man ang sitwasyon. May limitasyon ang paguugali ngunit hindi ang emosyon. Hindi makakatulong ang pagtaas ng boses dahil ang layunin mo ay maging ang tao na gugustuhing maging ng iyong anak.

 

Source: PsychologyToday

Basahin: 4 Types of mom-shaming that all moms can relate to

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement