Alam nating hindi biro ang pagbubuntis ng bawat babae. Sa journey na ito, kailangan nila ng matinding kalinga at pang-unawa mula sa taong nakapaligid sa kanila. Ngunit may iba pa rin talaga na nagbibigay ng panlalait sa buntis.
Mababasa sa artikulong ito:
- Harsh comments na sinabi sa mga buntis
- Pagbabahagi ng mga buntis patungkol sa mga narinig nilang harsh comments
11 harsh comments sa mga buntis
Mula sa theAsianparent community, tinanong namin ang TAP moms kung ano ang worst na sinabi sa kanila noong nagbubuntis pa lamang sila.
1. Malandi akong babae at pabuntis.”
Isang TAP mommy ang nag-share ng kaniyang natanggap na harsh word noong nagbubuntis siya. Ayon sa naging komento sa kaniya, “Malandi akong babae at pabuntis. Eh isa lang naman anak ko at pinanindigan naman ako ng tatay niya.”
2. “Hindi naman ata sakin ‘yan eh.”
Walang nanay ang nais makarinig ng ganitong mga salita lalo na kung manggagaling sa taong pinakamamahal natin. Ngunit may mga tao pa rin talagang insensitive at hindi alam kung ano ang magiging dulot ng kanilang masasakit na salita.
3. “Ang tamad ko raw at lagi akong nakahiga.”
Likas na sa mga buntis ang laging nakahiga o nakaupo. Paraan ito para ma-relax man lang ang kanilang katawan dahil sa matinding pressure sa kanilang tiyan.
“Ang tamad ko raw at lagi akong nakahiga.” bahagi ng isang TAP mom tungkol sa sinabi sa kaniya noong nagbubuntis pa lamang siya. “Sa isip isip ko, ikaw kaya nanganak, magpatulog at magdala sa bata sa loob ng tyan mo.”
4. “Ang taba ko na raw sabi ng partner ko.”
Sa pagpasok sa pregnancy journey ng mga babae, asahan mo na ang malaking pagbabago sa kanilang pisikal na anyo. Normal ito at talagang nararanasan ng karamihan. Isa na riyan, ang paglaki ng timbang dahil sa dinadalang sanggol sa tiyan.
Maraming moms sa theAsianparent community ang nagsabing maraming nagsabi sa kanila na pangit o tumataba na sila. Narito ang ilan:
“Ang taba ko na raw.” “‘Yung sinabihan ako na ang panget ko daw. Dama ko pa rin until now. Ang hirap ma-haggard at hindi kumpleto ang tulog.” “Pangit ko raw.” “‘Yung sinabihan ako ng lip ko na ang panget ko na daw. Tanggap ko naman ang daming nagbago sa akin ‘nung mabuntis ako.”
5. “Bakit ang sobrang selan mo, ako naman hindi.”
Kwento naman ng isang TAP mom, sinabihan siya na sobrang sensitive ng kaniyang pagbubuntis. Lagi nating tatandaan na iba-iba ang pagbubuntis ng bawat isa. Hindi tayo magkakatulad.
Maaaring may iba na sobrang dali lang nilang magbuntis ngunit mayroon ding babae na sensitibo ang bawat paggalaw habang buntis.
6. “Parang baboy raw ako kumain.”
Kapag buntis na ang isang babae, normal lang na dumoble ang kanilang kinakain. Ito ay dahil hindi lang nila pinapakain ang kanilang sarili. May isa pa silang dapat bigyan ng tamang nutrisyon sa kanilang sinapupunan.
7. “Bakit daw nagbuntis ako kaagad ‘di pa ako nakaka-give back sa parents ko.”
Ibinahagi rin ng isang TAP mom na mayroong pumansin sa kaniyang pagbubuntis. Ayon dito, bakit daw nabuntis agad siya samantalang hindi pa siya nakaka “give back” sa kaniyang mga magulang.
Dagdag pa niya,
“Wala naman reklamo parents ko. Actually ako nga sumasagot ng gastusin sa bahay ngayon kasi wala work parents ko. Ngayon siya naman ‘yung buntis. Nangutang sa akin ‘di na nagbayad. Nagpadala pa ako sa kaniya ng gamit ng baby niya.”
8. “Maitim singit at kili kili.”
Isa rin ito sa mga natanggap ng ating TAP moms. Karamihan sa kanila ay sinabihan ng maitim ang kili-kili. Narito ang ilan sa kanila:
“Nagkaroon ako ng maraming tigyawat umitim kili kili at batok ko. Tapos tumaba pa ako. ‘Yung ibang tao nanglalait sakin dedma lang ako. Alam ko naman dahil lang sa hormonal imbalance ‘yun.”
9. “Ipaglag ko raw.”
Isa na ata ito sa pinaka-harsh na salitang natanggap ng ating TAP mom. Ayon pa sa kaniya, “Ipalaglag ko raw. Hindi kasi kami legal. Ayaw ng family ko sa jowaers ko.”
Dagdag pa niya,
“Pero ngayon, super in good terms sila. Nalaman nila na mali pala lahat ng tingin nila sa bf ko. Siguro dala ng disappointment kaya ganun. Kasi lahat ng dinala ko before sa bahay namin eh mayaman at magaganda ang trabaho.”
10. “Nagfe-feeling buntis daw ako.”
Bahagi pa ng isang TAP mom, may isang tao ang nagsabi sa kaniya na nagkukunwari lang siyang buntis. “Nagfe-feeling buntis lang daw ako. Masakit po makarinig ng ganun. Six years po naming hinintay ito. Tapos ganun pa ang sasabihin nila.”
11. “Dapat matagal na kitang hiniwalayan. Nandito lang naman ako para sa bata.”
Sinong hindi masasaktan sa mga salitang ito lalo na kung mangagaling sa taong pinakamamahal mo?
Ating tandaan na ang pagbabago ng pisikal na anyo ng isang buntis ay normal at hindi dapat ikabahala. Suporta at pagbibigay ng positibong salita sa mga buntis na nanay ang kanilang kailangan hindi ang nakakasakit na mga salitang katulad nito.