Isang ina mula sa Swindon, Wiltshire ang muntik nang kailanganin putulan ng daliri matapos magpa-ayos ng kuko. Ito ay dahil sa nakuhang impeksiyon dahil sa dekuryenteng panlinis ng kuko.
Dahil sa panlinis ng kuko
Kuwento ng 20 taong gulang na si Brittany Guyatt, kasama niya ang kanyang kapatid na nagpa-manicure. Sila ay nagpunta sa isang local na salon na dati na nilang napuntahan.
Siya ay nagpalagay ng acrylic na kuko ngunit nang ginagamitan ito ng electric nail file, nakaramdam daw siya ng kirot.
Ayon kay Brittany, na buntis sa mga panahong iyon, magaspang mag-trabaho ang lalaking gumagawa sa kaniyang kuko. Matapos siyang masugatanng panlinis ng kuko, nakaramdam na ito ng kakaibang pakiramdam sa kanyang daliri.
Ngunit, wala siyang nakitang kakaiba agad-agad sa kaniyang daliri. Dahil minsan talaga ay magaspang sila magtrabaho at dati na siyang nasugatan sa salon na ito, hindi siya nagsalita.
Sa simula raw ay parang nagpasa lamang ang kanyang daliri. Ngunit, ang simpleng pasa na ito ay lumaki at namula. Maya-maya, mukha na itong isang paltos.
Hindi niya ito pinansin noong una sa pag-iisip na ito ay kulugo lamang na kusang mahuhulog. Ngunit, sa patuloy na paglaki nito, nagsimula na itong mamalat hanggang sa nangitim at natuyo.
Nilubog ito ni Brittany sa tubig na may asin. Binalutan din niya ito upang maiwasan ang pagsabit nito sa mga bagay. Nang siya ay manganak, natakot siya na maipasa ang impeksiyon sa bagong silang na sanggol.
Granuloma
Dahil patuloy ang paglaki ng bukol sa daliri at dahil sa takot na maipasa ang impeksiyon sa anak, nagpasuri na si Brittany. Nang kanya itong ipakita sa duktor, sinabihan siya nito na siya ay may granuloma.
Ang granuloma ay namamagang tissue dahil sa impeksiyon. Kahit madalas na nakikita sa mga lugar tulad ng baga, maaari rin itong idulot ng mga bagay na makakasugat at maka-impeksiyon sa tissue.
Siya ay rinesetahan ng steroid cream at pinatigil mag-breastfeed ng anak. Sa pagbalik sa duktor, siya ay pinakuha ng blood tests at X-ray upang siguraduhin na hindi pa umaabot sa buto ang granuloma.
Ayon sa mga duktor, patuloy lamang lalaki ang bukol dahil may natamaan itong ugat. Kakailanganin narin na tanggalin o sunugin ito bago pa lalong lumaki at umabot sa buto.
Nangako si Brittany na hindi na muling magpapalagay ng acrylic na kuko (fake nails). Nais niya rin ibahagi ang kanyang kuwento bilang babala sa mga nais magpa-ayos ng kuko. Siguraduhin na nalinis nang mabuti ang mga panlinis ng kuko bago gamitin sa kanila.
Source: Dailymail
Basahin: 22-year-old woman may have contracted HIV during a manicure