5 karaniwang sex fantasies ng mga mister

5 karaniwang sex fantasies ng mga mister

Ano nga ba ang mga karaniwang pantasya ng mga lalaki pagdating sa sex? Narito ang top 5 na pantasya ng mga mister pagdating sa pagtatalik. | Photo by Giorgio Encinas on Unsplash

Ano nga ba ang mga pantasya ng mga lalaki pagdating sa pagtatalik? Ang bawat mister ay mayroon nito, aminin man nila o hindi. Madalas na iniisip ng mga lalaki ang sex o pakikipagtalik—halos bawat pitong segundo, ayon sa mga sabi-sabi. Pero anu-ano kaya ang kanilang nai-imagine sa tuwing naiisip nila ito?

Karamihan sa kanila nais na gawin ito sa kanilang mga kabiyak ngunit karamihan din sa kanila ay nahihiyang magsabi sa kanilang mga misis. Hindi rin kasi nila ugaling maging open sa kanilang mga nararamdaman, mas lalo na pagdating sa usapin sa kama. Siguro'y iniisip nila na nababawasan ang kanilang pagka-macho.

Kaya naman inalam namin kung anu-ano ang mga pantasya ng mga lalaki pagdating sa sex para hindi na kayo mahirapan, mga mommies!

Narito ang ilang wildest dreams ng inyong mga mister... at ilang tips para matupad ito.

1. Hayaan ang babaeng maging in-charge

Naniniwala ang mga lalaking may malaking bilib sa sarili na ang sexiest na babae ay katulad din nila pagdating sa confidence. Isang malaking dagdag sa kanilang ego kapag alam nilang natu-turn on nila ang kanilang asawa at tahasan niya itong ipinapakita.

Minsan nais ng ilang mister gawin ang tinatawag na dominatrix style, kung saan gumagamit ng whips at handcuffs. Sa ilan naman, sapat na ang inuutusan sila ng kanilang mga asawa kung ano ang gusto nilang gawin sa kanila ng kanilang mister. Kaya mga misis, kung madalas ay in-charge ang inyong misters, huwag mag-atubili na baguhin ito at pangunahan siya pagdating sa kama.

2. Pakikipagtalik kasama ang ilang babae

Hindi na ito bago. Halos lahat ng mga lalaki ay pinapantasya ang isang mainit na pakikipagtalik sa dalawa o higit pang babae (threesome, foursome…). Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Journal of Sexual Medicine, naipakita rito na mahigit 80 porsyento ng mga lalaki ang pinapantasyang makatalik ang dalawang babae.

Mga misis, tulungan ang inyong mga mister na iangat ang kanilang kalibugan at maramdaman na tila maraming nangyayari sa kaniya nang sabay-sabay sa pamamagitan gn paggamit ng sex toys tulad ng prostate massagers.

3. Mai-blowjob

Unti-unti kang matu-turn on sa dahang-dahang pag-angat ng maiinit na mga labi ng iyong misis sa ibabang bahagi ng iyong katawan—simpleng pantasya ngunit madalas na naiisip ng mga kalalakihan. Hindi mawawala ang pantasyang ito sa halos 90 porsyento ng mga lalaki.

Kaya mga misis, kung gusto ninyong gawin ito sa inyong mga mister pero nahihiya kayo, maraming iba’t ibang paraan para gawin ito. Halimbawa, hayaan siyang lumuhod sa harap mo habang ikaw ay nakahiga. Kung hindi mo nagugustuhan ang iyong nalalasahan, mag-eksperimento sa ilang flavored lubricant.

4. Panoorin ang kanilang misis

Minsan ay sexy isiping makita ang inyong minamahal na binibigyan ng kaligayahan ang sarili, halimbawa, sa pamamagitan ng pagma-masturbate o di kaya sa pakikipagtalik sa ibang partner. Ilan lang ito sa pantasya ng mga lalaki na mamboso. Huwag mahiyang gawin ito, mga misis.

5. Pakikipagtalik sa ibang babae

Masarap na bawal, ganito ang naiisip ng ilang lalaki na nagpapantasyang makipagtalik sa ibang babae bukod sa kanilang partner. Halos 80 porsyento ng mga lalaki ang naiisip ito. Mga misis, maaari ninyo itong ibigay sa inyong mga mister sa pamamagitan ng tinatawag na role playing. Umarte na tila hindi kayo magkakilala sa susunod na pagtatalik ninyo ng iyong asawa.

Sabi nga nila, huwag maging boring, ipagpatuloy lang ang init sa inyong relasyon.

 

*Isinalin mula sa wikang Ingles
https://sg.theasianparent.com/sexual-fantasies-of-married-men/

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner