X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

10-anyos, nagoyo na magpadala ng P738k sa kalarong gamer

4 min read

Panuntunan sa paggamit ng computer o gadget ng mga bata, ang dahilan kung bakit kailangang higpitan ng mga magulang.

Panuntunan sa paggamit ng computer o gadget

image from AsiaOne

Panuntunan sa paggamit ng computer o gadget ng mga bata

Hindi akalain ng isang lola na malaking pera na pala ang nawawala sa kaniya habang tahimik na nagmumukmok sa cellphone ang kaniyang apo. Nalaman niya nalang ito ng makita niya ang 100,000 yuan o P 738,000.00 na na-charge sa kaniyang credit card account.

Ang kaniyang apo nagpapadala pala ng mga virtual gifts sa isa nitong kalarong gamer online bilang kapalit umano ng pakikipaglaro nito sa kaniya.

Ayon sa kaniyang apo na si Xiao Ming, 10-anyos, nakilala niya ang gamer sa video sharing platform na Kuaishou. Isa ito umano sa pinakamagaling sa nasabing platform kaya naman ginusto nitong makalaban at makalaro ang gamer. Pumayag naman ang gamer sa hiling ni Xiao Ming kapalit ng isang kondisyon. Ito ay ang susundin ni Xiao Ming lahat ng gusto niya.

Kaya naman sinunod ni Xiao Ming ang mga instructions na itinuturo ng gamer. Pinagbigyan rin ng bata lahat ng mga request nito tulad ng mga virtual gifts na ipinapadala niya sa pamamagitan ng WeChat.

Ngunit ng maibigay na ni Xiao Ming ang lahat ng gusto ng gamer ay bigla nalang umano siya nitong i-binolock. Burado narin ang gaming account nito sa Kuaishou.

Ayon kay Xiao Ming, alam niya na ang pagpapadala ng virtual gifts ay may presyo pero hindi niya akalain kung gaano kamahal ang mga ito.

Gulat na gulat naman ang lola at mga magulang ni Xiao Ming sa nangyari. Lalo na sa laki ng halagang nawala sa kanila.

Sinubukang makipag-coordinate ng mga magulang niya sa Kuaishou para maibalik ang perang nakuha sa kanila. Ngunit hanggang ngayon ay wala pang sagot ang video platform sa issue.

Mga dapat ipaalala sa iyong anak para sa ligtas na paggamit niya ng internet

Iwasang mangyari sa iyong anak ang panloloko na ito online sa pamamagitan ng pagbibigay panuntunan sa paggamit ng computer at gadget sa kaniya. Narito ang mga guidelines na dapat mong ipaalala sa kaniya para masigurong ligtas siya sa paggamit ng internet lalo na kapag hindi ka kasama

  • Ipaliwanag sa kaniya kung bakit kailangan niyang sumunod sa mga internet rules na ibinibigay mo at ng inyong Internet service provider.
  • Paalalahanan siya ng huwag mag-post o makipagpapalit ng personal pictures online.
  • Ipaalala rin na hindi siya dapat basta nagbibigay ng kaniyang personal information sa ibang tao tulad ng kaniyang phone number, address at lokasyon.
  • Hindi niya rin dapat pinamimigay ang kaniyang password maliban sa iyo na magulang niya.
  • Kung inaaya siyang makipagkita ng taong nakilala niya online ay dapat na agad niya itong ipaalam sayo. Ganoon rin kung siya ay nakakatanggap ng pananakot o request mula sa mga nakilala niyang tao online.

Para sa mga magulang ay dapat ding maging mahigpit sa pagbabantay sa paggamit ng internet ng iyong anak. Magagawa ito sa pamamagitan ng sumusunod:

  • Mag-spend ng time kasama ang iyong anak para makita ang ginagawa niya online.
  • Ilagay ang computer, gadget at smartphones sa common area at hindi sa kwarto para ma-monitor mo ang ginagawa niya.
  • Limitahan ang paggamit niya ng computer at gadget.
  • I-bookmark ang mga favorite sites ng iyong anak para mas madali niya itong makita.
  • Ugaliing i-check ang iyong credit card at phone bills para malaman mo agad kung may unfamiliar account charges.
  • Makipag-ugnayan din sa eskwelahan ng iyong anak para malaman kung sila ba ay napapayagan mag-access ng internet at kung may online protection ba silang ginagamit para masigurong ligtas ang iyong anak online.
  • I-encourage ang iyong anak na maging open sa iyo sa lahat ng oras kung may gusto siyang sabihin o may bagay na gumugulo sa kaniya.

Samantala, ang mga warning signs na palatandaan na maaring nabibiktima na ng isang online predator ang iyong anak ay ang sumusunod:

  • Mahabang oras na iginugugol niya online lalo na sa gabi
  • Nakakatanggap siya ng mga tawag mula sa mga taong hindi mo kilala
  • Biglang pagpapatay ng iyong anak ng computer o gadget kapag dumaraan o dumarating ka.
  • Mga regalo o sulat na dumarating para sa kaniya.
  • Pag-iwas na makihalubilo sa mga pamilya o kaibigan niya.

Ang pagkakaroon ng open communication sa iyong anak ang pangunahing sikreto para maiwasan ang mga bagay na maaring ikapahamak niya. Hangga’t alam niya na nandiyan ka at may oras ka para makinig sa kaniya ay hindi siya magdadalawang-isip na lumapit sayo at ipaalam ang bawat maliliit na bagay na gumugulo sa kaniya.

Source: AsiaOne, Kid’s Health

Basahin: 10 Things you need to teach your kids about internet safety

Partner Stories
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
#SendLoveWithBebeBata
#SendLoveWithBebeBata
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • 10-anyos, nagoyo na magpadala ng P738k sa kalarong gamer
Share:
  • Dahil sa kakagamit ng gadget, 4-anyos naging short-sighted at 650 na ang grado ng mata

    Dahil sa kakagamit ng gadget, 4-anyos naging short-sighted at 650 na ang grado ng mata

  • 5 Kaugalian na maaaring makapagpalayo ng loob ng iyong asawa

    5 Kaugalian na maaaring makapagpalayo ng loob ng iyong asawa

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Dahil sa kakagamit ng gadget, 4-anyos naging short-sighted at 650 na ang grado ng mata

    Dahil sa kakagamit ng gadget, 4-anyos naging short-sighted at 650 na ang grado ng mata

  • 5 Kaugalian na maaaring makapagpalayo ng loob ng iyong asawa

    5 Kaugalian na maaaring makapagpalayo ng loob ng iyong asawa

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pag-aalaga ng baby at kanilang kalusugan.