Giselle Sanchez pinayuhan si Paolo Contis: "Please don’t throw this family away"

Ayon pa sa aktres, may pag-asa pang maayos ang relasyon ng dalawa. At si Paolo ang susi, para ito ay mangyari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Giselle Sanchez nag-react sa hiwalayan nila Paolo Contis at LJ Reyes.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Reaksyon ni Giselle Sanchez sa hiwalayan nila Paolo Contis at LJ Reyes.
  • Payo ni Giselle Sanchez kay Paolo Contis.

Reaksyon ni Giselle Sanchez sa hiwalayan nila Paolo Contis at LJ Reyes

Image from LJ Reyes Official Facebook account

Marami ang nanghinayang sa kinahinatnan ng relasyon nila Paolo Contis at LJ Reyes. Isa na nga rito ay aktres na si Giselle Sanchez na nakatrabaho ni Paolo sa ilan niyang mga proyekto sa telebisyon.

Sa isa sa kaniyang column sa pahayagang Manila Bulletin ay may open letter na ginawa si Giselle para kay Paolo.

Ayon sa aktres at kolumnista, naniniwala siya na may pag-asa pa umano ang relasyon ni Paolo at LJ na maayos. Lalo pa’t tumagal ito ng anim na taon. Ito ay kung pagbabasehan umano ang naging panayam kay LJ ng veteran TV host na si Boy Abunda kamakailan lang.

Sa interview ay sinabi ni LJ na hindi madaling basta itapon at kalimutan ang naging pagsasama nila ni Paolo. Dahil ayon sa kaniya hindi lang basta relasyon bilang isang couple ang mayroon sila. Sila rin ay mas may malalim na pagkakainitindihan pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We’ve been together for six years, it’s not easy to forget a relationship that you built for six years with the children. This is not just companionship. Our relationship was deep.”

Ito ang nasabi noon ni LJ sa nasabing interview.

Komento ni Giselle, sa sinabing ito ni LJ ay malinaw na may pag-asa pa ang dalawa na maayos ang kanilang relasyon. At kung may susi daw para ito ay mangyari, walang iba kung hindi si Paolo iyon.

“To be honest, I still believe that there is hope to save the six-year relationship of Paolo Contis and LJ Reyes. Paolo is the key.” sabi ni Giselle Sanchez.

Payo ni Giselle Sanchez kay Paolo Contis

Image from LJ Reyes Official Facebook account

Kaya naman si Giselle Sanchez, may pakiusap kay Paolo Contis na nasaksihan niya umanong lumaki bilang isang mabuting tao, ama at asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Paolo, if you are reading this, please listen to your Ate Giselle.”

“I saw you grow to be a good boy to a good father and husband. Please don’t throw this family away who love you dearly.”

Ito ang payo ni Giselle Sanchez kay Paolo Contis.

Sa kabilang banda ay sinabi ni Giselle na hinahangaan niya ang pinakapakitang katapangan ni LJ sa mahirap na punto na ito ng kaniyang buhay.

“I really admire LJ for her strength and for her zeal to be committed to the relationship.”

Dagdag pa niya, ang mga pagsubok ay normal na bahagi ng bawat relasyon. Normal rin umano na lumayo kapag labis ka ng nasasaktan.

Sa kaso ni LJ at Paolo, ay ginawa pa umano nito ang magagawa niya para ma-save ang kanilang relasyon. Pero sa kasamaang palad ay si Paolo na mismo ang sumuko. Kaya naman siya lang din ang maaring mag-ayos nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You could justify walking away. Nobody would fault you, but when you’re committed, you show mercy, you give second chances, you make allowances for mistakes. They may not deserve it, they may be guilty, but only the guilty need mercy.

“LJ tried her best to stay committed to Paolo. But it’s different when the other person does not want you anymore.”

Ito ang nasabi pa ni Giselle Sanchez tungkol sa hiwalayan ni Paolo Contis at Giselle Sanchez.

BASAHIN:

LJ Reyes on split-up with Paolo Contis: “Pakiramdam ko iniintay lang niya na manggaling sa akin.”

LJ Reyes: “As a parent, you can’t do it alone. You can ask for help.”

LJ Reyes on split-up with Paolo Contis: “Pakiramdam ko iniintay lang niya na manggaling sa akin.”

Hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes

Image from LJ Reyes Official Facebook account

Sa ngayon ay si LJ ay nasa New York, USA na kasama ang mga anak niyang sina Aki at Summer. Ito ay kaniyang ginawa para makalimot kahit paano at para maprotektahan narin ang mga anak sa mga nangyayari.

Bagama’t sa kaniyang nagdaang interview ay hindi deretsang inamin ni LJ na may 3rd party sa kanilang naging hiwalayan ni Paolo, kumakalat naman sa internet at social media ngayon ang tila mga litrato at video ni Paolo at Yen Santos na magkasama.

Nananatiling tikom ang bibig ni Yen at Paolo ukol sa mga video at litrato. Pero ayon sa netizens, malinaw na ang dalawa nga ang nakitang magkasama. Ito ay masasabi umanong ebidensiya at paliwanag kung bakit bigla nalang nagwakas ang relasyong Paolo Contis at LJ Reyes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Manila Bulletin

Photo:

Facebook

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement