Isyu sa pagitan nila Paolo Contis at Yen Santos mas lalong umiinit sa pagdaan ng panahon. Ito ay matapos mag-trending ang sinabi ni Paolo na pagsasama nila sa Baguio ng aktres “as a friend”.
Mababasa sa artikulong ito:
- Update sa isyu sa pagitan nila Paolo Contis at Yen Santos.
- Mga pasaring ni Lolit Solis ukol sa relasyon nila Paolo Contis at Yen Santos.
Update sa isyu sa pagitan nila LJ Reyes, Paolo Contis at Yen Santos
Image from Paolo Contis Facebook account
Halos isang linggo na ang nakalipas ng mag-post si Paolo Contis sa kaniyang Instagram account ng patungkol sa isyung kaniyang kinahaharap ngayon.
Ito ay may kaugnayan sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes na kung saan ang dahilan umano ay si Yen Santos. Ang usap-usapan sa pagitan ni Paolo at Yen ay mas uminit pa nang kumalat sa social media ang mga picture nilang magkasama sa Baguio.
Sa kaniyang Instagram post ay nagpaliwanag si Paolo sa kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Yen. Ayon sa post ng aktor, ay 3 days siyang nag-stay sa Baguio para makapag-isip.
Ito ay matapos umalis si LJ at ang mga anak niyang si Aki at Summer pa-New York. Sa isa sa mga araw niya umano sa Baguio ay inimbitahan niya na pumunta doon si Yen “as a friend” para may makasama siya.
“I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Paolo sa kaniyang Instagram account.
Lolit Solis sa relasyon ni Paolo Contis at Yen Santos: “Sobrang friend!”
Image from Paolo Contis Facebook account
Ang linyang “as a friend” ni Paolo na ito ay trending ngayon sa social media. Kaya naman ang isyu sa pagitan nila ni Yen ay mas uminit pa.
Hindi nga napigilan ng mga kilalang showbiz at talk show host na sila Lolit Solis, Mr.Fu at Cristy Fermin na hindi mag-react sa pahayag na ito ng aktor. Sa kanilang episode sa “Take It …. Per Minute, Me Ganun!” sa Pilipino Star Ngayon ay ito ang isa sa mga topic na napag-usapan nila.
Doon natanong si Lolit Solis ni Mr. Fu kung bakit si Yen Santos ang naisipang ayain ni Paolo. Ito ang sagot ng beteranang talk show host.
“Best friends sila ni Yen. Mother figure si Yen at si Yen ang masarap kausap buong maghapon hanggang gabi.”
Ito ang natatawang sagot ni Lolit Solis.
Sinundan pa ito ng tanong ni Mr. Fu kung naniniwala ba siya kung friends ba talaga sila Paolo Contis at Yen Santos. Ang sagot ni Lolit Solis ay isang malakas na, “sobrang friend.”
Ang pahayag na ito ni Lolit ay may laman o may ibang ibig sabihin. Lalo pa’t sinundan niya ito ng pahayag na bakit kinailangan pa ng dalawa na magpunta sa Baguio kung puwede naman silang mag-usap as a friend sa Mandaluyong o mas malapit na lugar.
BASAHIN:
LOOK: LJ Reyes slays in New York, keeps busy after split-up with Paolo Contis
Paolo Contis on split-up with LJ Reyes: “Yen Santos was never the reason of our break up. I was.”
Giselle Sanchez pinayuhan si Paolo Contis: “Please don’t throw this family away”
Lolit: “Hindi usual na isang lalaki tatawagan ang isang babae para samahan siya dahil may problema siya”
Image from Paolo Contis Facebook account
Sa kaniyang latest Instagram post ay may muling pasaring si Lolit tungkol dito. Pahayag niya dahil sa trending ngayon ang linyang “punta tayo sa Baguio as a friend”, hindi usual na ang isang lalaki ay tatawagan ang isang babae kung may problema siya tulad ng palusot umano ni Paolo sa pagsasama nila ni Yen sa Baguio.
“Kasi nga hindi naman usual o common na isang lalaki tatawagan ang isang babae para samahan siya dahil may problema siya.
At hindi rin common na ang isang Paolo Contis na heto alam mo na ang history sa love life sasamahan mo kung isa kang single at available na babae at kayong dalawa lang ang mag uusap as ‘friends’.”
Ito ang pahayag ng talk show host sa kaniyang Instagram account.
View this post on Instagram
Samantala, nagbigay rin ng opinion niya si Cristy Fermin sa tingin niyang relasyon ni Paolo Contis at Yen Santos.
“Ako naman, ang katuwiran ko diyan, kapag bigong-bigo ang puso ng lalake, ang tatawagan niya, best friend na lalake. Or isang babae na ina-eye niya, na gusto niyang marinig ng babae ang kanyang emosyon, para lalo silang magkalapit.”
Ito ang opinion ni Cristy Fermin sa nabubuo umanong relasyon sa pagitan ng dalawa na maaring nagsimula sa pagtetaping nila ng pelikulang “A Faraway Land” sa Faroe Islands, Denmark.
Source:
Pilipino Star Ngayon
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!