Aktor na si Paolo Contis hindi na napigilang magsalita tungkol sa mga isyung patuloy na iniiugnay sa kaniya. Paolo may mga rebelasyon tungkol sa relasyon niya sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Paolo Contis as a father.
- Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak niya.
- Relasyon ni Paolo Contis at Yen Santos.
Paolo Contis as a father
Larawan mula sa Facebook account ni Paolo Contis
Sa kaniyang naging recent interview sa programang “Fast Talk” ng beteranong talk show host na si Boy Abunda ay sinagot ng aktor na si Paolo Contis ang mga isyung ipinupukol sa kaniya.
Nangunguna na nga rito ay ang tunay na dahilan sa paghihiwalay nila ng aktres na si LJ Reyes na ngayon ay nasa Amerika kasama ang anak nilang si Summer.
Kuwento ni Paolo, bago pa man lumabas ang isyu tungkol sa kanila ni LJ ay madalas na ang naging pag-aaway nila. Pag-amin ng aktor nabalewala niya ang mental health ni LJ at inakalang noong pandemic ang pagbibigay sa pangangailangan ng mag-ina niya ay sapat na.
“One of my biggest mistakes was hindi ko inalala ‘yong mental health ni LJ. Isa ‘yon sa feeling ko naging simula ng downfall namin, na hindi ko inisip ‘yon.
Kapag nahihirapan siya during pandemic, ang utak ko, ‘Four times a day tayo kumain, chill ka diyan’, which was one of my biggest mistakes.”
Ito ang pagbabahagi ni Paolo.
Dagdag pa niya, mas lumalim daw ang problema nila ni LJ dahil hindi na nila pinag-uusapan ang mga problema nila. Si Paolo habang dumidiskarte ng mag-isa para sa kaniyang pamilya ay nakalimutan ng i-inform si LJ sa mga ginagawa niya. Dito na raw mas nagpatong-patong ang problema. Pero pag-amin niya may mga kalokohan din talaga siyang ginagawa noon.
Paolo hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak niya
Lian Paz kasama ang mga anak nila ni Paolo Contis at ng kinakasamang si John Cabahug
Pag-amin pa ng aktor ay hindi rin siya nagbibigay na ng sustento sa anak niyang si Summer kay LJ mula ng maghiwalay sila. Ganoon din sa dalawa niyang anak sa dance at estranged wife na si Lian Paz. Ito ang paliwanag ng aktor kung bakit.
“Sa sustento issue, I don’t give. Again, I have my reasons why, but I’m saving for them. I have some savings for them that hopefully, one day, I could give to them straight. It’s a mistake na nasimulan ko na hindi ako nakapagbigay, but ever since na nagtrabaho ako nang maayos, unti-unti akong naglalagay sa account para kay Xonia, kay Xalene, pati kay Summer.”
Ito ang sabi ni Paolo.
Sabi pa ni Paolo, pinili niyang hindi nalang magsalita sa mga isyung kinakaharap para na rin sa kapakanan ng mga anak niya. Ang gusto niya lang daw ay peace para narin sa mga ito.
Kung mayroon nga daw siyang gustong bawian at kinatatakutan ay ang magalit sa kaniya ang mga anak niya kay Lian Paz na ganito katagal na daw hindi nakikita at nakakausap ng aktor.
“The last time I saw Xonia and Xalene was six or seven years ago, when we went to Cebu, and then naputol na naman. Kay Summer, magiging two years ko na siyang hindi nakaka-usap.
I reached out though, I tried to reach out. But as I always say, forgiveness takes time. Healing takes time, and I’m giving that to LJ.”
“Yong sa dalawa ko, gusto kong bumawi. ‘Yung kay Summer biglaan kasi. It doesn’t make me love Summer more. Lahat silang tatlo mahal ko siyempre, pero doon sa dalawa, medyo malalim-lalim na rin ‘yung pagkukulang ko so hindi ko sila masisisi.”
“Hindi naman na sa akin lumaki ‘yong mga bata, especially si Xonia at si Xalene, so para ma-hate nila ako, ‘yon ‘yong pinaka-fear ko.
Nasa stage ako na maging magkaibigan lang tayo eventually. Civil lang, wag lang galit. Hindi ko kailangang mahalin nila ako kasi hindi ko ‘yon masisisi.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Paolo tungkol sa relasyon niya sa mga anak.
Relasyon ni Paolo Contis at Yen Santos
Larawan mula sa Facebook account ni Paolo Contis
Sa parehong interview ay kinumpirma rin ni Paolo ang tunay na estado ng relasyon nila ni Yen Santos. Pag-amin sa aktor ay girlfriend niya na nga si Yen Santos ngayon.
Si Yen Santos ba ay girlfriend mo na? Oo, hindi?”
Ito ang tanong ni Boy Abunda kay Paolo na unang sinagot ng aktor ng pabirong tanong na “As a friend?”. Pero agad niya rin sinundan ng malaking “yes” at pagpaliwanag sa tunay na score sa pagitan nila ng aktres na si Yen Santos.
“Yes. Ang sa amin kasi, what you see is what you get naman. Hindi namin puwede ipilit ‘yong tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit ‘yong mga tao na paniwalaan ‘yong gusto nilang paniwalaan.
Sana lang isipin nila na kung ano lang ‘yong nakikita nilang naka-post, iyon lang ‘yong truth na alam nila.”
Ito ang sabi pa ni Paolo Contis.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!