Paolo Gumabao ibinahagi ang magandang relasyon nila ni Marco Gumabao bilang half brothers. Aktor ikinuwento rin kung paano niya nakilala si Marco sa personal.
Mababasa dito ang sumusunod:
Paolo Gumabao and Marco Gumabao as half brothers
Parehong kilala bilang mga aktor ang magkapatid na sina Paolo Gumabao at Marco Gumabao. Pero magkaiba man ang kanilang mga ina, bilang half-brothers ayon kay Paolo ay maayos ang relasyon nila ni Marco. Sa katunayan ay may mga similarities sila at hobbies na napagkakasunduan.
“People think there will be competition, but between the two of us, there is none. It never happened na nagka-inggitan kami.”
Ito ang pagbabahagi ni Paolo sa isang panayam tungkol sa relasyon nila ni Marco bilang magkapatid.
Pagkukuwento pa ni Paolo, sa kanilang dalawa ni Marco ay ito ang mas nakakatanda ng apat na taon. Pero si Paolo, hindi dito lumaki sa Pilipinas. Dahil isang taon palang siya ng dinala siya sa Taiwan ng kaniyang ina at doon na tumira hanggang siya ay mag-kinse anyos na.
Relasyon ni Paolo sa amang si Dennis Roldan at mga half siblings niya
Pagbabahagi pa ni Paolo, hindi man nagkatuluyan ang kaniyang ina at aktor na si Dennis Roldan ay wala daw siyang hinanakit o sama ng loob. Lalo pa’t sa paglaki niya ay ni kahit minsan hindi nagsabi ng kahit anumang masama laban sa kaniyang ama ang kaniyang ina. Ito daw marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit mabilis niya ring nakasundo ang ama sa una palang nilang pagkikita. Ganoon rin ang mga kapatid niya tulad ni Marco.
“I was not raised with deep hatred with my dad. And it wasn’t my dad’s fault that I grew up away from him. It was my mom’s fault that I lived away from my dad.
“It wasn’t my dad’s fault, in reality. Growing up, I didn’t have any resentment with my dad.”
Kaya naman si Paolo, lumaki mang malayo sa ama ay may positive outlook sa buhay at kasundo ang mga half-siblings niya.
“Feeling ko naman it was a mutual thing. After they all met me, they were all very eager to bond with me and know me better.”
Ito ang sabi pa ni Paolo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!