TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login / Signup
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

LOOK: Paolo Valenciano surprises family with his wife's pregnancy!

5 min read
LOOK: Paolo Valenciano surprises family with his wife's pregnancy!

Panoorin dito kung paano sinabi nina Paolo at Sam ang magandang balita sa kanilang pamilya at ano ang naging initial na reaksyon nila.

Narito kung paano sinabi nina Paolo Valenciano at wife niyang si Sam Godinez ang kanilang pregnancy sa kani-kanilang mga pamilya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Paolo Valenciano and wife Sam Godinez pregnancy.
  • Reaksyon ng pamilya nina Sam at Paolo ng malaman ang kanilang pagbubuntis.

Paolo Valenciano and wife Sam Godinez pregnancy

paolo valenciano and wife sam godinez pregnancy

Larawan mula sa Instagram account ni Paolo Valenciano

Buntis sa pangalawa nilang anak ang events director na si Paolo Valenciano at wife niyang si Sam Godinez. Ang kanilang announcement ang nilalaman ng pinakabago nilang vlog sa YouTube channel nilang “The Other Vees”. Ang pregnancy announcement na ito ay ipinakita ang reaksyon ng mga miyembro ng pamilya nina Paolo at Sam ng marinig na ang magandang balita.

Sa pagsisimula ng vlog ay makikitang may inabot na box si Sam kay Paolo. Maririnig sa background na sinabi niyang ito ay isang gift na napaaga niyang ibinigay sa mister. Pagkabukas ni Paolo sa box bigla nalang itong napaiyak. Ang laman pala nito ay tatlong pregnancy test kits na ang resulta ay lahat positive.

Si Paolo, nagulat at hindi inaakalang idino-document na ng kaniyang misis ang reaksyon niya sa bagong blessing na ito sa kanilang pamilya. At ang mga susunod na tagpo sa kanilang vlog ay mas naging nakaaaliw at kaabang-abang. Dahil si Paolo at Sam, bini-videohan rin ang mga reactions ng kani-kanilang pamilya ng malaman ang magandang balita.

Kuwento ni Paolo sa kanilang vlog, ang mga unang linggo ng pagbubuntis ni Sam ay pinili nilang isikreto muna. Lalo na sa kanilang 5-years old na anak na si Leia. Dahil pagpapatuloy ni Paolo, kapag nalaman ni Leia ay malalaman na ng lahat ng kakilala nila.

“So for the next couple of weeks, we acted out like everything is just normal. No way, we could tell Leia what’s going on because she likes to make kuwento everything to everyone. If she finds out, the whole world will find out.”

Ito ang maririnig na sabi ni Paolo sa kaniyang vlog.

paolo valenciano and wife sam godinez with leia

Larawan mula sa Instagram account ni Paolo Valenciano

Reaksyon ng pamilya nina Sam at Paolo ng malaman ang kanilang pagbubuntis

Ang unang pinagsabihan ni Paolo tungkol sa pagbubuntis ni Sam ay ang ama niyang si ‘Mr. Pure Energy’, Gary Valenciano. Sinabi niya dito ang magandang balita matapos silang magpunta sa ospital ni Sam para magpa-check-up at masiguradong maayos ang pagbubuntis nito. Lalo pa’t noong una ay nagkaroon sila ng measles scare na lubhang magiging mapanganib para sa buntis.

Makikita sa recorded video ng pag-uusap ni Paolo at kaniyang ama ay makikitang tuwang-tuwa si Gary V ng malaman ang balita.

Matapos sabihin kay Gary V, ang sunod naman na pinagsabihan nina Sam at Paolo ng kanilang pagbubuntis ay anak nilang si Leia. Si Sam, pinapakinig kay Leia ang heartbeat ng kaniyang baby at doon na pinaliwanag ang nangyayari.

“Sam: You know what that is?

Leia: That’s a heart.

Sam: Yes another heart, that’s a baby.”

Ganito kung paano sinabi ni Sam ang pagbubuntis sa anak na humihirit pa ng isang brother at sister sana. Muli ay binilinan nila ito na huwag munang sasabihin sa iba.

Ang sunod naman na pinagsabihan nina Sam at Paolo ng kanilang pagbubuntis ay ang pamilya ni Sam. Dahil sila ay bumisita lang sa mga ito ay nagkunyari sina Sam at Paolo na mag-COVID test. Sa bahay ng pamilya ni Sam ay maririnig na nagulat ang lahat at nag-alala ng sabihin ni Paolo na “She’s positive”.

Ang ina nga ni Sam na si Gina Tabuena Godinez ay napasigaw ng “get out” sa pagkabigla. Pero ito ay nabago ng agad itong sundan ni Sam ng “I’m pregnant” statement niya. Ang pamilya niya ng marinig ito ay napatalon sa tuwa.

Sunod naman naman na pinuntahan nina Sam at Paolo ay ang bahay ng pamilya Valenciano. Doon ay masayang ibinahagi ni Leia sa kanilang mga house help na buntis na ang Mama niya. Ang mga ito ay makikitang lumiwanag ang mukha ang saya.

LOOK: Paolo Valenciano surprises family with his wifes pregnancy!

Samantala, ang pagsasabi naman sa mommy ni Paolo na si Angeli Valenciano ay ginawa nila sa tulong ni Leia. Habang nagdadasal si Leia para sa hapunan ay nakikinig ang talent manager at misis ni Gary V na si Angeli Valenciano.

“Thank you Lord for the food and thank you that Jesus I had fun watching and thank you that I had fun playing my iPad in the car, in Jesus name, amen.”

Ito ang mga unang sinabi ni Leia sa kaniyang prayer na kung saan makikitang tutok na tutok ang lola niyang si Angeli na nakikinig. Agad lumapit naman si Paolo sa anak at may binulong. Tinuloy nito ang pagdadasal, ito ang kaniyang mga sinabi.

“And thank you mama has a baby in her stomach.”

Si Angeli makikitang nanlaki ang mga mata na tila nagtatanong kung totoo ba ang sinasabi ng apo niya. Napatanong pa nga ito ng “How did it happened?” na sinundan ng tawanan sa masayang pamilya nila.

Si Leia ganito naman ang naging spiel ng sabihin na sa kaniyang Tito Gab Valenciano ang magandang balita.

“Tito Gab, I have a baby in Mama’s stomach. Mama got married again. I don’t know if… having a baby sister or baby brother.”

Si Gab noong una ay hindi rin makapaniwala sa narinig. Pero sobrang tuwa-tuwa nang makumpirma ito.

Ang panggugulat at pag-anunsyo sa magandang balita ay ginawa rin ni Paolo sa mga kasamahan niya sa teatro. Noong una ay seryoso niyang ibinahagi sa mga ito na na-expose sila kay Sam na isang positive. Ang mga ito, nagulat at biglang nag-alala. Pero nang sabihin ni Gab na “we are expecting” napa-OMG at napatalon ito sa tuwa.

“Oh my gosh! Congrats brother. Kinabahan na kami.”

Ito ang maririnig na sabi ng isang kasamahan ni Paolo sa teatro.

Congrats Paolo at Sam!

The Other Vees Vlog

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Paolo Valenciano surprises family with his wife's pregnancy!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko