Mahalaga ang diet at nutrition para sa pregnant women. Sa kabuuan ng pregnancy journey ng isang babae, bahagi nito ang pag-iingat sa mga kinakain.
May mga pagkain na nirerekomenda ng doktor na kainin at ang ilan naman ay ipinaaalalang iwasan. Halimbawa ang pagkain ng papaya, pwede ba ito sa buntis o nakakasama nga ba ito sa buntis?
Hinog o hilaw: Papaya pwede ba sa buntis?
Larawan mula sa Pexels kuha ng Free Stock Org
Kung ikaw ay buntis, mahalagang alamin kung ang iyo bang kinakain ay makakaapekto sa iyong pregnancy. Importante ito para masiguro ang kaligtasan niyo ng iyong anak. Tulad na lamang sa pagkain ng papaya, nakakasama ba ito o pwede naman ito sa buntis?
Ang hinog na papaya ay natural source ng beta-carotene, choline, fiber, folate, potassium, at vitamin A, B, and C. Samantala, ang hilaw na papaya naman ay rich source ng latex at papain.
Good source din ng vitamin C ang hinog na papaya, ito ay importanteng nutrient during pregnancy. Ang maliit na papaya ay tinatayang may 95 mg ng vitamin C. Dagdag pa na may fiber ang papaya na makatutulong upang maiwasan ang constipation kapag ikaw ay buntis.
Subalit ang pagkain ng hilaw na papaya ay ipinagbabawal para sa buntis. Mayroong mga speculation na maaari itong magdulot ng miscarriage.
Nakakasama ba ang papaya sa buntis?
Ang papayang hinog ay pwede sa buntis, katunayan ay marami itong nutrients na makatutulong sa pregnancy. Pero ang hilaw na papaya para sa buntis ay hindi maaari.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Robin Ramos
Ayon sa mga eksperto, limitado lamang ang mga pag-aaral sa risk ng hilaw na papaya para sa buntis. Subalit mayaman sa latex ang hilaw na papaya na maaaring maging mapanganib. Ang type ng latex na matatagpuan sa hilaw na papaya ay dapat iwasan ng mga buntis.
Ito ay maaaring mag-trigger ng uterine contractions, na pwedeng magdulot ng early labor. Dagdag pa rito, mayroon itong papain content na maaaring mapagkalaman ng iyong katawan na prostaglandins.
Ang prostaglandins ay ginagamit kung minsan para matulungan ang babae na mag-labor. Ganun din ang papain, maaaring maging dahilan ng paghina ng vital membranes na sumusuporta sa fetus.
Ang latex din ay common allergen na maaaring maka-trigger ng mapanganib na reaction sa buntis. Kaya naman, makabubuting huwag kumain ng hilaw na papaya kung ikaw ay buntis.
Benepisyo ng hinog na papaya sa buntis
Larawan mula sa pexels kuha ni Any Lane
Pwede sa buntis ang papayang hinog at maaari itong magbigay ng maraming benepisyo sa buntis. Mayaman sa vitamin A at B, beta carotene at potassium ang papayang hinog. Ang mga ito ay mahalaga sa health ng baby.
Makatutulong ang pagkain ng papayang hinog para magkaroon ng matibay na buto at malinaw na mata ang baby.
Subalit para sa mga mayroong gestational diabetes at latex allergies, dapat na iwasan ang pagkain ng papaya, hinog man ito o hilaw.
Narito ang mga benepisyo na makukuha sa pagkain ng hinog na papaya kung ikaw ay buntis:
Mayaman sa anti-oxidants ang papaya. Mayroon itong zeaxanthin at beta carotene content. Helpful ang mga ito para maiwasan ang cell degeneration at maprotektahan ang katawan mula sa oxidative damage.
Dahil mayaman sa dietary fiber ang papaya, matutulungan nito ang mga buntis sa masakit na pagdumi at maiwasan ang constipation.
-
Maiwasan ang heartburn at pagkahilo
Makatutulong ang papaya juice para ma-neutralize ang stomach acid upang maiwasan ang refluxes. Makakatulong ito para mabawasan ang heartburn na dulot ng acidity. Beneficial din ang papayang hinog para maiwasan ang pagkahilo at mabawasan ang morning sickness.
Ang folic acid na makukuha sa pagkain ng papaya ay makatutulong sa pag-increase ng supply ng red blood cells. Beneficial din ang folic acid sa development ng neural tube ng fetus. Makatutulong ito para maiwasang magkaroon ng birth defects sa brain at spine ang bata.
-
Proteksyon sa heart disease
May high level ng antioxidants ang papayang hinog tulad ng vitamin A, C, at E. Ang mga pagkaing mayaman sa antioxidants ay maaaring makatulong upang maiwasan ang risk ng heart disease.
Pinipigilan ng antioxidants ang oxidation ng cholesterol. Kapag nagkaroon ng cholesterol oxidation, maaaring mabarahan ang mga ugat na magdudulot ng sakit sa puso.
Dagdag pa rito, mayaman sa fiber ang papaya, at ang mga pagkain na rich in fiber may reduce the risk of heart disease. Ito ay dahil kapag mataas ang fiber content, ibig sabihin ay mababa ang cholesterol level.
Isa pang benepisyo ng papaya sa buntis ay makatutulong ito sa pag-boost ng immune system. Dahil mayaman sa vitamin C ang papaya, kaya mapalalakas nito ang immunity ng katawan.
Makakatulong ang vitamin C para malabanan ng katawan ang bacterial at viral illnesses. Magandang source din ang papayang hinog ng vitamin A, isa rin itong importante vitamin para sa healthy at functional na immune system.
Mga prutas na dapat iwasan kung ikaw ay buntis
Bukod sa hilaw na papaya, mayroon pang ibang prutas na hindi pwede para sa buntis. Narito ang ilan sa mga ito:
Larawan mula sa Pexels kuha ni Polina Kovaleva
1. Ubos
Mayroon mang high level ng vitamin A at C ang ubos, may mga dahilan na dapat mong malaman kung bakit mo ito dapat iwasan sa iyong first trimester:
- Resveratoral toxicity – mayaman sa compound na tinatawag na resveratrol ang outer skin ng grapes. May mga scientific research man na nagpapatunay na ito ay healthy nutrient, maaari pa rin itong maging toxic sa buntis. Ito ay dahil ang resveratrol ay maaaring mag-react sa disproportionate hormone levels ng buntis. Makaaapekto ito sa development ng sanggol.
- Pesticides na mahirap alisin sa skin – karaniwang ini-sprayan ng pesticide ang grapes at hindi ito madaling tanggalin sa skin ng grapes kahit na hugasan. Maaaring mag-contribute sa health complications ng fetus ang pesticide.
- Nagdudulot ng constipation ang pagkain ng grapes dahil mahirap i-digest ang skin nito.
2. Pinya
Kilala ang pinya na may bromelain content, enzyme na nabre-breakdown ng protein. Isa sa side effects ng bromelain enzyme ay ang pag-soften ng cervix na maaaring magdulot ng early labor.
- May mga pag-aaral din kung saan napatunayan na ang bromelain tablets ay maaaring maging sanhi ng irregular bleeding dahil napaka-potent nito sa pag-breakdown ng protein.
- Subalit makukuha mo lamang ang ganitong side effects kung ikaw ay kakain ng napakaraming pinya. Ibig sabihin pwede naman kumain ng pinya ang buntis ngunit limitado lamang. Ang pagkain din ng labis na pinya ay maaring magdulot ng acid reflux, heartburn, at diarrhea na maaaring magresulta ng dehydration. Inirerekomenda na kung nais mong kumain ng pinya at ikaw ay buntis, makabubuting kumonsulta muna sa iyong doktor bago kumain nito.
Sa kabilang banda, ang mga sumusunod na prutas ay safe at healthy naman para sa mga buntis:
- Apples
- Oranges
- Bananas
- Avocados
- Berries
Bakit mahalaga ang prutas sa buntis?
Esensyal na bahagi ng diet ng buntis ang pagkain ng prutas. Hindi lamang ito makatutulong sa growth ng iyong baby, beneficial din ito para sa iyong kalusugan.
Bukod sa rich nutrient content ay may low calorie content din ito. Kaya naman ideal talaga ang prutas bilang pagkain ng mga buntis. Narito ang iba pang benepisyo ng pagkain ng prutas sa buntis:
- Maiiwasan ang cell damage – may antioxidants ang mga prutas. Makatutulong ito para maprotektahan ang fetus sa anomang cell injury dulot ng damaging substances sa environment.
- Makatutulong ang pagkain ng apple upang maiwasan ang infancy wheezing.
- Mapapababa ang chance na magkaroon ng childhood eczema ang iyong anak kung kakain ka ng citrus fruits during preganancy
Sa buong pregnancy journey ng isang babae, mahalaga na kumonsulta sa doktor para malaman kung anong mga pagkain ang pwede at bawal sa iyo.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!