Ngayon, mayroon na akong dalawang makukulit na anak na lalaki — masaya ang buhay ko, magulo kung minsan pero masaya. Pero dati, hindi ganito.
May panahon na, imbis sa halakhak ng mga bata, paghatid sa school o mahihigpit na yakap mula sa maliliit na bisig, puno ng doctor’s appointment, pag-inject ng hormones at iba pang procedures para lang mabuntis ako.
Imbis na kaligayahan at pagmamahal mula sa mga anak namin, naranasan namin ang patuloy na pagkawala ng pag-asa, yung tipong laging nauuwi sa kalungkutan, minsan depresyon.
Pero bukod sa sakit na narasan ng aking katawan, mas malalim at mas matagal na sakit sa damdamin ang aking naramdaman. Walang salitang maiihambing sa pag-asang mararamdaman mo pagnakita mo na iinject sayo ang baby mo, na isang maliit na blastocyst pa lamang. Katulad nito, walang ring salitang maiihambing sa pagdurusa sa tuwing malaman mo na hindi ito naging matagumpay dahil hayan na, nagka-mens ka na.
Walang salita. Walang katumbas
Ngayon, iba na ang mundo ko, ang buhay namin ng asawa ko, matibay na nakabuklod sa buhay ng mga anak namin. Pero noon, ang sentro ng buhay namin ay ang pagka-baog ko.
Nung panahon na yon, asawa ko lang ang nakakausap ko, pero ngayon nakilala na kita. Gusto kong sabihin sayo, naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo, ang nararamdaman mo. Hindi ka nag-iisa.
Para sa babae sa grocery na tinitignan ang mga anak ko na tila may inaalala at nakangiti
Alam kong iniisip mo kung magkakaroon ka nang sariling anak na mamahalin, kung makikita mo ang sarili mong mata na tumitingin sayong puno ng pag-ibig.
Alam kong matagal mo na itong inaasam and at alam kong nagtataka ka na baka may mali sa’yo, o kung makikita mo pa ba yung dalawang linya sa pregnancy test na magsasabing nagdadalangtao ka na.
Kahit na hindi ko nakikita ang mukha mo habang pabalik ka sa kotse mo, alam kong napalitan ng luha ang ngiti mo.
Naiintindihan ko ang kalungkutan sa puso mo at buong puso kong hinihiling, na gaya ko, maging tunay na kaligayahan din yan balang araw.
Para sa babaeng puro sugat ang tiyan dahil sa procedures para ma-buntis–naiintidihan kita, gaya mo rin ako noon
Naramdaman ko rin ang sakit ng pagtusok ng injection sa balat ko, buwan-buwan, habang alam ko na ang katawan ko ay napupuno ng artipisyal na mga hormones. Pero masaya akong pagdaanan lahat ng hirap para lang makita ko na ang anak ko na matagal ko nang gustong makilala at mahagkan.
Naramdaman ko rin ang pagsaliksik ng mga doctor na sinusubukang hanapin kung ano ba ang ‘mali’ sa ‘kin. Andito pa yung mga sugat na dulot ng laparoscopy. Pero proud ako dahil alam ko na ang bawat sugat at bawat marka ay tanda ng paglaban ko sa kondisyon ko – battle scars, ika nga – marka ng paglaban at pagkapanalo ko sa pagka-baog.
Gusto kong sabihin sa’yo, balang araw, magiging mapapawi ang lahat ng hirap na pinagdadaanan mo. Manalig ka lang.
Para sa babae na nahihiya sa clinic dahil napapalibutan ng mga nanay at mga baby nila
Alam kong pumunta ka dito na puno ng pananabik sa pag-aasam na makikita mo na kasi at maririnig yung heartbeat ng baby mo! Pero, pagkacheck ng doctor, blanko yung screen. Walang kahit ano, walang pusong tumitibok. Kawalan lamang.
Sa mga susunod na araw, duduguin ka, ‘di lang mula sa katawan pero sa puso. Nakikiramay ako sa kawalan dahil naiintidihan ko. Naalala ko. Maging matatag ka.
Para sa babaeng paalis ng fertility clinic na puno ng pag-asa
Siguro plano mong magpa-egg retrieval, embryo transfer or laparoscopy para matanggal ang endometriosis sa mga obaryo mo. Kung ano man yan, walang makakapantay sa pag-asang nararamdaman mo. Naalala ko ang pakiramdam.
Sa tindi ng pag-asa tila mayayakap mo ito at alam ko sa araw na ‘to, uuwi ka at aasa, aasa na balang araw uuwi ka at makikita ang maliit na paang pumapagaspas sa sala, o maliliit na daliring hahawak sa buhok mo habang hahalik ka sa maliit na ilong.
Gusto kong sabihin sa’yo – panghawakan mo ang pag-asang yan, dahil yan ang magdadala sa’yo at magbibigay sa’yo ng dahilan para patuloy na mabuhay pa, ng mahabang panahon.
At para sa babaeng paalis ng fertilitly clinic na nawalan na ng pag-asa
Umiiyak akong kasama mo, kaibigan ko. Marahil marami ka nang pinagdadaan na fertility treatments, ni isa walang tumalab. Marahil sinabihan ka na ng doctor na sumubok ng ibang paraan.
Alam ko ito ay isa sa pinaka-mabigat na araw sa buhay mo at uuwi ka, babaha ang luha. Naalala ko ang pakiramdam.
Pero hayaan mo sana na sabihin ko ito sayo: Bilang isang babae na nasabihan na rin ng doctor na “itigil niyo muna at humanap ng ibang options” – huwag kang mawawalan ng pag-asa.
Ang pagnanais na maging isang ina ay isa sa pinakamatinding emosyon na mararamdaman ng isang tao, at ang nagpapalawig dito ay pagmamahal. Kaya tandaan mo: magtatagumpay ang pagmamahal mo – sa buhay, sa sarili, sa iyong magiging mga anak – balang araw, sa kung ano mang paraan.
READ: The grace of waiting: pregnant after 10 years of infertility
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!