Kung ikaw ay isang magulang na hirap sa pagpapakain sa bata at madalas mong iniisip kung paano mo ito masosolusyunan, hindi ka nag-iisa. Maraming mga magulang ang may mga picky eater na anak. Maaaring nakapag-research ka na at nakakita nang iba-ibang kasagutan, ngunit hindi mo pa rin matukoy kung ano ang tamang paraan ng pagpapakain sa bata.
Ngunit ayon kay Jill Castle na isang registered dietitian, childhood nutrition expert at may apat na anak, isang feeding style lamang ang dapat mong gamitin. Heto ang 4 na feeding style na puwede mong subukan para malaman kung ano ang pinaka-swak sa iyong anak.
4 na paraan ng pagpapakain sa bata
Aling feeding style ang pinakamainam para sa iyong picky eater? | Source: Pexels
Sa dami ng mga bata na may eating disorder at body image issue sa ngayon, dapat mag-iba ang paraan ng pagpapakain sa bata.
Alam niyo ba na ang paraan ng iyong pagpapakain sa iyong anak ay makakapagsabi ng kanilang emotional at physical health?
“May mga ebidensya sa mga childhood nutrition literature na ang paraan nang pagpapakain ay maaaring makaimpluwensiya hindi lamang sa timbang ng iyong anak kundi pati na din ang reaksyon nila sa pagkain” ayon kay Castle.
Dahil dito, naniniwala si Castle na isang feeding style lamang ang dapat gamitin sa mga picky eater.
Iba’t ibang paraan ng pagpapakain sa bata
Narito ang iba’t ibang feeding styles.
1. Authoritarian feeding style
Ito ang karamihan na ginagawa ng mga Asian parents. Karamihan sa mga bata ay nangangailangan na ubusin ang pagkain na nasa kanilang plato. Pinipigilan din silang kumain kung palagay ng mga magulang ay hindi masustansya ang napiling pagkain ng kanilang anak.
Subalit, ang style na ito ay hindi isinasaalang-alang ang paningin ng bata at kanilang gana sa pagkain. Halimbawa, ang isang bata ay maaaring mapasobra ang pagkain para lang mapasaya ang kaniyang magulang. Ito ay maaaring humantong sa problema sa timbang.
Sa kabaligtaran, kung ang isang bata ay gutom pa rin at humihingi ng mas maraming pagkain, ngunit hindi binigyan ng karagdagang pagkain, maaari silang mapakain nang madami kung bibigyan ng pagkakataon. Maaari din itong mangyari sa mga “restricted” na pagkain tulad ng kendi o meryenda.
“Kapag siya ay nasa paligid ng mga matatamis na pagkain, ang bata ay maaaring mawalan ng kontrol,” sabi ni Castle. “Ang mga magulang ay lalapit sa akin at sasabihin, ‘Nakakahanap ako ng mga wrappers sa silid ng aking anak, ang aking anak ay tila nahuhumaling sa pagkain, at kapag nakita ko sila sa isang party, puro sweets ang laman ng kanilang plato, at palagi silang kumakain.”
Sa katunayan, isang pag-aaral sa mga batang babae na ang mga ina ay labis na hinihigpitan ang kanilang pagkain ay mas madalas kumain kahit hindi sila gutom.
Tip: Ang lahat ay dapat ay nasa moderasyon. Kahit na “malusog” na pagkain!
2. Permissive feeding style
Hinahayaan ng feeding style na ito na kainin ng bata ang anumang pagkain kahit kailan nila gusto. | Source: Pixabay
Sa kabilang banda naman ay mayroong tinatawag na permissive feeding o indulgent feeding. Dito pinapayagan ng mga magulang ang isang bata na kumain ng anumang nais nila tuwing nais nila.
Ang mga ganitong uri ng mga magulang ay hindi magsasabi ng “hindi” sa kanilang mga anak pagdating sa pagkain. Ang resulta, ang mga bata ay hindi binibigyan ng regular na agwat ng pagkain at tamang nutrisyon, na maaaring humantong sa pagbigat ng timbang.
Maaari mong ginagawa ito sa pamamagitan ng reward eating kung saan ang isang magulang ay nagbibigay ng gantimpala na pagkain, tulad ng, “Kapag kumain ka ng iyong broccoli, maaari kang kumain ng ice cream”. Ang downside ng pamamaraang ito ay ang pagkakaroon ng hierarchy ng preference ng bata sa pagkain.
“Ang mga bata ay nagkakaroon ng preference sa mga reward food tulad ng candy o soda, habang ang target na pagkain tulad ng broccoli, ay nahuhuli sa kanilang mga gustong pagkain,” paliwanag ni Castle.
3. Neglectful feeding style
Kapag hindi planado ang mga pagkain, maaaring makaramdam ang bata ng pagkainsecure at mapakain ng madami. | Source: Pixabay
Bagaman hindi isang pangkaraniwang feeding style ng mga Asian parents, ang ilang mga magulang na maaaring walang sapat na tulong sa bahay ay maaaring mapunta sa kategoryang ito.
Ang neglectful feeding ay nangyayari kapag ang mga magulang ay hindi nagpaplano para sa pagkain. Ang ganitong uri ng kawalan ng katiyakan ay maaaring magdulot sa bata ng insecurity.
“Kung ang isang bata ay hindi sigurado kung ang pagkain ay ihahain o hindi makakuha ng sapat na pagkain o isang uri ng pagkain, maaari silang maging mas nakatuon sa pagkain at nagpapakita ng mga pag-uugali na humantong sa sobrang pagkain,” pagdaragdag ni Castle.
4. Authoritative style: “Love with Limits” o ang RECOMMENDED Feeding Style
How to deal with picky eaters: try the love with limits style. | Source: Pixabay
Ang pinakahuling feeding style ay ang balanse sa pagbibigay ng makakabuti na pagkain para sa kanila habang isinasaalang-alang ang kanilang nararamdaman. Ang style na ito ay nakikitaan ng positibong resulta sa kalusugan ng bata.
Sa halip na hayaan na ang bata ang magkaroon ng kontrol sa kaniyang pagkain, ang style na ito ay isang kompromiso.
Puwedeng tanungin ng magulang ang anak tulad ng ‘gusto mo ba ng green beans o broccoli para sa hapunan?’. Sa ganitong paraan, kontrolado pa din ng magulang ang sitwasyon dahil siya ang nagbibigay ng pagpipilian na pagkain. Subalit ang bata ang magdedesisyon kung ano ang kaniyang kakainin.
Hinihikayat din ng feeding style na ito ang iyong anak na pumili ng kanilang sariling pagkain at gaano kadami ito.
Ayon sa mga eksperto, ang mga magulang na nag-aalok ng ganitong uri ng suporta at nirerespeto ang kagustuhan ng kanilang mga anak ay mas makakatulong sa kanilang mga anak na gumawa ng maayos na mga desisyon pagdating sa pagkain.
“Kapag binigyan mo nang kaunting kontrol ang bata, nakikita namin na mas sumusunod at kalmado sila habang kumakain,” sabi ni Castle.
Consequence para sa action ng bata
Ang mga bata ay dapat bigyan ng kalayaan na pumili kung gaano karami ang nais nilang kainin. Ngunit kung pipiliin nilang huwag kumain, bigyan ng consequence ang kanilang desisyon. | Source: Pexels
Paano kung iginigiit pa rin ng iyong anak na huwag nang kumain sa oras ng pagkain?
Una sa lahat, maaari mong hikayatin ang iyong anak na lumapit sa hapag kainan upang makasama ang pamilya. Ngunit huwag pilitin silang kumain.
“Kausapin ang iyong anak kung bakit hindi sila gutom. Ngunit kailangan nating igalang ang appetite ng bata at hayaan silang magkaroon ng desisyon para sa kanilang katawan,” sabi ni Castle.
Kung kalaunan ay hilingin ng bata na bigyan siya ng pagkain dahil gutom siya, paalalahanan sila na ang oras ng hapunan ay tapos na at ang susunod na pagkain ay sa oras na ng agahan.
5 Tips na puwedeng subukan sa bahay
Source: Pixabay
Ngayong alam mo na kung aling feeding style ang dapat gamitin, kailangan mo pa ring mapanatili ang good habits para mapagtagumpayan ng picky eater mong anak ang kanyang preference sa pagkain. Narito ang limang tips para mapagtagumpayan ang hirap ng pagpapakain sa bata.
1. Tip #1: Planuhin ang oras ng pagkain
Ang bawat bata ay nangangailangan ng structure at schedule. Ito ay lalong mahalaga pagdating sa pagkain. Pakanin ang iyong anak sa parehong oras ng araw-araw. Nakakatulong ito sa kanilang mga katawan upang malaman kung gutom na sila o hindi.
2. Tip #2: Huwag ipagbawal ang mga matatamis na pagkain
Hindi naman masama ang mga matatamis na pagkain. Kung tutuusin, kaunti lang ang matitirang lugar para sa mga matatamis kung ang diet ng iyong anak ay puno ng nutrisyon. Kaya okay lang ang isa o dalawang kendi pagkatapos kumain.
“Depende sa inyong pamilya kung kailan puwedeng kumain ng matamis ang bata. Sa iba, ito ay nagsisilbing dessert pagkatapos ng hapunan.” ayon kay Castle.
3. Tip #3: Pakinggan kung ano ang gusto ng iyong anak
Maaaring magkakaibang mga bagay ang nakukuha ng isang bata kumpara sa gusto nila, paliwanag ni Castle.
Ang isang magulang ay maaaring maglagay ng ilang Hershey’s Kisses sa lunch box ng isang bata bilang fun food, ngunit maaaring hindi gusto ng bata ang chocolate, at sa halip ay mas gusto ang mga biskwit pagkatapos nilang kumain. Ito ay isang bagay na nararapat mong talakayin sa iyong anak upang makabuo ka ng mahusay na komunikasyon tungkol sa pagkain.
Kailangang ipakita mo sa iyong anak na ikaw ay mabuting huwaran pagdating sa tamang asal sa pagkain. | Source: Pexels
4. Tip #4: Maging mabuting huwaran
Huwag mong asahan na magiging balanse ang pagkain ng iyong anak kung hindi mo din ito ginagawa.
Ayon sa mga eksperto, okay lang na mayroong gusto at hindi gustong pagkain ang mga magulang. Subalit kailangan din nilang ipakita na sila ay kumakain nang regular at masusustansiyang pagkain.
“Kung makikita ka ng iyong anak na kumakain ng madaming ice cream, ganoon din ang gagawin ng iyong anak,” dagdag pa ni Castle.
5. Tip #5: Itrato ang bawat bata na pare-pareho
Kung ikaw ay mahigit sa isa ang batang anak, huwag hayaan na may ibang anak na puwede ang bad eating habits. Maging parehas ang trato sa lahat ng anak.
Source: CNN, The Mayo Clinic