Ilang mga paraan para hindi mapanis ang breastmilk

Alamin ang ipinapayo ng mga lactation experts na mga paraan para hindi mapanis ang breastmilk kahit pa mawalan ng kuryente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sunod sunod nanaman ang mga malalang pag-ulan na maaaring magdulot ng mga pagkawala ng kuryente. Dahil dito inaalala ng ilang mga ina na baka mapanis ang mga breastmilk na kanilang tinabi sa mga freezers. Sa kabutihang palad, nagbigay ng mga paraan para hindi mapanis ang breastmilk ang ilang mga lactation experts. Alamin natin ang kanilang mga itinuro.

Mga paraan para hindi mapanis ang breastmilk

llagay sa freezer ang gatas

Ipinayo ng lactation expert na si Agusnawati mula sa Kemang Medical Care Maternity Hospital na iwan ang breastmilk sa freezer. Gaano man katagal na mawalan ng kuryente, masmakakabuti parin na panatalihing nasa freezer ang breastmilk na natabi. Kahit hindi gumagana ang freezer, ang breastmilk ay maaaring tumagal nang mula 6 hanggang 12 oras nang hindi napapanis.

Hangga’t maaari, pinapayo ni Agusnawati na huwag buksan ang freezer at tignan lamang ang laman kapag bumalik na ang kuryente. Kanya ring inirekumenda na maglagay ng maraming yelo sa freezer upang mapanatili ang lamig nito.

Ilipat sa chiller

Ayon sa lactation expert na si Sylvia Harynery mula sa Brawijaya Hospital, kapag matunaw na ito, ilipat sa chiller. Ang breastmilk na frozen ay maaaring hindi mapanis nang hanggang 3 buwan sa freezer. Ganunpaman, kapag ito ay natunaw na, hindi na inirerekumenda na ito ay muling i-freeze.

Maaaring ipanatili ang breastmilk sa chiller nang hanggang 5 oras. Subalit, tatagal lamang ito nang hanggang 6 na oras sa room temperature na 24 degrees Celsius.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang isang kailangan alalahanin ng mga ina, ay huwag i-preserve nang napakatagal ang breastmilk. Mula sa pagkaka-pump, dapat itong ibigay sa sanggol matapos ang 3 araw. Dapat iwasan ang magbigay ng breastmilk sa 3 buwang gulang na napump nung ang bata ay 1 buwang gulang pa lamang. Kailangang tandaan na iba-iba ang sustansiya ng mga sanggol.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Asiaone

Basahin: OFW nanay: imbis na balikbayan box, breastmilk ang pinapadala

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement