Madalas bang nagta-tantrums ang iyong anak? Alamin ang mga paraan para pakalmahin ang iyong anak kapag may tantrums siya.
Hindi na iba ang ganitong eksena sa mga bata. Madalas bigla na lang silang totopakin ang magta-tantrums. Kadalasang nagreresulta ito sa pagsisigawan ng mga magulang at kanilang anak. Nakakabwisit din naman talaga kung tinutopak ang inyong mga anak.
Sa mga anak na mas bata pa maaari itong mauwi sa karahasan. Kung saan sinasaktan niya ang kaniyang mga magulang, o kaya naman kinagat. Maaari itong magresulta sa pamamalo ng magulang sa kaniyang anak.
Ayon sa isang pag-aaral ng American Academy of Pediatrics (AAP), nirerekomenda nila sa mga magulang na huwag paluin ang mga anak. Sa pag-aaral na ito sinasabing hindi epektong paraan ito upang disiplinahin at pakalmahin ang inyong anak. Kundi mauuwi pa ito ng takot, pagkalito, at galit ng isang bata. Ang mas Malala’y baka mas maging bayolente pa ang isang bata.
6 na pamamaraan para pakalmahin ang iyong anak
-
Maging kalmado
Mahalaga ang pagiging kalmado sa pagdidisiplina sa inyong anak. Huwag niyang disiplinahin ang inyong anak na may galit. Importanteng tandaan na huwag na huwag sisigawan ang iyong anak. Maaaring maguluhan o ma-confuse ang iyong anak kung ang kaniyang magulang ang sinisigawan siya. Ang pagdidisiplina sa isang bata ay mas epektibo kung ika’y kalmado.
-
Pagiging consistent sa pagdidisiplina
Panindigan ang mga rules na sinasabi sa iyong anak. Kapag pinagalitan o pinagbawalan mo siya huwag moa gad itong babawin. O huwag mo itong babawiin. Halimbawa kapag sinabi mong “Hindi ka muna gagamit ng tablet.”
Kailangan mo itong panindigan kahit na umiyak pa siya. Upang matatak sa isip niya ang pagkakamali niya at sundin ka. Kailangang panindigan mo ang mga consequence na sinabi mo sa iyong anak kapag siya’y may nagawang mali.
-
Bigyan siya ng reward
Kapag naman ang iyong anak ay sumusunod sa iyong mga sinasabi. Gayundin, kapag siya’y nagpapakita ng magandang asal at kilos. Bigyan mo siya ng reward o kaya naman purihin mo ang iyong anak. Maaari mo siyang bilhan ng ice cream, bilhan ng bagong laruan, o ipasyal sa park o playground. Sa gayon mauunawaan niya na kapag siya’y behave at nagpapakita ng magandang asal ay isang positibong ugali.
-
Mag-set ng klarong mga parusa
Gumawa ng mga standard na parusa para sa mga hindi magandang behavior ng iyong anak. Halimbawa hanggang 1 oras lang ang paggamit ng gadgets. Kapag hindi niya ito sinunod hindi siya makakapag-gadget sa loob ng isang linggo. Ipaliwanag ang sistema ng consequence at rewards sa iyong anak.
-
Gumamit ng “count-of-3” rule
Kung ang iyong anak ay tinotoyo o nagta-tantrums, kalmadong magbilang ng 1 hanggang 3 ay magsabi ng mga consquences sa kaniyang inaasal. Halimbawa kapag sinabi mong, “Iligpit mo na ang mga laruan mo. Magbibilang ako hanggang 1 to 3 kapag hindi mo ginawa walang maglalaro sa playground sa weekend.”
-
Huwag magpapadala sa tantrums ng iyong anak
Ang pagta-tantrums ng isang bata ay isang paraan nila upang makuha ang kanilang gusto. Kaya naman ipakita mo sa iyong anak na kahit mag-tantrums pa siya ay hindi mo ibibigay ang kaniyang gusto.
Tandaang iba ugali at pang-unawa ng mga bata. Gayundin ang mga magulang. Pero huwag kayong mapagod at mawalan ng pag-asa mahahanap niyo rin ang tamang paraan para pakalmahin ang anak mo kapag may tantrums siya. Gamitin lamang ang iba’t ibang paraan ay mahahanap niyo ang aangkop sa kaniya.
SOURCE:
BASAHIN:
Magic words na maaaring gamitin para matigil ang tantrums
Your child’s tantrums are actually his way of calming down