REAL STORIES: "Paralyze na ang partner ko, pero hinding-hindi ako aalis sa tabi niya."

Kahit na nangyari ang mga iyon, hindi ako umalis sa tabi niya dahil alam ko kapag mahal mo ang isang tao hindi mo siya pababayaan lalo na sa pinaka-lowest point ng buhay niya. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hi ako si Van 25 y/o,kasalukuyang nakatira sa side ng aking partner, ang pamilya ko naman ay nasa probinsya 10 oras ang layo mula rito.

paralyze ang aking partner for years na, nangyare ito simula nung binaril siya sa tapat mismo ng bahay nila, and yes walang nanagot sa nangyare sa kaniya, walang nahuli para magbayad.

Nasa Bicol ako that time at LDR kami, at nang nalaman ko ang nangyari sa kaniya, lumawas agad ako kahit wala akong kapera-pera noong mga panahon na iyon. Humiram ako sa kapatid kong bunso para makaluwas lang. 

Nasa loob na siya ng operating room nang makarating ako, kakatapos niya lang operahan at thankfully matagumpay ang operasyon at under observation na lang siya. 

Hinihintay na lang namin na makalipat sa kaniyang recovery room. Kasama ko ang kaniyang Ate na naghihintay sa kwarto. Nagpahinga na rin ako noong panahon na iyon.

To make the story short, since day 1 ako ang nasa tabi niya at hindi ko siya iniwan dahil alam ko na kailangan niya rin ng taong makakapitan dahil sa kalagayan niya. Hindi na siya makakalakad, iyon ang dineclare ng doktor, hindi na rin niya magagalaw ang mga paa niya pero hindi kami nawawalan ng pag-asa. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5 years na rin kami dalawa, at gustong-gusto ko magka-baby, pero mukhang malabo nang mangyari iyon kasi paralyze na siya. Ang lower part niya simula puson pababa wala na pakiramdam, naka-catheter na rin siya and diaper, hindi niya control pagdumi at ihi nya, ako ang naging kamay at paa niya sa simula pa lang,

Oo nakakapagod physicaly and emotional hindi ko alam paano ko kinakaya sa araw0araw pero kailangan, dahil siya hindi ko nakitaan ng negative things at laging “always look forward” lang siya, at araw-araw nag papasalamat sya dahil nasa tabi niya ako, iyon ang nagpapalakas sa ‘kin.

Maraming problema ang dumaan sa aming dalawa, isa na doon kung paano kami mabubuhay at makakatulong din sa kaniyang pamilya financially. Alam ko kasi na ang laki nang nagastos sa kaniya sa ospital at alam ko until now binabayaran pa rin ito ng kaniyang pamilya. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanggang sa sinubok ko ang pagtitinda ng halo-halo, maliit lang din ang kita pero ayos na iyon kaysa sa wala. Pero hindi rin tumagal dahil naka-pandemic na. 

Kahit na nangyari ang mga iyon, hindi ako umalis sa tabi niya dahil alam ko kapag mahal mo ang isang tao hindi mo siya pababayaan lalo na sa pinaka-lowest point ng buhay niya. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

vanessa bacer