Ang pagpapalaki ng mga bata ay nagiging mas demanding na sa mga panahon na ito. May ilang magulang na ang masnagbibigay ng oras at lakas sa pagbalanse ng trabaho at pamilya. Ang mga makabagong magulang ay mas invested, conscious at matalino narin pagdating sa mga parenting choices. Wala mang one-size-fits-all, may ilang nauso at pagbabago sa kultura na dapat kilalanin.
Ang mga uso ay nalalaos din—lalo na sa panahon ng social media. Habang ang ilan ay nagpapatuloy, may ilang nalilimutan din. Ito ang ilang parenting trends 2020 na tingin namin ay maaaring tila maging mas-iba (o hindi) kumpara nuong 2019.
Tanggapin man ito o hindi, ikaw na ang magdedesisyon.
Parenting trends 2020 na dapat abangan
1. Self-care habits
Ipina-alam ng Facebook IQ ang kanilang 2020 Topics and Trends Report matapos kunin ang mga datos mula sa shinare ng users, mga pag-uusap sa posts ng isa’t isa, pati na mga pinakamaraming sinearch.
Napag-alaman na marami sa U.S. ang tumatanggap sa self-care rituals, mula sa paggamit ng specialty soaks at paggamit ng chill-out na music para mag de-stress. Ngunit sa mga magulang ay hindi kailangan na ganon ka gara. Ang 2020 ay maaaring maging ang taon para mas alagaan ang iyong sarili. Simulan sa mga simpleng bagay: maglakad, maligo nang maayos, o hayaan ang sarili sa ilang cravings nang hindi nagui-guilty.
2. Gender-neutral sa lahat ng bagay
Mula gender-neutral Barbie dolls, mga makabagong pangalan hanggang sa pagpapalaki ng gender-neutral na baby. Ito ay siguradong uuso ngayong 2020, kung hindi pa uso ngayon.
Naniniwala man o hindi sa stereotype na pambabae ang pink at panlalaki ang blue, o kayang tanggapin na ang mga lalaki ay naglalaro ng mga manika, ito ay isang hot topic para sa mga pag-uusap. Pang ngayon lang o hindi, panahon lamang ang makakapagsabi!
3. Paglayo mula sa Instamom culture
Madaling mahumaling sa Instagram feed at sumama ang pakiramdam sa pagkumpara ng iyong mundo sa kung ano ang meron ang iba. Ang pagkita na nag-eenjoy ang ibang ina sa kanyang getaway kasama ang pamilya habang stuck ka sa masungit na toddler ay nakakapanghina—ang guilt, pagkainggit at lahat ay nararamdaman.
Ngunit tandaan, ang nakikita mo ay ang masasayang bagay lamang sa buhay ng ibang tao. Mahirap man iwasan ng FOMO (fear of missing out), maaaring kailangan mo ng social media cleanse.
4. Pag-normalize ng anxiety
Nuong 2019, ayon sa Mashable, ang pagiging “malungkot” at “depressed” ay tila naging normal—uso pa nga.
Napakarami ang nakakaranas ng school stress. Ang mga tao, maging mga bata, ay hinihikayat na magsalita tungkol sa kanilang mental health at humingi ng tulong. Hinihikayat din ang iba na gumamit ng social media tulad ng school confession Facebook pages para magsalita tungkol dito. Kahit pa ang intensyon ay makatulong, maaaring ito rin ang naging daan para ma-normalize ang nakaka-distress na kondisyon.
5. Tinker Time
Isa pang parenting trend 2020 na dapat asahan ayon sa Facebook report ay ang hands-on approach sa creativity at edukasyon.
Ang consumer technologies ay nagiging mas abot-kaya at sa Brazil, ang maker culture o DIY ay umuunlad. Kahit mga paaralan ay sinasama ang mga teknolohiyang ito sa kanilang curricula tulad ng 3D printing, electronic prototypes at laser cutting. Dapat itong abangan lalo na sa pagpapalaki ng isang all-rounder.
6. Pagtanggap sa postpartum na katawan
Paano mawala ang aking postpartum na tiyan? Isa ito sa mga karaniwang tanong ng mga ina, tulad ng makikita sa post na ito sa theAsianparent app. Ang pagbalik ng hugis ng katawan ay nasa isip ng mga ina.
Subalit, makikita rin ang pagdami ng magagandang larawan ng mga ina at ng kanilang postpartum na katawan sa social media. Ang mga hashtags tulad ng #this_is_postpartum at #everywomanisanangel ay nagbibigay inspirasyon at kumpiyansa na kailangan.
Ngayong 2020, lahat ay tungkol sa pagiging positibo, pag-angat ng isa’t isa at pagkita ng kagandahan sa imperfections.
7. Environmental consciousness
Naghahanap man ng eco-friendly baby prioducts, gumagawa ng mas-conscious na approach sa fashion, o environmental activism ayon sa Facebook IQ report, ang environmental consciousness ay isa sa parenting trends 2020 na dapat tandaan.
Paano nito naaapektuhan ang mga magulang at pagiging magulang? Ang pagkakaroon ng environmental consciousness mindset ay makikita bilang pagbibigay tuon sa pamumuhay at kabahayan. Kapag ginawa ito sa tahanan, matututo rin ang mga anak. Pagdating sa pagiging magulang, ang pagiging role model ang paraan.
8. Pagbawas ng screen time, pagdagdag ng audiobooks
Ang audiobooks ay mas sumikat sa 2019 kumpara sa mga nakaraang taon.
Ang pakikinig sa audiobooks ay alternatibo sa mga devices na nakaka-distract sa mga anak. Hindi ba magandang balita ito?
Ang audiobooks raw ay nakakatulong sa pagdevelop ng matibay na pakikinig at pagtutuon, mga mahahalagang kakayanan. Natutulungan din nito ang mga bata na magmultitask habang gumagawa ng ibang aktibidad.
9. Kalusugan ang nangunguna
Pagdating sa kalusugan, at lalo na ng mga anak, siguradong hindi magaalinlangan ang mga magulang.
Hindi na kasing pabaya ng dati ang mga consumers, nagsasaliksik na bago magcommitt sa isang bagay. Sa Facebook IQ report, napag-alaman na sa France, ang mga health conscious ay gumagamit ng mga apps para masuri ang araw-araw na pagkain at personal na kagamitan na maaaring maglaman ng nakakasamang sangkop, nutrients, antioxidants, at pollutants.
Ang mga magulang ngayon ay mas conscious sa pinapakain sa anak, nagsasaliksik pa sa ibang paraan para mapabuti ang kalusugan at brain development.
Napakaraming dapat isipin, di ba? Ngunit dahil madaling maabot ang mga impormasyon, at bestfriend natin si Google, pangmatagalan na ang parenting trend 2020 na ito.
Source: Facebook IQ 2020 Topics and Trends Report
Tumanggap ng araw-araw na updates tungkol sa aming top stories kapag ifo-follow kami sa Telegram sa https://t.me/theAsianparentSG.